"Hon, hindi ba tumawag si Enrico? Aba'y kahapon pa hindi iyon umuuwi ah?" may pag-aalalang tanong ni Christine Joy sa asawa. "Ay, Mommy, huwag mo ng hanapin si Kuya baka nagpunla iyon," walang pakiyaming saad ni Janina ngunit agad ding itinaas ang daliri at nagpeace-sign dahil napagtanto ang salitang binitawan. "Ikaw anak kababae mong tao eh masyado kang bulgar magsalita. Baka naman maaring nakitulog lang muna sa kaibigan niya." Napailing na lamang si Garrette sa nag-iisang anak na babae. "Kaya't huwag na kayong magtaka, Daddy, Mommy, kung walang makabihag sa puso ni Ate dahil masyadong mapili tapos tatakbuhan pa kung hindi type." Pang-aasar pa ni Wilmer. Nakasanayan man kasi nilang sabay-sabay mag-aalmusal bago sila magkaniya-kaniya ng landas. School principal man si Wilmer Gabb kaya'