"Wala ka bang balak umuwi, Kuya?" tanong ni Janina Khate sa kapatid. "Ayan ka na naman sa pangungulit sa akin. Aba'y uuwi siyempre dahil nandoon sina Mommy at Daddy and the test of our family." Nakangiwing binalingan ni Enrico ang kapatid na wala na yatang ginawa kundi ang kulitin siya. Kaso mukhang nasa mood na naman itong pagbatuunan siya ng pansin. "Alangan namang ang kaibigan mo ang kulitin ko eh wala rito. Kaya't natural lamang na ikaw ang kulitin ko dahil ikaw ang nandito." Kibit-balikat pa nito na abalang-abala sa pagngangatngat sa sariling kuku. Kaya naman ay sinita niya ito kaysa pagtuunan ang sinasabi nito sa kaniya. "Janina Khate Cameron, you're old enough but you're always doing that to your nails? Kung nagugutom ka then feed yourself in the kitchen not your nails. Hindi