Chapter 17 Adelia Kay bilis lumipas ng mga panahon. Anim na buwan na itong ipinagbubuntis ko. At hanggang ngayon para pa rin akong naglilihi. Sa tuwing umaga nagsusuka pa rin ako. Hindi na rin ako lumalabas ng condo unit kung hindi ako susunduin ni Ma'am Badet, para magpa-check up. Hindi nga ako nakabisita sa kaibigan kong si Eunice, noong nanganak siya sa panganay nilang anak ni Alexander. Kinuha niya akong ninang sa binyag ng kanilang anak subalit hindi rin ako nakadalo. Ang last kong paglabas ay 'yong huli naming pag-date ni Miko. Kasalukuyan nakaharap ako sa salamin tinitingnan ko ang pigura ko. Ang laki ng ipinayat ko dahil hindi ako masyadong nakakain. Sinusuka ko rin kasi ang mga kinakain ko. Naiinis akong tingnan ang katawan ko dahil mukha na akong butete. Ang laki ng tiyan