Chapter 16 Nathan Abala ako ngayon sa opisina nang dumating si Mommy, kasama si Rosemarie. Tatlong buwan na ang lumipas ng unang date namim ni Rosemarie, subalit hanggang date lang kami. "Nathan, kumusta na ang, unico iho ko?" nakangiting bati ni Mommy sa akin. Habang si Rosemarie, naman malawak ang mga ngiti sa labi. Nagulat ako sa pagdating nilang iyon. Hindi ko inaasahan na darating ang ina ko dito sa Las Palmas "Mom, hindi mo man lang sinabi na uuwi ka?" tumayo ako at agad na sinalubong siya ng yakap. "Gusto kasi kitang surprresahin, iho. Busy ka ba ngayon? Gusto ko sana sabay tayo mag-lunch ni Rosemarie sa bahay nila. May ipinaluto raw siya sa kasambahay niya," anyaya pa ni Mommy sa akin. Tumingin ako kay Rosemarie. "Hindi ka na dapat nag-abala pa Rose. Sa labas na lang sana