Chapter 51 Nathan Gigil na gigil ako kanina kay Adelia habang tinatawagan ko siya at hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Mas lalo pa akong nainis ng maamoy ko ang alak sa hininga niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil kung ano-ano na ang naiisip ko. Iniisip ko na baka may kalandian siyang iba. Hindi ko alam subalit hindi ko yata matanggap iyon. Hindi pa ako nagsasawa sa kaniya, kaya akin ang dapat ang katawan niya. Akala ko matitinag siya at matatakot sa akin subalit hindi ko inaasahan na makipag-break siya sa akin. Siya ang kauna-unahang babae na gusto agad makipag-break sa akin. Siya itong gusto kong baliwin, subalit mukhang ako yata ang magbabaliw sa kaniya? Pagkatapos kong lapitan si Adelia at sabihin na mag-uusap kami kapag tulog na ang mga bata ay pumasok ako sa akin