Episode 50

2091 Words

Chapter 50 Adelia Umakyat ako sa itaas at pumasok sa silid ni Nathan. Hindi ko naabutan doon ang mga bata. Nakasunod naman sa likuran ko si Nathan. "Tinatanong kita ng maayos, kaya huwag mo akong talikuran!" galit niyang sabi sa akin. Bumaling ako sa kaniya at tiningnan siya ng masama. "Nakainom ako ng alak Nathan, kaya huwag mo akong salubungin ng init ng ulo mo. Saan ang mga bata?' tanong ko sa kaniya, subalit narinig ko ang iyak ni Amera sa dati naming silid. "Wala akong pakialam kung nakainom ka. Ang tinatanong ko saan ka galing?" nagtitimpi niyang tanong sa akin. Dala na rin marahil ng alak, kaya wala akong pakialam kung magagalit man siya o hindi sa akin. "Hindi ba sabi mo nakikipaglandian ako sa kung kanino? Eh 'di, paniwalaan mo kung ano ang gusto mong paniwalaan? Tabi ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD