Chapter 13 Adelia Late na kaming umuwi ni Miko sa condominio. Nabusog ako sa mga in-order naming pagkain. Excited akong sabihin kay Eunice, na muli kaming nagkita ni Nathan, kaya pagdating ko sa condo unit ko ay agad kong tinawagan ang kaibigan ko. Maya-maya ay nasa kabilang linya na ito. "Napatawag ka bakla?" Paos ang boses nitong sagot sa akin. "Gising ka pa, bakla?" tanong ko sa kaniya "Malamang dahil tumawag ka," sagot nito sa akin sa kabilang linya. "Pasensya ka na sa istorbo," hingi ko naman ng paumanhin sa kaniya. "Okay, lang nagising talaga ako dahil naiihi ako. Ano ba ang balita at napatawag ka?" "Bakla nagkita kami ni Nathan kanina. May kasama siyang babae. Girlfriend niya siguro iyon, pinsan ng ka-date ko," pagku-kwento ko kay Eunice. "Talaga? Qt sino naman ang