Chapter 12 Adelia Tuwang-tuwa ako na umuwi sa condo unit kasama si Miss badet. Sabi ng doctor ko healthy daw ang mga baby. Hindi ko nga akalain na kambal pa ang maibibigay kong anak sa gurang na iyon. "Adelia, ingatan mo ang mga batang iyan na nasa sinapupunan mo, ha? Sigurado na magugulat si Boss, kapag nalaman niya na kambal ang magiging anak ninyo," tuwang-tuwa na sabi sa akin ni Ma'am Badet. "Mam Badet, pwede po bang ako na lang ang magsasabi sa boss mo tungkol sa ipinagbubuntis ko?" nakangiti kong tanong kay Miss Badet. "Well, kung iyon ang gusto mo walang problema. Sabi pala niya hindi muna kayo matutuloy mamaya dahil may mga importante siyang gagawin. Bukas na lang daw kayo mag-loving-loving sa hotel. At siguro kapag nalaman niya na buntis ka na hindi ka na niya gagamitin pa d