Chapter 37 Adelia Ilang oras din ang biyahe namin bago kami nakarating sa resort na sinasabi ni Nathan. Private resort pala iyon na pagmamay-ari din nila. May dalawang rest house. Ang isa may tatlong silid. At ang isa naman ay may iisang silid. Sa gitna ay may swimming pool at sa labas ng compound makikita ang malawak na dagat. May duyan na nakakabit sa dalawang puno ng kahoy. Ang ganda ng lugar na ito dahil makapag-relax ka. Malayo sa ingay sa siyudad. Hampas lang ng alon sa dagat ang maririnig mo at mga huni ng ibon. Tinulungan ko si Manang na dalhin ang mga gamit namin sa rest house na may tatlong silid. "Iha, doon kayo ni Nathan sa kabilang rest house. Dito lang kami ni Manang Menda at ng Daddy ninyo. Pero dito muna sa amin ang mga bata," sabi ni Mrs Castillo sa akin. Nakita k