Chapter 36 Adelia Muntik na talaga ako kagabi madali ni Nathan. Paano ba naman ang sarap niya mag-kiss. Pareho sila ng gurang na ama ng aking kambal na anak kung humali sa aking labi. Parang mga patay gutom. Kung pwede niya lang sigurong lunukin ang labi ko baka nilunok niya na. Sa sobra kong gulat ng umiyak si Amero ay naitulak ko si Nathan, kaya mukhang nabalian yata siya. Nakangiwi siya habang bumabalik sa pwesto niya. Galing siya sa banyo at ang tagal niya roon. Ang likot kasi niya. Sigurado talaga ako na may pagnanasa siya sa akin. Mabuti naman at huminto na sa pag-iyak si Amero. Dahan-dahan ko itong inilapag muli sa kama katabi ng kaniyang ama. "Ayos lang po ba kayo, Sir?" nag-aalala ko ring tanong kay Nathan. Kumibot ang gilid ng kaniyang labi habang magkasalubong ang kani