Synopsis

253 Words
"Salamat sa pagkakataong tinanggap mo ako, sa kabila ng mga kamalian ko. --- Paolo --- Adik ka sa paningin ng iba Barumbado ka pag kasama mong iyong mga kabarkada Suwail kang anak para sa mahal mong pamilya Pero para sa akin ikaw ay dakila ... Hinusgahan ka nila sa panlabas mong anyo Pero di nila nakikita ang totoong pagkatao mo Na tanging ako lang ang nakatuklas at nakaalam nito Na isa kang tapat at mapagmahal na tao... Para akong isang berhen kong tratuhin mo, Binibigay mong lahat ng makapag pasaya sa mahal mo Dika lang mapagbigay kundi lahat ginagawa mo Dahil para sayo basta't nasa tabi mo lang ako kompleto ng buhay mo... Minahal mo ako ng sobra sobra Na diko alam kung ito'y matatapatan ko ba Pero tanging hiling mo sakin basta't di lang kita iwan yon ang mahalaga Na dimo na kailangan ang kahit na anupa... Lahat ginagawa mo Wala kang pakialam sa sasabihin ng ibang tao Kahit na nga itinakwil ka ng mga magulang mo Kinaya mong lahat basta't kasama mo lang ako... Astig ka at iniilagan ng iba Kapag magkasama tayo lahat nakatingin na para bang nagtataka Dahil sa porma mong kakaiba talaga Na kahit nga ako minsan napapalatak at napapahanga... Wala na akong pakialam Basta't masaya ako sa ating pagmamahalan Kahit na lahat sila hinuhusgahan ka at inaayawan Ito lang ang yong laging tandaan, mahal kita maging sino ka man.. "Hindi ito yung relasyong pinapangarap ko, pero hindi ako kailanman mawawalan ng tiwala sayo." -- Rowena -- ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD