Prologue

813 Words
Ako si Rowena Arisgada, sixteen years old at nakatira sa medyo may kalakihang barong barong sa tabi ng sapa. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang pangalawa. Kargador sa fishing port ang trabaho ng Ama ko, kaya sagana kami sa ulam na isda.. wan to sawa ang menu naming isda.. May pritong isda, sinabawang isda, pinatisang isda, tinapang isda at adobong isda.. na paboritong ipaluto ni Papa kay Mama. Isang tindera naman sa palengke ang aking Ina, mga gulay at prutas ang kadalasang itinitinda nya na hinahango pa mula sa Bacolod, may farm kasi duon ang matalik nyang kaibigan na si Monaliza.. Mahirap lang kami pero dahil sa sipag at tyaga ng aming mga magulang, nakakapag aral kaming magkakapatid. Sa paaralan na aking pinapasukan, iba't ibang grupo at samahan ang aking nasaksihan. Iba't ibang fraternity ang aking natuklasan, na gumagawa ng masama at mga kalokohan. Sa lahat ng mga kapatiran na aking nakasalamuha't pinakisamahan. Iisa lang ang samahan na aking hinangaan.. samahan ng limang babae na puro palaban, hindi nagpapadaig at nagpapatalo sa kahit na sinuman. Hanga ako sa tatag, determinasyon at pagkakaibigan nila. Kaya ng yayain nila akong umanib sa grupo nila, walang pagdadalawang isip na sumali ako sa kanila. Kami ang "Bad Girls" ng school namin. . walang sinasanto , lahat binabangga. kahit nga professor naming manyak, pinapatulan pa namin, bahala na si wonder woman, kapag bagsak ng grado namin.. Sabagay, project lang katapat nyan.. Maka 75 na grade lang kami, ayos na yun samin. At least, hindi pulang marka dibah! Kahit na hindi ako mayaman kagaya ng mga katropa ko, hindi man lang ako nakaramdam ng panliliit kapag kasama ko sila. Sa hirap at ginhawa.. Sa lungkot at saya, lagi kaming magkakasama.. At kahit na nga pagdating sa mga pustahan namin.. Hindi man lang nila ako binu bully kapag puro utang ang pinang pupusta ko sa kanila. Kasi, manalo o matalo ka man, kasali kapa rin naman sa grasya at biyaya.. Naman! San kapa makakakita ng mga kaibigang pantay pantay lang ang turingan sa isa't isa? Bihira ng ganun sa panahon ngayon. Kapag kasama ko ngang grupo.. Proud na proud talaga ako. Kahit na maloloko at kadalasan pumapalpak ako saking mga ginagawa.. Okay, pa rin sa kanila yun. Forgive and Forget.. Yan ang palaging naririnig ko sa kanila kapag ako'y nagkakasala. Ang swerte ko, dahil napabilang ako sa grupong Bad girls.. Di lang ako nagmumukhang yayamanin kundi sosyalen na rin, kapag kaming lahat ay nagkakatipon tipon at nagsasaya. Pero may isang reputasyon akong nagpalubog saking pagkatao. Na kahit anong pagbabago pang gawin ko'y hindi na mabura at maalis sa mga taong malisyosa at mapanghusga. Sabi nga ng aking mga katropa.. 'Kahit gaano pa kalaki at kadami ang kabutihang nagawa mo sayong buhay.. Sa isang pagkakamali mo lang.. burado ng mga kabutihang nagawa mo at yung kamaliang nagawa mo ay mananatili na sa mata at isip ng mga taong walang ginawa kundi ang bantayan at laitin ang buhay mo.' Isang kamalian na pumatol ako sa isang taong may taglay na apat na M. Sa murang edad ko nuong katorse anyos pa lang ako, nagkasala, kinondena, inalipusta ako ng lahat.. At ang tanging dumamay at kinapitan ko, ay ang aking pamilya.. inunawa at tinulungan nila akong makabangon mula sa pagkakalubog ko sa kasalanang aking nagawa. Pina therapy nila ako, lsang psychiatrist ang hindi talaga sumuko sa pagtulong sakin, hanggang mahila nya ako't maibalik sa dati kong katinuan. At sa awa ng Diyos.. Gumaling ako't nakabalik sa pag aaral. Nakakalungkot nuh? Likas at ugali na talaga ng tao ang manghusga, ginagawa na nilang hobby at kaligayahan na nilang gawing pagkain ang buhay buhay ng ibang tao. 'Hooker' yan ang tingin at tawag sakin ng karamihan sa lugar namin.. Panu ba naman.. Iba't ibang lalaki na nakakotse, ang sumusundo at naghahatid sakin sa pagpasok at pag uwi ng bahay namin.. Kumbaga dinadaanan na lang ako ng aking mga kasamahan sa trabaho. Marami kasi akong raket at kumikita ako ng malaki, paraan ko yun para makatulong saking mga magulang. At maibalik ko sa kanila ang lahat ng kabutihan at pagmamahal nila sakin. At sa lahat ng mga raket ko, ang pagiging cosplay ang pinakagusto ko sa lahat. Deadma na lang ako saking kapaligiran kapag nasa lugar ako namin. Kahit nakakamatay ang tingin ng mga chismosang kapitbahay, Bulag, pipi at bingi nako sa kanila. Ang tanging mahalaga sakin ay ang mga taong naniniwala ng aking pagbabago, at nagtitiwala saking kakayahan.. Mga taong nandyan lang umaalalay, gumagabay saking buhay.. Sapat na sakin at kontento nakong hindi nila ako iniiwan. I'm Rowena Arisgada ... Sixteen ... Maharot... Sumpungin... Malibog... In the success, even in the failure of my life, they're always by my side .... My Family who loves me ... The bad girls who supported me ... And most of all... The man I love, who defended and fought for me... ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD