Sa bawat burda ng katawan ko
Dito nakasalamin ang tunay kong pagkatao
Isang sutil at barumbado
Yan ang tatak ng Lalakeng 'BIBIDA' ngayon sa kwentong ito
Simpleng tao na mababaw ang kaligayahan
May prinsipyo at katatagan
Hamakin man ng lahat walang pakialam
Basta't nasa tama pinaninindigan
Andrade Viena Paolo
Tubong lloilo
May dugong Australiano
Medyo bastos pagpasensyahan na po ninyo
♬kahit hindi gwapo♪♬
♪kahit na di matalino♪♪
♪♬basta't may puso ♬♬
♪♪ siguradong gugustuhin mo ♬♪♪
Abante..!!
Ako yung tipo ng taong walang pakialam sa kapaligiran.
Di ako gentleman
Ako yung lalakeng kapag sumasakay ng bus at nakapwesto sa aisle, at may tumapat na babae sakin, di ako tatayo para paupuin siya, pipikit ako at matutulog.
Ako yung lalakeng mauunang bumaba sa jeep/bus/fx kesa sa babae. Hindi ko inaapply ang ladies’ first.
Ako yung lalakeng hindi magpapatahan ng kaibigan kong babaeng umiiyak sa harap ko o sa phone. Di ko siya pipigilang umiyak. Umiyak ka lang dyan.
May mga dahilan kung bakit,
Mas gugustuhin kong nakatayo siya sa harap ko na alam ko kung madudukutan ba siya o may mambabastos sa kaniya, kesa paupuin ko siya sa pwesto ko na ang magiging katabi niya ay manyakis. (Sorry, naging judgemental ako)
Mas gugustuhin kong ako ang maunang bumaba sa sasakyan para masecure ko kung safe na ba ang bababaan niya, kesa sa siya ang mauna sa kung anumang hindi magandang mangyayari.
Mas gugustuhin ko pang umiyak siya ng umiyak dahil sa problema niya. Pagsasabihan ko pa siya ng masasakit na salita dahil yun ang kailangan niya. Magising sa katotohanan kesa sa takpan ko ang mata niya sa katotohanan. Pagsabihan ng magagaan na salita para tumahan siya? No. Magsasabi ako ng totoong nakikita ko nang lumakas siya. At sa susunod, ayoko na siyang umiyak pang muli.
Di ako gentleman, sadyang alam ko lang kung paano sila pahalagahan, bilang babae..
Tomas Morato Avenue
So, nandito na naman ako ngayon naglalakad papunta sa Fiftyfive Tinta Pilipinas, para ipa tattoo ang tagiliran kong nasaksak ni Queen, ang leader ng Bad Girls na naka engkwentro ko sa labas ng subdivision nila Tol Ym kamakaylan lang..
'Hay! Madadagdagan na naman 'tong burda ko sa katawan.. Lagot na naman ako kay Inay nito.'
Ng magawi ako sa Prime Upscale Club, inaasahan ko ng mga paniki na nagkukumpulan sa katabi nitong apartment. bandang gilid ng entrance nito.
"Fafa P., daan ka muna! birthday ni Carlota, wala kaming striper! Pedeng ikaw na lang?"
"May araw pa ah? Ke aga nyu namang mag umpisa.?"
Di humihinto sa paglalakad na sabi ko kay Bella, isa sa mga prosti na naging kaibigan ko na. Ang tawag ko sa kanila ay mga paniki na naglilipana tuwing sasapit ng dilim.
"Saan bang punta mo't tila nagmamadali ka yata, Fafa P.?"
Ramdam kong kamay ni Bella saking bewang, napapalatak na lang ako sa bilis ng galawang mahalay ng hitad na'to.
"Bilis makapulupot sa katawan ko ah! Dinaig mo pa si Valentina kung lumingkis! Haha.. Hanep!"
Ang kanyang kamay na nasa bewang ko lang kanina, ngayon ay nasa dibdib ko na, humahaplos.. Pumipisil.. at ng maramdaman kong pababa ng tungo ng haplos nya saking puson, maagap kong pinigilan ang kanyang kamay.
"Fafa P. , kelan mo ba tutuparin ang pangarap kong makasama ka? Kahit isang gabi lang .. maging akin ka naman!..hmm.."
"Hoy! Bella, wag mong pagsamantalahan yang kleyente ko! pwede?"
Natawa na lang ako ng mula sa'ming likuran ay marinig kong boses ni Bogz, ang tattoo artist na pinagkakatiwalaan kong mag burda sa'king katawan. Five minutes late na kasi ako sa'ming usapan, dahil nga dito kay Bella. Napakakulit naman kasi ng babaeng ito.
"Grabe ka naman sa'kin Bogz! di'ko naman pinagsasamantalahan si Fafa P. ah!"
"Eh anong tawag dyan sa ginagawa mo? Panghahalay? Parehas lang naman yun!" Gigil na singhal pa ni Bogz sa kapittuko pa rin sa'king si Bella.
"Sorry Bella ha! Diet kasi ako ngayon sa mga mani! Next time ko na lang tutuparin yang pangarap mo.. Hehe."
Sabay baklas ko sa mga kamay ni Bella saking bewang, bahagya akong umatras palayo dito saka tinapik kong balikat ni Bogz.
"Tara na Bro! May transaction pa'ko mayang gabi, tamang tama lang siguro ang oras para matapos mong burda sa tagiliran ko."
"Kanina pa nga kita hinihintay eh! Kaya lumabas na ako..." Sinulyapan pa nito si Bella "...nakita kong nasabit ka dito, kaya sinundo na kita! Bakit kaba naglalakad san ng kotse mo?"
"Lana kong sasakyan."
Sabay gulo sa mahaba ko ng buhok. Kahit magpagupit diko na magawa. Nakailang hakbang na kami ni Bogz ng marinig ang sabi ni Bella.
"Bogz! Baka gusto mo ng sideline? Kelangan namin ng stripper! Interesado kaba?" Alam kong iniinis lang ni Bella si Bogz.
"Hindi! Gagang 'to! Artist ako, hindi macho dancer!.. Tanga!"
Nanggigigil na sigaw ni Bogz ng di man lang nililingon si Bella na impit ang boses ng pagtawa.
"Hahaha... Kalma ka lang Bogz, lalo kang iinisin ni Bella kapag ganyan ang reaction mo sa bawat sasabihin nya sa'yo."
Panay ang buntong hininga ni Bogz, lam kong nagtitimpi lang ito..
"Parati kong sinasabi sa'yo Paolo, iwasan mong mga babaeng yan, kung ayaw mong sumabit kana naman."
Yan ang paulit ulit na payo nya sakin. Hindi ko lang kasi basta kaibigan si Bogz. Brothers kami sa isang underground society.. An organization of brotherhood ... The brotherhood that saved me ... from my dark world, they pulled me into the light .. Whatever I am now .. That I owe to them.
I woke up with thoughts tomorrow and how every corner was a new opportunity to smile. I tasted fear and I regret it. I poisoned my body to find a cure. I have inked my heart and I will continue it. I woke up to the thoughts of yesterday and how each maze ... no matter how beautiful, they always have an exit. I woke up to thoughts of a future and it was scary to breathe in cigarettes and alcohol. but I was able to make a bed of thin slices that I cut from those I had given my heart. A pounding heart fighting back and forth, I use sedatives to help with restlessness. I use drugs to confuse myself into believing I can be loved because I feel love, and now? I got used to being alone, I met the greatest people in the underground society and they gave me a home, I made lovers of my demons and I kissed my sins sometimes too much and let me tell you, if I forgot to apologize because I was weak and numb from the dose of white gunmen inside the hell sweaty cupboards ... I apologize that I couldn’t be better. I am weak.
°
°
°
"I owe myself the greatest apology for enduring what I don't deserve."
?MahikaNiAyana