Maayos na ang aking pakiramdam at nagpapahinga na lamang para makabawi ng lakas. Sa sobrang saya ko dahil sa naalala ako ni Chairman ay ganado kong pinapak ang mga prutas na kanyang ipinadala. Gayundin ay inilagay ko sa isang vase ang mga bulaklak upang madiligan. Si Ading naman ay panay ang pagkain ng mga tsokolate.
Ilang sandali ay tumunog ang doorbell. Nang lumabas ako ay nakita ko si Eros na naghihintay sa labas ng gate at kumaway sa akin.
Ngumiti ako. "Eros, pasok ka,"
Nang makapasok ng bahay ay bumati muna sya kay Mama, "Tita, good morning po," sabay nagmano.
"Elle, kamusta ka na? Para sa 'yo," at inabot sa akin ang isang basket ng prutas.
"Salamat, Eros," ani ko
"Eros, magmerienda ka muna," anyaya ni Mama
"Naku, thank you po Tita. Kaso hindi rin po ako magtatagal, gusto ko po sanang kamustahin si Elle bago kami umalis,"
"Sige Hijo. Maiwan ko na muna kayo dyan ni Elle at asikasuhin ko muna itong niluluto ko,"
"Salamat po Tita," tugon ni Eros.
Niyaya ko si Eros na maupo muna kami sa sofa. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nya sa akin
"Oo, salamat sa pag aalala. Kahapon nilagnat ako, siguro dahil sa pagod at naulanan pa, pero maayos na ako ngayon. Gusto ko na ring lumakas agad para makatulong na rin sa tindahan at sa bahay, nakakahiya din kay Mama dahil hindi ako gaanong makatulong ngayon,"
"I'm sure mas gusto ni Tita na magpahinga ka muna para lubos kang gumaling,"
Tumango naman ako. Napadpad naman ang kanyang tingin sa mga bulaklak. "Saan galing yung mga rosas?"
"Galing yan kay Chairman, yung nagpapaaral sa akin," masaya kong tugon.
Tumango naman sya.
"Saan pala kayo pupunta?" tanong ko
"Magpepresent ang grupo namin sa isang conference sa Singapore, isang linggo din kami doon,"
"Wow! Ang galing nyo naman. Good luck ha,"
"Salamat, Elle."
Nagpaalam na rin sya bago umuwi sa kanilang bahay para maghanda ng kanyang mga damit.
Kinabukasan, masigla akong pumasok sa eskwelahan. Tulad ni Eros ay kinamusta rin ako ng mga kaibigan
"Bes, heto kumain ka ng fruit bars para lumakas ka," ani Berna
"Salamat, Bes." Mukhang mapupurga na ako sa prutas dahil nitong mga nakaraan ay puro prutas ang aming kinakain.
Pagkatapos ng naunang klase ay pumasok na si Sir Matt sa aming silid. Seryoso pa rin ito ngunit mas maaliwalas syang tignan kumpara ng nakaraang linggo
"Papa Matt, bakit mas lalo kang gumwapo ngayon?" mahinang tanong ni Scarlet sa likod namin ngunit sapat na para marinig naming magkakaibigan. Kaya bahagya kaming natawa dahil sa kanyang kalandian.
Bagong gupit si Sir Matt kaya mas lalong lumutang ang kanyang kagwapuhan. Ngunit agad naman akong nakabawi at itinuon ang pansin sa aking notebook. Sa isip ko ay aking sinaway ang sarili,"Elle, tigilan mo yan!" Nang bumalik ang aking paningin sa pisara ay nagtama ulit ang aming mga mata. Sa tuwina ay para akong nalulunod kaya itinuon ko ang paningin sa pisara.
Isang tapik naman sa aking balikat ang aking naramdaman, "Girl! Nakatingin sa akin si Sir Matt!" Nasa likod ko lamang si Scarlet kaya maaaring napagkamalan nyang sa kanya nakatingin si Sir Matt.
"Scarlet, focus muna tayo sa lesson. Baka pagalitan tayo ni Sir," paalala ko.
"Ikaw Elle, KJ talaga! Sige na nga," tugon nito
"Class, I have read all your case studies and indeed, I want to thank you for coming up with interesting papers," sambit ni Sir Matt
"But among the papers I've read, there's one that stood out. In terms of diligence in having a thorough research and application of concepts. So I will recognize the student and accompany him/her on a tour about the chosen case study,"
Namangha at naexcite naman ang buong klase sa sinabi ni Sir Matt. Mga magaganda at sikat na building din sa syudad ang mga pinili ng aking mga kaklase kaya lahat ay naexcite tungkol sa tour.
"Ms Santos, you have demonstrated a thorough knowledge about the Empire tower and interesting recommendations. Good job,"
Laking gulat ko sa kanyang sinabi. Hindi ko akalain na mapipili nya ang aking case study gayong muntikan na itong hindi pumasa nang una ko itong sinumite. Nagpalakpakan naman ang aking mga kaibigan pati na ang iba naming kaklase maliban kina Karen at mga kaibigan nito.
"Let's meet at my office after your last class and we'll go to the Empire tower," sambit nito
"Alright Sir, thank you," tugon ko
"Ang galing! Congrats Bes!" bati sa akin ni Berna
"Girl, sana all! Ikaw na!" sabay ang bahagyang hampas ni Scarlet sa aking braso.
"Nagseselos ang bakla!" ani Petra sabay tawa.
"Sir, pwede bang sumama bilang alalay ni Elle?" ani Scarlet kaya nagtawanan muli ang buong klase, pati si rin si Sir.
Nagpatuloy ang klase at nang matapos na ito, nauna nang lumabas ang grupo nina Karen at ang iba pa naming kaklase. Samantalang kami ay naiwan pa dahil may inaayos si Petra na mga papel. Nasa silid pa rin si Sir Matt na inaayos din ang kanyang mga gamit
"Girl, beke nemen! Pakape ka naman, total ikaw ang napili sa case studies natin!" ani Scarlet
"Uh, Scarlet, pasensya na kayo ha. Sapat lang kasi sa pamasahe ang dala kong baon,"
"Guys, it's on me."
Nabigla naman ako sa sinabi ni Sir Matt. "P-pero Sir,"
"Ms Santos, just treat your friends next time,"
Sobrang saya naman ng aking mga kaibigan. "Thank you Sir! Ang bait mo talaga! Ikaw na!" hirit ni Scarlet kaya nagtawanan ulit ang aking mga kaibigan.
"Okay Sir, thank you," tugon ko. Kaya mas lalong silang nagdiwang
"Sir, dalhin ko rin yung kotse ko. Guys, yung iba kay Sir, yung iba naman sa akin na sumakay," ani Zach
Nanguna naman si Scarlet na sasama sa sasakyan ni Sir Matt na agad ding sinaway ni Berna, "Scarlet, sa sasakyan na tayo ni Zach," sabay hila nito sa kaibigan
Nataranta naman ako dahil mukhang si Petra ay gusto ring sumakay sa sasakyan ni Zach. Napatingin naman ako kay Berna, "Bes, kayo na lang ni Scarlet ang sumakay sa sasakyan ni Sir,"
"Hoy kayo ang gugulo ninyo! Umalis na si Sir Matt baka hindi pa tayo ilibre. Elle, sumama ka na kay Sir! Dali!" ani Scarlet
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod kay Sir Matt. Nakarating na kaming lahat sa parking at sumakay na sa sasakyan. Tahimik lamang kaming dalawa sa loob ng sasakyan na tila nagpapakiramdaman kung sino ang magsasalita,
"Any preference sa food?" tanong nya
"Wala po Sir," tugon ko
"Alright, let's try Thai food," at ipinark nito ang kotse sa harap ng isang Thai restaurant. Nakasunod na rin sa amin ang sasakyan ni Zach.
Nauna na kaming bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob. May sumalubong sa amin at mukhang manager ng restaurant,
"Table for six please," sambit nya
"Alright Sir, this way please," anyaya ng babae. Naglakad kami patungo sa table na inilaan nya habang nakasunod sa amin ni Sir Matt ang aking mga kaibigan.
Isang pahabang mesa ang nakalaan sa amin. Sa bawat magkabilang dulo ay mayroong silya at sa magkaharap na panig ay mag tigalawang silya. Iniisip ko na malamang ay uupo sa isang dulo si Sir Matt kaya naman naupo ako sa may isang panig ng mesa, na mayroong isang silya sa pagitan ng inaasahan kong uupuan nya.
Ngunit laking gulat ko nang umupo sya sa aking tabi! Aapela na sana ako ngunit umupo naman si Zach sa isang dulo samantalang si Petra ay naupo sa kabila. Sina Berna at Scarlet ay magkatabi naman sa isang panig.
Parang balewala naman sa aking mga kasama ang ayos ng aming kinauupuan habang ako ay ang lakas at bilis ng t***k ng puso. Bakit nga ba ako nagkakaganito? Bakit ang lakas ng epekto nya sa akin?
Binalewala ko ang nararamdaman at sinubukang umakto nang normal. Mabilis namang inihain ang pagkain mula nang matapos kaming umorder. Habang kumakain ay nagtanong si Scarlet, "Sir, may girlfriend na po ba kayo?"
"Wala," matipid nitong sagot
"Talaga Sir?!" mas lalong sumigla si Scarlet sa narinig kaya bahagyang natawa si Sir Matt.
Kung wala syang girlfriend, sino ang kasama nya na nakita namin sa coffee shop?
"Oo, wala akong girlfriend," Tila napunan ang kuryosidad ko nang ibigay nya ang kompirmasyon. Naiinis man ako sa sarili dahil hindi ko na ito dapat pinakekealaman pa ngunit tila inabangan ko rin ang kanyang sagot.
"Naku, may pag-asa ako!" bigla naman kaming nagtawanan sa sinabi ni Scarlet.
Pagkatapos naming magtanghalian ay naglakad na lang kami sa katabing sikat na coffee shop. Pagkatapos naming umorder ay napagkasunduan naming itake out na lang ito dahil malalate na kami sa susunod na klase. Mula sa coffee shop ay naglakad na kami sa daan patungo sa sasakyan.
Sa isang iglap ay napukaw ang aking pansin ng isang kasalubong na mabilis na pinaharurot na motorsiklo. Muntikan na akong mahagip nito nang biglang may yumakap sa akin para mailayo sa dumaang motor. Sa bilis ng mga pangyayari ay natagpuan ko ang sarili na nasa mga bisig na ni Sir Matt.
Nang iangat ko ang tingin ay natagpuan ko ang kanyang nag aalalang mga mata
"S-Sir," sambit ko
"Elle, are you alright? May masakit ba?"
Umiling ako. Tila sasabog ang dibdib ko sa sobrang lakas at bilis ng t***k nito. Nang mapagtanto na may mga kasama kami ay agad akong umayos at bumitaw sa kanyang yakap. "S-salamat po, Sir," nahihiya kong sambit
Natahimik naman ang aking mga kaibigan. Nang makabawi ay agad na iniba ni Zach ang usapan, "Oh, guys, late na tayo. Tara na," kaya sumunod na rin sila sa sasakyan ni Zach.
Dumiretso naman kami ni Sir Matt sa kanyang sasakyan. "Elle, sa susunod, pay attention lalo na sa daan. Paano kung mag isa ka lang kanina? Paano kung nahagip ka ng motor?" panenermon nya habang nakatingin sa daan at nagmamaneho
Nagulat naman ako sa kanyang tono. Kailan pa sya nagkaroon ng concern sa akin? Ngunit tama sya, kailangan ay alerto ako
"S-sorry po Sir,"
Ilang sandali pa ay narating na namin ang eskwelahan. "Ibaba na kita sa building entrance para hindi ka na maglakad nang malayo,"
"Pero Sir, baka po may makakita at kung ano pa po ang isipin nila bakit bumaba po ako ng sasakyan nyo,"
"The hell I care! Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Kakagaling mo lang sa lagnat, muntik ka pang madisgrasya kanina, ang iisipin pa ng tao ang nasa isip mo?" sumungit na ulit ang mukha nito.
Hindi naman ako makaimik sa kanyang sinabi. Bakit ba bigla na lang syang naging concerned sa akin ngayon?
"Mas makakampante ako kapag ibababa kita sa entrance. Wala nang pero pero," pinal nitong sabi. Ayoko nang makipagtalo pa at sumunod na lang sa kanya. Nagpasalamat ako sa kanya bago bumaba ng kanyang sasakyan at dumiretso na sa aming klase.
Nang matapos na ang huli naming klase ay nag ayos na ako ng gamit. Nagtext na rin ako kay Mama kanina na mahuhuli ako ng uwi dahil sa tour sa Empire tower. Ilang sandali ay nagpaalam na kaming magkakaibigan sa isa't isa
"Girl, kwentuhan mo kami tungkol sa Empire Tower experience!" ani Petra
"Oo nga Girl, magtake ka ng pictures maganda ang city view doon!" ani Scarlet
"Sige, babalitaan ko kayo," tugon ko, "Guys, mauna na ako,"
"Bes, enjoy the night!" bulong sa akin ni Berna sabay kindat. Naguluhan naman ako sa kanyang ibig sabihin, "Bakit may kindat Bes?"
Tumawa naman ito. "Hay nako, baka magalit na yung Prince charming mo, bilisan mo na," halos itinulak na ako ni Berna paalis ng aming silid
"Bes, hindi ko sya Prince charming!" bulong ko sa kanya
"Hay nako, ewan ko sa inyong dalawa!" nakangiti pa rin ito at nagpaalam na rin pauwi.
Mag isa akong naglakad patungo sa opisina ni Sir Matt. Medyo naiilang pa rin ako lalo na sa nangyari kanina pero iniisip ko na lang na tungkol lamang ito sa pag aaral, wala nang iba. Malabong magkagusto sa akin ang isang tulad nya. Wala naman akong sinabi sa buhay. Gayundin, malabo rin na magkagusto ako sa kanya, lalo na't naaalala ko ang mga masasakit nyang sinabi sa akin noon.
Nang iluwal ako ng elevator sa palapag ng kanyang opisina ay nagulat pa ako dahil naroon na sya sa labas. Bahagya rin itong nagulat,
"Oh, you're here. Balak ko sanang puntahan na lang kita sa classroom nyo," sambit nya
"Uh, sabi nyo po kasi puntahan ko kayo dito," tugon ko
"It's okay, tara na?" anyaya nya
"Opo,"
Tahimik lamang kami habang nakasakay sa elevator pababa at hanggang sa makarating kami sa kanyang sasakyan. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa Empire tower. Itinigil nya ang sasakyan sa harap ng building entrance. Nauna syang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto at inalalayang bumaba. Pina valet parking na lang nya ang sasakyan.
Sa labas pa lang ay nakakamangha na ang arkitektura ng building na ito. Sobrang taas nito at moderno ang disenyo. Pagpasok namin sa loob ay mukhang kilala sya ng security,
"Good evening, Sir," bati ng mga ito sa kanya
Kung gaano kaganda sa labas ay sya ring mas lalong ganda sa loob. Moderno at elegante ang kabuuang disenyo sa loob. Kahit nasa loob kami ng isang building ay maaliwalas pa rin ito. Talagang maganda ang pagkakaguhit nito.
Inilibot nya ako sa iba't ibang bahagi ng building at ibinahagi sa akin ang mga konsepto sa likod ng istruktura at disenyo. Walang duda na alam na alam nya ang sinasabi at mahusay syang magturo. Sa tuwing may makakasalubong kaming nagtatrabaho dito ay bumabati sa kanya.
"Sir, bakit kabisadong kabisado ninyo ang Empire tower? Isa po ba kayo sa may-ari?" tanong ko
Ngumiti naman sya sa akin, "Kakilala ko kasi ang may ari nito kaya hinahayaan lang nila ako na libutin ito kasama ka,"
Tumango naman ako. Ilang sandali ay niyaya nya ako sa mistulang isang secret elevator. Tago nga ito at hindi mapapansin maliban na lang kung kabisado at alam na alam ang building.
"Paano nyo nalaman ito?" tanong ko
"Well, kami lang ng may ari nito ang nakakaalam," mukhang malapit na malapit sila ng may ari ng Empire tower.
Ilang sandali ay nakarating kami sa pinakamataas na palapag ng building. Sumalubong sa amin ang isang maaliwalas na palapag. Sa isang banda ay opisina na marahil ay sa may-ari habang pumunta naman kami sa isang silid.
Pagkapasok ay natigilan ako dahil sa isang dinner table na nakagayak. Napatingin ako kay Sir Matt,
"Para po saan ito, Sir?"
"Hindi ka pa ba nagugutom sa ginawa nating building tour? Gutom na ako," masungit nitong sabi
Tumango na lamang ako
"Have a seat," at pinaghila nya ako ng silya para ako ay makaupo. Umikot naman sya sa kabilang banda ng mesa at binuksan ang isang bote ng red wine. Para namang nagkabuhulbuhol ang t***k ng aking puso habang pinagmamasdan sya, ang kanyang nakatuping long sleeves na aabot sa kanyang siko, habang nagsasalin ng alak sa aking baso. Malayong malayo sa unang pagkakakilala ko sa kanya.
Pagkatapos salinan ang aking baso ay nagsalin naman sya sa kanyang baso. May dumating na babae at inihain ang appetizer at soup. Itinaas naman ni Sir Matt ang kanyang baso ng alak at nag alok ng isang toast, "Cheers,"
"Cheers," tugon ko habang itinaas din ang aking baso ng alak
Napakasosyal ng lugar pati na rin ng pagkain kaya nangingimi akong kumain ng mga nakahain. Ginagaya ko na lamang kung ano ang kubyertos na kanyang ginagamit. Pagkatapos ay inihain naman ang steak. Kinuha nya ang aking plato at hiniwa ang karne at saka ibinalik sa akin para mas madali ko nang makain. Tahimik lamang kaming kumakain hanggang sa matapos. Napadpad ang aking paningin sa magandang view ng syudad mula sa aming kinauupuan
"Gusto mong lumapit sa may glass wall?"
Tumango ako. Tumayo sya at inalalayan akong makatayo. Pareho kaming lumapit sa may glass wall at namangha ako sa magandang skyline ng syudad. Nakakalibang pagmasdan ang kumukutitap na ilaw ng syudad mula sa dilim ng gabi.
"I hope you enjoyed tonight," sabay abot sa akin ng isang maliit na baso ng dessert at kutsarita.
Nakangiti naman akong lumingon sa kanya, "Salamat, Sir. Nag enjoy po ako,"
Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang kanyang ngiti. Ngiting hindi nang uuyam kundi isang tunay at masayang ngiti. Muli ay nagtama ang aming mga mata at hindi ko maintindihan kung bakit parang tumigil ang oras at parang ayokong matapos ang sandaling ito. Ilang sandali ay natauhan ako kaya naman ay umiwas na ako ng tingin at bumalik na sa mesa. Nang maubos na namin ang dessert ay inihatid na nya ako pauwi.
Habang nakahiga sa kama ay parati kong naaalala ang nangyari sa Empire tower. Kinapa ko ang aking dibdib at ramdam ko ang bilis ng t***k ng aking puso. Kung anuman ang nararamdaman mo Elle, tigilan mo na ito. Baka ikaw rin ang matupok kung hahayaan mong magningas ang iyong nararamdaman.