CHAPTER 2

2345 Words
Nasa loob na kami ng isang bar dito sa timog at punong puno ng maraming tao. Maiingay at ang ilan ay mga lasing na gawa ng maraming nainom na alak. May mga mangilan-ngilan na kababaihan na langong-lango at halos wala na sa kani-kanilang mga sarili at pagewang-gewang kung maglakad. “Hi Joyce" sinalubong agad kami ng ilang kalalakihan na kadalasan ay kasayaw ni Joyce at kainuman. Nginitian agad ito ni Joyce ng kanyang matanawan at malapitan kami. “Hi kangina pa kayo?" tanong sa malambing na boses, sinabi ni Joyce mula sa mga lalakeng ngayon ay nasa amin ng harapan. “Yes! Waiting for you" sabay-sabay na wika ng ilang lalake na malalapad ang pagkakangiti. “Can we dance” ang sabi nung isang lalake na lumapit. Madalas naman nila naisasayaw si Joyce, hindi iisang beses kundi kasa napapagawi kami rito. Nagsisiunahan pa sila sa pag-aaya kay Joyce habang ako maiiwan sa isang sulok at mag-aantay hanggang mapagod sila at balikan ako. Ewan ko ba! Kulang ata ako sa self confidence. Hindi gaya ni Joyce na kahit sinong lalake napapansin agad siya saan man kami tumungo na dalawa. “Sure" umalis na sila matapos na pumayag ni Joyce. Pero binalingan niya ako at tinanong. “Milca, tara sama ka.” Habang sumasayaw sa gitna, kanyang aya na sumisigaw. Umiling ako at sinabi “Duon lang ako" Itinuro ang bakanteng mesa. Lumakad ako papunta roon. Ngunit sa aking paglakad ng bigla akong napasigaw. “Arayyy" Nang may biglang bumangga sa akin na matigas na bagay. Matigas at malalapad na hindi ko pa alam kung ano ito. Hindi ko kasi makita ng malaglag ang salaming suot ko. Medyo may kalabuan na kasi ang aking mga mata. Kaya, kung walang salamin, malabo ko iyon makikita. Hirap ng walang pambili o pamalit ng dahil sa kapos palagi. “Miss sayo ata ito?" isang boses ang siyang pumukaw sa akin habang nangangapa ako mula sa madilim na bar na ito. “Sayo ata ito!" muli ay ulit ng isang boses lalake. Pilit kong inaanino kung saan nagmumula ang boses ng lalakeng iyon. Kinusot-kusot ko pa ang magkabila kong mata subalit hindi ko siya maaninag mula sa madilim na parte ng bar. Hindi ko talaga siya makikita ng wala yung salamin ko. “Here" iniabot niya at inilagay sa mismong palad ko. Yung salamin ko, yun pala ang tinutukoy ng boses lalake na nagbigay ng nahulog kong salamin. Kaya pagkalapag sa palad ko agad ko na isinuot ang lumang salamin ko saka nag-angat ng aking mukha.“Ingat ka, next time buti hindi nasira." Sinabi pa ng boses na yon. Nagulat ako ng makita ko ng malinaw ang itsura nito. Gwapo, matangkad, mistiso at sobrang bango. Ang mga salitang namutawi agad sa bibig ko. Nakangiti ito! Hindi inalis ang tingin mula sa pagkakatitig sa mukha ko “Ano bang nangyari sayo. Next time mag-iingat ka, maraming mga susuray-suray dito sa bar mababangga ka talaga." nakangiti na paalala na sinabi kay Milca. Tinitingnan niya pa ako ng mabuti at saka inaanino, saka tinanong. “Teka may kasama ka ba?" may pag-aalala sa boses na tinanong niya ako. Inaalalayan niya pa akong makatabi mula sa mga ilang tao na nagsisimadali at mga lasing. “Halika, sumama ka muna.” Sa isang table sa may kadiliman niya ko dinala. Mula sa itaas ng Bar na tanging mayayaman lang ang maaaring makapasok rito. VVIP (Very Very Important Person) Talagang mayayaman lang at mga kilalang mga tao ang siyang nakakaakyat rito. Ito ang unang beses na nakapasok ako rito ng dahil sa lalakeng kasama ko. At tanaw ko ang lahat ng mga sumasayaw mula sa ibaba. Ang mga nagsisiingayan at mga lasing na customer ng bar. “I'm Allan Cabreras and you?" pakikilala sa sarili at inilahad ang isang kamay. Nang masilip ko sa konting liwanag, maputi at tila kay lambot ng kanyang kamay. “Milca Sandoval” sagot ko, bilang pasasalamat ko, tinanggap ko ang pakikipagkamay nito. Nakatingin pa rin siya at hindi inaalis ang tingin sa aking mukha. “May dumi ba?” Pabiro kong sinabi, nagulat ata ito. Saka ko mas naaninag ang gwapo nitong mukha ng matanawan ng kapirasong liwanag. Malalalim ang dimples nito. Mula sa magkabilang pisngi nakita ko ang magkabila nitong biloy, sa magkabila niyang pisngi. “Wala” sagot. Wala pala! Pero bakit siya nakatingin sakin at hindi inaalis? “Iniisip ko lang! Hindi ka familiar sakin. Ngayon ka lang ba nangawi rito sa bar?" Tanong na pilit kinikilatis ang aking itsura. “Minsan sinasama ako ng aking kaibigan. But minsan, hindi ako sumasama. Kaya siguro hindi ako familiar.” Nakangiti ko na sagot. Pero bakit nga ba sumasagot ako? Napaisip ako. Bakit ko nga ba sinagot ang tanong nito at ngumiti pa ako. Kaloka, ngayon ko nga lang ito nakita at nakilala. Kinakausap mo na agad, Milca! Paninita sa sarili ko. “Ahhh! Kaya pala.” Lumiwanag ang pagkakangiti nito. “Minsan ka lang pala napupunta, kaya hindi familiar ang mukha mo. Halos lahat ng mga tao rito sa Bar, kilala ko na rin. Familiar na sakin sa dalas nilang pumupunta rito. Pero ikaw, nagtaka ako. Ngayon lang kasi kita talaga makita.” Ang gwapo niya! Lalo kung nakangiti at tumatawa. “Teka sorry sa itatanong ko.” Sambit muli. “Gusto sana kitang tanungin kung may trabaho ka na?” Bakit niya ako tinatanong? Mukha bang nag-aaply ng trabaho ang itsura ko ngayon? Loko na lalake.. ******* Naglilibot ako sa bar ng makita ko ang isang babae na kakapa-kapa sa dilim at tila may hinahanap. Agad along lumapit sa kanya upang tingnan kung may maitutulong ba ako. Pero sa paglapit ko, agad kong nakita ang isang eye glasses na inisip ko agad na iyon ang hinahanap nito. May kalayuan pa lang ako ng matanawan ko siyang mabangga ng isang babae na susuray-suray. Napansin ko ang pagtilapon nito sa isang tabi at duon ko na napansin ang pangangapa sa dilim. Kaya’t nilapitan ko agad siya. Buti nalang talaga bago ko pa matapakan yung salamin nito, agad ko ring napansin iyon. “Bakit mo tinatanong?" napansin ko na nagtaka ito ng tanungin ko siya about sa trabaho. Naisip ko rin ng makita ko siya ng dalhin ko siya rito sa taas at makita mabuti ang kanyang itsura. Naisip ko agad na tanungin ito ng dahil sa tila may ipapalit na ako mula sa sekretarya na pinatalsik muli ni Anthony at ako ngayon ang namumublema ng wala pa rin itong makita. “Ako nga, walang sekretarya. Pero siyang pilit kong inaalala ng dahil sa hirap na rin ako na maging sekretarya nito.” Pero sa babaeng ito? Kahit saang anggulo ko tingnan. Mukhang papasa ito sa taste ni Anthony pagdating sa babaeng sekretarya. Kung tutuusin maganda naman siya! Pero may pagka-NERD lang ng kanyang itsura. “Pero, pwede na siya.” Tiyak na papasa na sa tipo ni Anthony. Mukhang ganito naman ang hanap ng kambal ko. Ang hindi lang ako sigurado kung papayag itong babae na kaharap ko. Ang hirap rin naman kasi hanapan ng lalakeng yon ng sekretarya na qualify talaga sa nais niya. Puro nalang siya tanggal at walang tumatagal na kahit isa. Ako tuloy ang kanyang pinarusahan. “Baka lang kasi naghahanap ka, may iooper ako sayo. Kailangan kasi namin ng kakambal ko ng isang bagong sekretarya. Magbabakasakali lang ako na baka gusto mo." Nginitian ko pa nga, pero bakas sa mukha ang hindi pagtitiwala. Akala ata ay niloloko ko siya. Naisip ko na rin iyon na baka magduda ito o magdalawang isip sa trabaho na aking inaalok. “Don't worry malaki ang sahod." ****** Si Milca, nagulat siya ng sobra mula sa lalakeng nakilala. Matapos siyang tulungan, ngayon ay inaalok siya ng trabaho na may malaking sweldo. Seryoso kaya ito? baka mamaya pinasasakay niya lang ako. Napapaisip si Milca. “Malaki raw sahod? totoo naman kaya!” Panay ang kanyang pag-iisip kung totoo ang siyang sinabi ng lalake na ngayon ay ayaw pa ring alisin ang mga tingin nito sa kanya. Bahagya pa siyang tinawanan nito. Matapos makainom ng isang bote ng beer habang siya ay binigyan ng isang baso ng juice. “I think, you’re thinking that I’m fooling you, right?” “Hindi naman sa ganon." Sinabi ko, pero iniisip ko na rin na baka niloloko nga ako nito. Sa pagkapahiya ko, hindi ko na napansin ang pamumula ng aking mukha. Tumawa ito, turo ang mamula-mula kong mukha at malakas itong tumawa. Nakaragdag pa sa pamumula ang ininom ko bote ng beer na aking inorder dun sa waiter na biglang dumaan ng maghatid ng inumin mula sa katabi naming table. “Nakakatuwa ka talaga, Milca.” Sinambot nito, habang tinungga ang natitirang laman ng alak sa bote na hawak. “If you’re interested, here’s my calling card." Iniabot sa kanya ang isang calling card at kinuha niya iyon. Nang kanyang tingnan, ganoon nalang nanlaki ang kanyang mata ng mabasa ang nakasulat roon. Allan Cabreras Vice President Cabreras Shoe Company “Oh my gosh!” sambit sa gulat. Hindi siya makapaniwala sa nakasulat sa calling card na ibinigay sa kanya. Nag-angat siya ng tingin upang tingnan si Allan, nang kanyang mapansin ang nakangiti at nakatingin rin sa gulat niyang itsura. Isa siyang Vice President sa isang malaking kumpanya? Kilala ang Cabreras Shoe Company sa larangan ng business industry. Matunog ang kumpanya nila sa lahat ng negosyante sa buong bansa. Teka! Nang maalala ko ang President ng kumpanya na yon. Ang tinitingala ng ilang mga negosyante ng dahil sa husay sa pagpapatakbo ng negosyo nito. Siya kaya ang kambal nito? Si Mr. Anthony Cabreras ng Cabreras Shoe Company na napapabalita na katuwang rin nito ang kakambal sa pagpapatakbo ng kumpanya na naiwan sa kanila ng yumaong mga magulang. Umayos ako ng upo saka ito tinanong. “Matanong ko lang! Kakambal mo ba si Mr. Anthony Cabreras?" Ngumiti ito, mukhang tama nga ako na siya ang kakambal ng kilalang malupit pero gwapo raw na president ng kumpanyang nakalagay sa calling card nito. Minsan ko na ito nakita at narinig ang matunog nitong pangalan, maging ang kumpanya na pinatatakbo. Minsan na ako nasama sa isang business event kung saan ay mga mayayamang tao at nagmamay-ari ng mga naglalakihang kumpanya sa bansa ang mga naroroon at dun ko nakita ang binatang president ng Cabreras. Isang sekretarya si Milca sa isang hindi kaliitan, hindi rin kalakihang kumpanya. At hindi pa ganoong nakikilala, pero masasabi naman na maayos ang takbo ng kanilang kumpanya, subalit talagang may pagkakuripot at gahaman ng kanilang Amo. Matagal-tagal na rin siya sa kumpanya na yon, subalit ang sweldo ni ayaw magdagdag ng kanilang boss. At sa pagdating sa bonus tuwing sasapit ang pasko, kanya pang binabawasan. Ang dahilan ng kanilang Amo, mahina ang kita at pasok ng pera sa kanyang Kumpanya. Pero sa Cabreras, malaki ang pinagkaiba. Malaki magpasahod rito at tuwing bigayan ng bonus sakto o minsan may dagdag pa. Pero, malupit ang president ng kumpanya ang rinig-rinig ni Milca mula sa ibang nakakausap niya. Bigla tuloy akong kinilabutan ng maalala ko ang lalakeng yon. “Bakit?” “Bakit ganyan itsura mo?” Kanya palang napansin ang naging itsura ni Milca, habang inaalala ang malupit nitong kakambal na may-ari ng Cabreras. Pero hindi na siya nahiya pang magtanong. “Hindi ba, kilalang malupet iyang president ng Cabreras? Kakambal mo ba siya?” Napalunok pa ako, kabado mula sa aking itinanong sa kanya. Napangiwi pa nga ako, nahihiya rin ng dahil sa direktang pagkakatanong ko. Hindi pa man ito sumasagot sa unang tanong ko, inisip ko nalang na baka magkakambal nga sila ng malupet na si Anthony Cabreras. Kung ito nga ang Vice President ng Kumpanya na Cabreras Shoe Company natitiyak ko na ito nga ang kakambal ni Mr. Anthony Cabreras, kung masigawan ang kanyang Sekretarya nuon sa isang meeting na aming dinaluhan. Nakakatakot naman talaga! Halos ipinahiya sa lahat ang kawawang Sekretarya. Napangiti ito at nginitian ako “Mabait naman Twin Brother ko. May topak lang talaga kung minsan. Galit kasi iyon sa mga babaeng magaganda.” saka ito tumawa. Pinagtawanan niya ba ako ng dahil sa itsura ko? Sinasabi ba nito na pangit ako? Ayos pala itong lalake na ito, bigla ko siyang sinimangutan ng aking tingnan. “Oh! Relax.." tawa-tawa pang sambit nitong si Allan, nang aking siyang simangutan ng kanya akong pagtawanan. “Hindi ko naman sinabing pangit ka!" Sabi ng tumatawa pa. Napalunok pa ito ng muli ay magsalita at sabihin sakin na hindi raw ako pangit. Ano tingin niya sakin ngayon? Maganda ba ako sa kanyang paningin? Nakakatawan rin itong lalake na ‘toh. “Wala naman akong sinasabing pangit ka! Yung kasing mga nagiging Sekretarya ni Anthony ubod ng ke' gaganda. Yun nga lang madalas rin silang patalsikin ng aking kambal." nagkipit balikat pa ito. Sabay na tumikhim at tiningnan ako. Aba't! Bakit panay nalang ang tingin sa akin ng lalakeng ito. Baka type ako? Hindi kaya? Patagong napangiti ako. Maloko na sasambit ko, kung bakit kasi, hindi inaalis ang tingin sa’kin. Alam ko naman na pangit ako pero bakit kailangan na pagkatingnan ang aking mukha. “Sa totoo lang Milca, takot kasi sa babae yung kakambal ko. Kaya ganun! Halos lahat ng kanyang naging Secretary, lahat pinatatalsik niya agad. Pero huwag kang mag alala dahil sinisuguro ko sayo na mabait si Anthony, basta samahan lang ng konting lambing." nginitian na naman niya ako habang sinabi. “Ako bahala sayo.." May paninigurado na sinabi nito. “Kung interested ka! Bukas punta ka sa Opisina. Ako bahala sayo makita mo matatanggap ka agad. At hindi ka matatanggal ng gaya ng iba.” Niyayabanggan ba niya ako at ganon ang paniniguro sa sariling tatanggapin ako duon ng walang kahirap-hirap. “Pero hindi kaya…" “Hindi iyan! Ako bahala sayo. Natatakot kang tanggalin agad ng kakambal ko? Hindi mangyayari yon sinisuguro ko sayo, kasi ako rin naman ang makakasama mo ruon. Di lang si Anthony, magkakasama rin tayo sa opisina. Kaya alisin mo na yang pag-aalala.” Tumawa ito, at cute na ngumiti. Pumungay ng konti ang kanyang mata at lumabas ang biloy sa pisngi. Mas lalo tuloy naging cute ito ng akin ng mapansin ang kanyang pagkakatitig sa’kin. Ginagamitan na ako ng nito ng kanyang CHARMS! Buong akala siguro ay uubra sa’kin basta gwapo. Eh ano kung gwapo siya? May inis na sabi ko habang nakatingin lang sa kanya at ininom ang isa pa ng bote ng beer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD