CHAPTER 1

3275 Words
“Get out!” sigaw-sigaw ni Anthony mula sa kanyang secretary na binato pa ng tasa mula sa mainit na kape na ibinigay ng kanyang secretary. Walang awa na sinigawan ang babaeng walang kibo at napatulala nalang. Sakto pagbukas ng pinto nitong si Allan sa mukha niya sumaboy ang mangilan-ngilan na patak ng mainit na kape. “Bro!" gilalas na sabi nito pagpasok pa lang. Mukhang galit si Allan at nakabusangot ang mukha habang titig na titig sa kanyang kambal. Nasanbuyan ba naman siya ng kape na inihagis ng kanyang kambal, sumakto pa sa mukha ni Allan sumaboy. Maging ang kanyang suot na colored na long sleeves na kulay dark blue, namantsahan ng mainit na kape ng hinagis ng kanyang Kambal. “Lumabas ka na muna." ang sabi ko mula sa sekretarya ng aking kakambal. Mainit na naman ang ulo nitong si Anthony. Mukhang mahirap na naman kausapin kaya pinalalabas ko nalang ang kanyang sekretary. Mula sa mga nagdaan Sekretarya ganito na lang palagi ang aking nakikita. Lagi na lang niya napagbubuntunan ng galit ang mga nagiging sekretary niya. Saka niya mga pinapalayas ng tulad ngayon. “Bro ano na naman ang ginawa ng Sekretarya mo?” tanong na sabi ko sa aking kakambal matapos na makalapit at makaupo sa tabi niya. “Huwag mong sabihin na.." tumawa ako. Tiningnan naman niya ako ng masama. Itong si Anthony, napakasensitibo pagdating sa mga babae. Panigurado na naman na iyon ang dahilan kung bakit umuusok ang kanyang ilong sa galit, sa kanyang sekretarya. “Tumigil ka Allan...” gilas na sabi nito sa akin ng may kalakasan. Natawa nalang ako at maging sa akin, galit itong kakambal ko. Umayos pa ng pagkaka upo si Anthony. Sumandal siya sa kanyang upuan habang tumingin ng seryoso sa akin. “Isa ka pa sa nagpapainit lagi ng ulo ko." Tumawa ako sa sinabi nitong si Anthony. “Bakit nasali ako?" saka ko pinakatingnan ang kakambal kong mainit ang ulo. “Kelan ka ba magtitino?” ang bulalas na tanong na sabi sa akin, ni Anthony. Pagkaraan ay nakatawa ako, dahil sa mga nag-umpisa niyang panenermon. Sinabi ko naman sa kaya. “Bro! Matino naman ako!" sagot ko at pinagpilitan sa kanya na matino na, nag seryoso na sa ngayon ang kanyang kambal. “Kelan?" na mariing tumawa ng umismid pa itong si Anthony habang nakatingin sa akin at nagtanong, sinabi pa muli nito. “Nakakasawa na nga kung minsan iyang parang batang ugali mo.” Ang sabi pa niya sa akin na nakangiti lang sa kanya. Napa himas-himas naman ako sa mukha, saka seryoso na tiningnan si Anthony, sinamahan ko rin ng simpleng tawa at ngumiti. “Bro okay naman ako." turan ko rito. “Ikaw itong hindi maging okay, hanggang ngayon. Nakita mo naman ang ginawa mo muli sa sekretary mo?” saka napakamot sa ibabang bahagi ng aking ilong, ngumiti sa kanya. “Uumpisahan mo na naman ba ako?” ang galit na pasigaw na sambit ng aking kambal. Dalawa nalang kami pero kung nagalit itong si Anthony sa akin. Pakiramdam ko parang nagbabadya na parang sasabog na bulkan sa tuwing magagalit ito. “Sorry Bro, but I think this time, ayusin muna ang buhay mo. Kalimutan mo na si…" nang muntikan ko pang mapaalala rito ang dahilan kung bakit ang sungit ng aking kambal. Kung bakit madalas mainitin ang kanyang ulo. Iyon ay dahil sa dati niyang sekretary na nagawa siyang paikutin, lokohin at saktan ng sobra. “Stop it, Allan. Don’t get me started.” Agad na saway sa akin ni Anthony, mula sa pang-aasar ko sa kanya. Siya yung nag-umpisa, hindi naman ako. Naaalala ko lang ang naging pag-uugali niya pagkatapos na alisin na naman ang kanyang bagong sekretarya. “Masyado ka kasing nega Bro." ani ko rito at bumilog ang mata niya sa galit. “Anong dahilan at pinatalsik mo na naman ang sekretarya mo? Tapos ANO?” Singhal na bulalas ko sa kanya, sa kambal ko na papalit-palit ng sekretarya. Napahilamos itong si Anthony sa kanyang mukha. Sa galit na rin sa madalas kong pangingialam at pagpapaalala sa mga nakaraan niyang tapos na. Alam ko naman na stress na rin siya sa makailang ulit na papalit-palit niya ng sekretarya ng dahil sa hindi niya madalas magustuhan ay pinatatalsik niya agad. “Tumawag ka sa HR. I need a new one.” Utos sa akin nitong baliw kong kambal. Gulat ako, nakaturo sa sarili ng pangilatan pa ako ng aking kambal. “Sabihin mo sa HR, ako na mismo haharap sa mga applicant’s na mag apply bukas, bilang secretary ko." sabi nito ng seryoso, nakatingin ng diretso sa nakangisi kong mukha. “And why?" “Wala na akong tiwala sayo." sagot ni Anthony. “Ohh?" inaasar ko pa habang napatawa ako. “Huwag mo nga akong tawanan." Sabi niya. “Everytime na lang na ikaw ang humaharap palpak. palsipikado, walang ginawa kundi magpacute, manlilinlang walang alam sa trabaho." mabilis na bigkas ni Anthony na kinatawa ko ng husto. “Duon mo nalang sana tinambak sa opisina mo at hindi dito sa opisina ko.” Sabi pa niya sa akin na pabula ng bulalas itong kambal kong si Anthony galit sa akin na kamot-kamot sa ulo. Nakita niya pang tumawa ako sa haba ng mga sinabi niya habang ako kinatawa ko lang. “Bakit ba sa akin ka galit na galit?" sabi ko sa kanya. “Okay naman na yung bago mong sekretary? Ano na naman ang naging problema?" nagtataka ko na itinanong sa kanya. Pero inismiran niya lang ako at sinabi. “If you want sayo nalang. Dalhin mo sa opisina mo kung gusto mo." bulalas na utos ni Anthony na isinagot sa mga tanong ko. Mas natawa na naman ako. “Okay bibitbitin ko na palabas ng building paglabas ko." sambit kong pabiro habang tinatawanan lang ang mga sinasabi nito. “Pero relax lang, Bro." sabi ko. “Huwag kang masyado high blood. Baka na naman mamaya, mastroke ka niyan ako pang mamublema sa pagdala sayo sa hospital." biro ko. “Baliw!" gilalas na sagot niya sa biro ko. “Hindi naman ako nakikipag away sayo. Bakit ba nagagalit ka?" sabi ko muli. “Inaasar mo ba talaga ako?" bulas niyang tanong ng inis. “Huwag kang mainis, okay pupunta ako sa HR at sasabihin ko agad na hanapan ka na ng bagong sekretarya.” Matawa-tawa pang sambit ko sa kanya. Hindi na ako sumagot pa at baka humaba pa ng husto ang aming pag-uusap. Baka saan pa mapunta, hindi pa ako makaalis rito. “Sige na, aalis na ako." Pagpapaalam ko. “Mabuti pa!" inis na sagot nito sa sinabi ko. Natatawa nalang ako nang pukulan ko siya ng isang sulyap ang kambal ko na seryoso na nakayuko at nagbabasa. Hindi na rin siya kumibo pa at sumagot sa mga nasabi ko sa kanya kangina. Bago pa ako makalabas ng opisina nito, sinabi ko. “Bro, late ako uuwi.” Pero hindi pa rin niya ako pinansin. Lumabas ako sa opisina niya ng nakatawa ng dahil sa kambal kong high blood. ******* Sa isang maliit na kwarto mula sa isang eskinita sa may Quezon Ave, nag uusap ang dalawang dalagang babae. “Milca" tawag ni Joyce, malapit na kaibigan ko. Dinalaw na naman niya ako mula rito sa maliit na kwarto na ito. Dito ako nakatira for almost? Ilang years na rin pala. Halos nagtitiis ako dito dahil sa wala naman akong sapat na kita pambayad sa mas malaki na kwarto. “Ano na naman ginagawa mo rito Joyce?” ang tanong ko ng nagulat ako ng makita siya, si Joyce isa sa mga pasaway kong kaibigan. Tumawa ito at tinawanan ako. “Ano pa! Namimiss ka na.” walang ano na pumasok ito sa loob ng maliit na kwarto ko. Lumibot na naman ang mga mata nito ng makapasok sa loob. “Kelan mo ba, balak lumipat?" tanong niya matapos na makapasok. “Hanggang kailan mo balak dito tumira? Talaga bang buburuhin mo nalang ba ang sarili mo sa maliit na kwarto na ito?" gilalas na tanong sa akin ni Joyce. Hindi mapakali ang mga mata nito na inililibot muli sa kwarto ko. Madalas naman siya rito. Pero madalas niya rin iyon maitanong sa tuwing bigla nalang siya susulpot at manggugulo dito sa bahay ko. Kung tutuusin, okay pa nga ang bahay ko ngayon kesa sa dating bahay na inuupahan ko nung una, nung duon pa ako sa may crossing nakatira. Malapit lang din ng bahagya sa tinutuluyan ko ngayon. Mas komportable ako rito kesa sa bahay ko nuon. “Alam mo naman, hindi sapat ang kita ko para pang upa ng bahay na mas malaki pa rito." sagot ko, sinabi ko sa kanya, matapos na sundan ko si Joyce na lumakad papasok at naupo sa sahig malapit sa maliit na TV ko. Wala akong upuan, tanging sa sahig ako nauupo at natutulog, nang dahil sa liit ng aking inuupahan na kwarto. Bahay na ring matatawag kasi kumpleto naman ito sa loob. Kaya nga lang parang box ang sukat at isura niya. Walang division lahat makikita na agad sa unang pasok pa lang sa pinto. “Bakit kasi hindi ka mag apply sa mas malaking kumpanya at may malaking sahod." mariing sambit na idiniin ni Joyce sa pagkakasabi sa akin, habang tinanong niya ako, nakatingin rin siya sa akin. Tiningnan ko naman siya. “Bakit sino ba nagtatrabaho sa malaking kumpanya na may malaking sahod?" tanong ko rin sa kanya. “Hindi ba ikaw rin?" bulas ko sa sinabi niya. “Nagtitiis ka rin sa may maliit na kita na halos wala na ngang natitira at nagkakandautang pa ng dahil sa kapatid mo na hanggang ngayon ay Coma at hindi pa nagigising." Aking naibulalas ng hindi sinasadya na maipaalala kay Joyce. Nalungkot tuloy siya bigla ng dahil sa nasambit ko. “May ilang taon na rin Milca.” malungkot ang mukha nito habang nasagot sa mga sinabi ko. “Ewan ko ba kung bakit si Britzstone, ayaw pang sumuko o bumalik na sa’kin. Paano ko siya isusuko kung gayon na gusto niya pa mabuhay at pilit siyang lumalaban?” Malungkot na sabi niya pa ulit sa akin ng maalala ang kapatid na naka-comatose. Buntong hininga pa itong si Joyce at binalikan ang sinabi ko. “Pero ikaw?" turo, gilalas niyang sinabi at sinermunan ako. Nagulat at nabigla rin ako dahil sa biglang bumalik ito sa dati at nawala sa malungkot na pinag-uusapan namin. “Umalis ka na doon sa pinagtatrabahuhan mo at nagtitiis ka ng dahil diyan sa baduy mong boyfriend.” Tumaas ang kilay, gilas ni Joyce at pinaalala ang boyfriend ko. “Joyce" tawag at suway ko sa sinabi niya. Tapos ay malungkot kong sinabi at inamin rito ang tunay na lagay at status ng relasyon ko sa boyfriend ko. “Wala na kami." bulalas ko at diretsahan na pag-amin ko tungkol sa pakikipaghiwalay ko kay Chris. Labis naman ang naging tuwa ni Joyce ng marinig ang magandang balita na nagmula sa sinabi ko. “Sa wakas naumpog ka rin Milca." malapad na ngiti ang kanyang sagot sa akin ng aminin ko na hiwalay na kami ni Chris. Tahimik lang ako at ayaw ko sanang sabihin sa kanya upang manatili nalang lihim at walang makakaalam. Dahil sa alam ko naman, isa sa labis na natutuwa na malaman na hiwalay na kami ni Chris, ang kaibigan kong si Joyce. “Huwag kang malungkot." Sabi niya ng nakangiti. “Marami pang lalaki diyan, Ano! Konting ayos at retouch makakakita ka rin ng higit pa sa kanya." Sambit sa tuwa na inaliw pa ako ni Joyce. Nais niyang pagaanin ang loob ko. Pero ako hindi ko magawang tumawa sa sinabi niya. Mahal ko si Chris at masakit sa akin, mabigat tanggapin na wala na kami. Kaya nga wala akong pinagsabihan. Dahil sa ayaw ko muna may makaalam. Pero napansin ko na may pag-aalala si Joyce na nakatingin sa akin. Alam niya lahat ang tungkol sa relasyon ko kay Chris. Wala akong inilihim sa kanya, lahat sinasabi ko. Alam niyang mabigat sa akin ang paghihiwalay namin ni Chris. Dahil labis na minahal ko ang boyfriend ko na nakilala ko mula sa pinapasukan kong kumpanya. “Friend" tawag niya sa akin na noon ay natulala ako matapos kong maalala ang nangyari sa relasyon namin ni Chris. “Gusto mo mag Bar tayo ngayon?" magilas na pagtatanong ni Joyce. “Mag relax naman tayo at alam muna.” umiral ang kakulitang taglay ni Joyce, mapasaya lang ako mula sa pinagdaanan ko na matinding stage. Heart broken stage! Masakit pala, mahirap para sa akin ang lahat ng mga nangyari. “Sige na, sumama ka. Mag bar tayo!" sabi niya na naman. “Mambi biktima ka na naman?" nang magbago ang mood ko. Tinanong ko siya. “Hindi naman sa ganun." nakangiti niyang sagot. “Sa totoo lang, ako nahihiya sa ginagawa mo Joyce." Umangal ako sa pagyayaya niya, ayaw na ayaw ko ang trabaho na ginagawa nito mula sa bar. Maging makihalubilo sa iba’t-ibang lalaki na nakilala nito. Pinaka Kinahihiya ko sa lahat lalo na kung may mga lalaking pinagkakaguluhan siya at hindi na niya malalaman kung kanino siya sasama. Nakangisi si Joyce at nakatingin sa akin. Hindi niya pinapansin ang sinabi ko. “Aayusan kita at pagandahin." Excited na sinabi sa akin ngayon ay titig na titig din. Minsan pakiramdam ko mababaliw ako kay Joyce. Kasi naman, oras na mga seryosong usapan na ang aming topic. Mabilis niya nababago ang mood nun at mapupunta kami sa ganito. Tulad ng iniisip niyang tumungo sa bar para makapag relax. “Ewan ko sayo." Gilas kong sinabi at inalis ang magkabilang kamay nito sa aking braso na humawak ng lapitan ako at aluin. “Friend sige na!" pamimilit nito. “Joyce ayoko nga.” inis na sabi ko sa pamimilit na ginagawa ni Joyce. “Ngayong gabi nalang." pakiusap pa na sabi ni Joyce, makuha niya lang pumayag ako sa gusto niya. “Treat ko." pahabol na sambit saka niyugyog ako sa magkabila kong braso, halos ikahilo ko pa ang ginawa nito. Wala na akong magawa kundi ang pumayag. Dahil hindi naman ako titigilan, hanggang pumayag din ako sa gusto niya. “Okay" sa huli ay napapayag niya rin ako. “Yes" napatalon pa siya sa tuwa. Mabilis na inabot ang bag na dala niya at agad inilabas ang lahat ng laman. Gulat ako ng makita ang laman ng dalang bag ni Joyce. “Ready talaga?” napangiti nalang siya habang isa-isa na inilalabas ni Joyce ang mga laman ng bag. “Syempre naman" mapungay ang mata, ngumiti sa akin saka binaltak ako nito na kinagulat ko. Nagulat talaga ako ng bigla niya ako hilahin. “Halika na!” Pinasok ako sa banyo at duon ay pinaliguan ang aking buhok. Shinampoo ni Joyce mabuti ang buhok ko, matapos ay tinuyo niya gamit ang towel na dala niya. Kahit maliit lang ang aking kwarto may sarili naman akong kubeta at may maliit na lababo sa loob. “Punasan mong mabuti." Paalala sa akin ni Joyce, nang matapos punasan ang buhok ko at tumayo na ako upang si Joyce naman ang pumasok sa banyo. “Dapat tuyong-tuyo” sigaw pa nito, habang nakayuko sa lababo at pinaliguan ang buhok. Nang matapos si Joyce magpiga ng kanyang buhok, utos niya sa akin. “Yung Hair Blower ko, nasa bag." turo sa malaking bag na bitbit ni Joyce ng tumungo sa bahay ko. “Okay" sagot na sabi ko, sinunod ko naman ang instructions na sabi ni Joyce. “Konting-konti pa." turo mula sa mamasa-masa kong buhok. Kahit nasa banyo nakikita niya ng hindi maayos ang pagkakatuyo ko sa aking buhok. “Grabe ang lamig." winisik-wisik pa ni Joyce ang kanyang buhok habang papalabas siya ng banyo at punas ng maliit na towel na hawak nito. “Nababasa ako!” pigil at panunuway ko ng ihagis ko ang pinag gamitan towel kay Joyce. “Punasan mo nga yan!” ang inis na sabi ko sa nakakainis na si Joyce. Tumawa si Joyce ng makita ako na naiinis. Mas lalo pa akong binabasa nito gamit ang kanyang tumutulong buhok. “Tama na!" gilalas ko sa kanya. “Basa na ako ohh.." inis ko muling sinabi sa naglalarong si Joyce. Para siyang bata na naglalaro ng kanyang basang buhok. “Halika na at pagandahin na kita.” hinila niya ako at saka iniupo mula sa harapan nito. “Lagi ka kasing mag-ayos." ani ni Joyce “Nang hindi ka ipagpalit ng boyfriend mo." Nagulat ako, wala naman akong sinabi na pinagpalit ako ni Chris. Gumagawa na naman si Joyce ng sarili niyang conclusion mula sa mga dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Chris. Hindi ko naman nasabi sa kanya lahat kangina ang dahilan bakit kami nagkahiwalay. Nagkaroon lang kami ng konting pagtatalo ni Chris, pero hindi pa naman kami totally hiwalay. Kaya lang para sa akin. Hiwalay na kami, wala na nga paramdam si Chris. Hindi na siya nag text o kahit tumawag. Hindi na rin nito ginagawa mula ng sabihin kong kailangan ko muna ng space sa ngayon para sa relasyon naming dalawa. May sinabi ako kay Joyce upang huwag ng magtanong. Kaya siguro naisip niyang pinagpalit ako no Chris kaya kami nagkahiwalay. Mula sa salamin kitang-kita ang aming pagkakaiba ni Joyce. Maging ang pagkakaiba ko sa tunay na itsura ko sa tuwing tutungo rito ang kaibigan kong si Joyce upang ayusan ako. At sa tuwing mag-aaya ito upang tumungo sa bar kasama ko naiiba ang itsura ko ng dahil sa mga pag-aayos ni Joyce sa akin. “Maganda ka na, nakita mo, mag-ayos ka lang palagi at maraming lalaki ang magkakandarapa sayo, Milca." ang malambing at masayang sinabi Joyce. May malapad na ngiti sa kanyang mukha matapos na makita ang itsura ko ng matapos niyang ayusan ako. Ramdam ko ang madalas na saya na makikita kay Joyce sa tuwing pupuntahan niya ako at ginugulo dito sa maliit kong bahay. “Salamat Joyce" Sabi ko ng nginitian siya ng manipis dahil sa bigat pa rin ng nararamdaman ko. Nagpapasalamat ako na nagkaroon ako ng isang mabuting kaibigan na tulad ni Joyce. Kahit may pagkabaliw lang talaga minsan ayos na rin at mayroon akong tao na madalas na malalapitan, tulad ngayon na malungkot ako. “Let's go!" saka nagpati unang lumabas ng bahay na tinitirhan ko at tumungo kaming dalawa ng Timog. “Bakit kasi ang iksi?” Pilit ko na hinihila ang laylayan ng dress na nakasuot sa akin. Tumawa si Joyce at sinabi sa akin. “Ang haba kasi ng katawan mo!" pabiro niyang bulalas. “Kaya ayan, lahat sa taas napupunta, nawawalan yung pang ibaba mo." Saka malakas na natawa sa biro niyang sinabi. “Bwisit ka talaga." gigil na sabi ko ng mahablot ito habang nag katatawanan kami sa gitna ng kalye. “Milca masakit…" ang siyang usal ng akin siyang hablutin. Nahila ko pala yung buhok nito. Kaya mabilis ang dumaing si Joyce ng mahablot ko siya papalapit sa akin. “Hanggang ngayon ba?” inis niyang sabi sa akin. Ang bagal ko raw maglakad ang sabi pa ni Joyce na kinatawa ko nalang. Naglakad ako na nakasunod sa kanya habang hinihila-hila ang aking bestida. Yung dress na pinagamit sa akin ni Joyce, hinihila ko pababa at nakikita na kasi yung hita ko. “Bilisan mo ngang maglakad at buhatin mo 'yang katawan mo ng hindi masira ang posture mo." bulalas na sambit pa sa akin ni Joyce. Nahihiya na nga ako at payukod na lumalakad sa kahabaan ng Timog Ave. Hanggang sa makarating na rin kami sa mismong Bar na aming madalas na puntahan. Sa wakas, nakarating na rin kami. Nakahinga ako ng maluwag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD