Halos mawindang naman ang buong pagkatao ni Janine sa ginawa ng kanyang kuya. Bakit siya nito hinahalikan? Bakit nito iyon ginagawa sa kanya? Napakaraming katanungan sa kanyang isipan, gulong-gulo siya ng mga sandaling iyon pero bakit tila yata nagugustuhan niya ang ginagawa ng kanyang kuya Khalil. Ang malambot at mainit na labi nito, ang mabangong hininga nito, ang marahang paggalaw ng labi nito sa ibabaw ng kanyang labi. Lahat iyon ay bago sa kanya pero bakit yata nagugustuhan niya ang lahat ng ipinaparanas nito sa kanya. Nakakaliyo ang sensastong nalalasap niya ng mga sandaling iyon kaya naman minabuti niyang tuluyan na lamang na ipikit ang kanyang mga mata at pagbigyan ang kanyang sarili. Hindi niya alam kung para saan ang halik na iyon pero nadarang na rin siya sa sarap na hatid n