• PAULINE POV •
Mabilis akong nakarating sa company ng family ko, sinalubong agad ako ng isa sa mga nagva-valet service kaya bumaba ako at binigay ang susi. Binati ako ng mga guard pagpasok ko at ng mga empleyadong nakakakita sa akin, tiningnan ko lang ang mga ito na may ngiti sa mga labi at tinanguan tsaka nag tuloy na sa VIP elevator.
" Ang ganda talaga ni Madam Pauline, no?"
"Oo nga eh! eleganteng-elegante kumilos." Mga bulungan 'yan ng mga empleyadong nag-aantay din bumukas ang elevator, malayo naman ng kaunti ang VIP elevator sa kanila pero rinig pa rin ang mga boses nila.
"Buti na lang hindi maldita at spoiled brat ano? ma swerte tayo kasi mabait siya sa atin."
"Kaya nga eh! maganda pa pagpapatakbo sa field niya," sabi ng mga ito, lumingon ako sa kanila at nag vow sila agad sa akin kaya nginitian ko sila bago pumasok sa Elevator.
Marami rin kasing hawak na business ang Sullivan Group of Company or SGC! Malls, Hospitals, Hotel & Resorts kahit mga Condo at Pabahay hawak na rin namin. At ang mga Mall dito sa Metro manila ang kinuha ko na field, you know? shopping haha. Yung ibang fields si Aidan at sila daddy na ang may hawak.
Pagbukas ng elevator ay binati agad ako ng mga empleyado, nginitian ko lang sila at deretso na sa office ko.
"Jian, marami ba kong pipirmahan?" tanong ko sa secretary ko, nakasunod kasi siya sa akin sa office.
"Ayan lang po madam na nasa table niyo." Tinignan ko ito, sakto lang naman pala mga 10 pataas.
"Ok, order mo na lang ako ng starbucks, umorder ka na din ng sa'yo."
"Yes, madam." At lumabas na ng office, 'di ko na kailangan mag bigay ng pera, may company card na kasi siyang hawak, binigay ko, lagi kasi akong nagpapabili sa kanya ng kung ano-ano kapag nandito ako.
Lahat nga pala ng Team Leader ng company namin meron CC or Company Card. Syempre dapat lahat ng sina-swipe nila alam ng HR at Accounting team kaya lagi dapat may resibo silang binibigay.
Hindi kami madamot sa mga empleyado dahil kung hindi dahil sa kanila hindi kami makikilala sa buong Asia. Nagiging matunog na din ang SGC sa US.
Kinuha ko agad ang mga files na nasa table ko, binasa ko muna ang mga ito, mahirap na baka ano na pala ang pinipirmahan ko.
"Madam ito na po, ay! madam, binilhan po kita nito oh, bago po kasi siya, nakita ko kasi blockbuster kaya umorder din ako." Sabay abot niya ng Coffee at ng binili niya...
"Thank you," sabi ko dito bago siya lumabas. Wala akong masabi diyan sa secretary ko, masipag at mabait kasi 'yan, kapag may nakikita na mga bagong bukas na restaurant or may mga bagong sikat na pagkain, wala ng tanong-tanong bibili agad yan para ipatikim sa akin, eto rin kasi ang bonding namin ni Jian, naging magkaibigan kami niyan dahil pareho kami mahilig sa mga pagkain kaya minsan kapag off namin pareho, nag re-restaurant hunting kami.
Sila Arissa at Talia naman pagdating sa mga gimik, shopping, bar at traveling sila naman ang lagi kong kasama, mga sanay kasi yung mga 'yon. Mayayaman din sila at may kanya-kanyang business company din ang mga pamilya nila.
Nang matapos ko na lahat pirmahan ang mga papers ay nag-ayos na ako ng sarili ko, sakto alas singko na ng hapon ng matapos ako at lumabas na ng office ko.
"Jian, tapos ko na, kunin mo na lang yung mga pinirmahan ko, mauna na ako, pupunta pa ako sa mansion." Kapag mansion alam na niya yun na kala mommy ako pupunta.
"Yes madam," sagot naman nito.
"Umuwi ka na pagtapos mo diyan," sabi ko sa kanya.
"Opo." Nginitian ko lang ito at tsaka naglakad papunta ng elevator. Nag-antay muna ako sa lobby dahil kinuha pa ng driver ang kotse ko, nang makita ko na ito sa labas ay lumabas na rin ako at sumakay sa kotse ko.
• AIDAN POV •
Kung meron man akong pinapangarap na gustong mangyari, 'yon ay ang mahalin din ako ni Pauline Sullivan na siyang asawa ko ngayon. Kaya lang paano mangyayari 'yon dahil makita niya lang ako ay inis na inis na siya sa akin, ang mahalin pa kaya?
Pero kahit gano'n pa man ay gusto ko pa rin siyang makasama. Hindi ko naman kasalanan ma inlove sa kanya, itong puso ko ang makulit kahit no'n pa man ay pinipigilan ko na ito kasi alam kung wala akong pag-asa sa kanya.
– Flashback –
Bata pa lang ako may gusto na ko sa kanya, naalala ko pa no'n nung unang dinala na siya sa bahay nila, sanggol pa lang siya no'n nang unang hawakan niya ang daliri ko at ayaw ng bitawan, doon pa lang para ng may iba na kong naramdaman.
Mag kaibigan ang mga pamilya namin kaya kapag may gathering sa bahay nila o kaya sa bahay namin lagi kong pinupuntahan agad si Pauline para makipag laro sa kanya. Kaso ayaw niya makipag laro sa'kin dahil ayaw niya sa akin, sa tuwing lalapit ako sa kanya umiiyak siya. One-time sinabihan niya ako na ayaw niya daw makipag laro sa akin kasi daw pangit daw ako.
Nung narinig ko 'yun nagpunta ako sa likod ng bahay nila at nagtago para lang umiyak. Nakaka badtrip lang isipin na halos lahat ng mga babae sa school ko ay ginagawa ang lahat para lang mapansin ko sila, 'yung iba mag-aaway pa sa harap ko para lang mapansin ko sila.
Hindi naman sa pagmamayabang pero matalino kasi ako at siyempre gwapo. Kaso nung sinabihan ako ni Pauline na pangit pakiramdam ko totoo, 'yun yung unang beses kong umiyak kahit pa man na lalaki ako.
Nung araw na lumipat si Pauline sa school ko, ang saya-saya ko kasi araw-araw ko na siyang nakikita at hindi lang tuwing may family gathering. Bata pa lang si Pauline ay nag-umpisa na siya mag rebelde.
Lagi siyang nakikipag away madalas sinasaktan niya talaga ang mga ito. Natakot ang pamilya niya dahil baka daw ang nag-iisang tagapagmana nila ay maging maldita at spoiled brat.
Gusto kasi nila na lumaki itong sopistikadang babae na pagdating ng tamang panahon ay siya na ang mag ta-take charge ng company nila.
Nagulat ako ng mag umpisang umakto si Pauline na sopistikada para talaga siyang heiress, lagi na itong pumapasok sa school, naging magaganda na rin ang mga grades niya.
Siguro dahil doon sa nangyari na may kaaway siyang mga babae na may mga gusto sa akin, lahat kasi ng mga iyon ay matitinong estudyante at mga tagapagmana rin. Na insecure siguro siya sa sarili niya. Dahil doon nakatulong iyon sa pagiging strong independent niya.
Hindi ako mahilig makipag away or should i say? hindi talaga ako nakikipag away, maganda ang mga record ko sa school.
Kaya lang nagbago 'yun ng isang araw meron akong classmate na lalaki na laging pinagtitripan si Pauline, no'ng una hindi ko pinapansin at hinahayaan ko lang, kaya lang yung huling ginawa niya kasi kay Pauline ang nakapagpainit ng ulo ko. Pinagsusuntok ko ito, kung hindi pa ako inawat ng mga ibang classmate ko siguro patay na 'yon!
Nilalagay niya kasi yung salamin sa sapatos niya tapos itatapat niya sa ilalim ng palda ni Pauline. Diba kabastusan!
Pinatawag ang mga magulang namin tatlo, matapang pa yung pamilya ng lalaking binugbog ko kaya hindi raw sila makikipag ayos hanggang hindi kami napapatalsik sa school.
Pero nung dumating ang Daddy at Lolo ni Pauline, biglang umurong ang dila nila. Sila na mismo ang nanghingi ng patawad sa amin lalo na kay Pauline.
Nang pabalik na kami sa mga klase namin nagalit pa sa akin si Pauline kasi dapat daw hindi ko binugbog at hindi dapat ako nangialam dahil kaya niya raw ang sarili niya.
Nang makatapos ako sa first degree ko, ako na ang nagmanage ng family company namin, naisipan ko ulit mag-aral kaya nagpunta ako sa New york para do'n mag enroll ng second degree.
Kahit na sa ibang bansa ako hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko kay Pauline, nililibang ko ang pagiging estudyante ko para hindi ko masiyadong maalala si Pauline, baka kasi bigla na lang akong mag drop at umuwi ng pinas sa sobrang pagkamiss sa kanya.
One-time mayroong party ang kaibigan ko, at sinama ako nito, para naman daw malibang ako at hindi puro bahay at university lang ang pinupuntahan ko. Pumayag ako no'n dahil kinukulit niya talaga ako, hindi niya ako tinigilan hanggang hindi ako pumapayag kaya ayon! Sumama na lang ako sa kanya. Nagpunta kami sa bar para daw hindi ako na ho-homesick. Doon ko nakilala si Janine. At siya ang unang babaeng na ikama ko
Simula nang may nangyari sa amin ni Janine, lagi ko na siya nakakasama, hanggang sa na attach na siya sa akin. She's acting like my girlfriend. Everytime na may nali-link sa akin sinusugod niya, kahit nga ang lumapit lang sa akin inaaway niya. Ewan ko ba anong trip no'n
Isang araw tumawag si Amera at sinabi na may boyfriend na raw si Pauline. Ang anak ng isa sa mga business association namin na si Patrick. Simula noon lagi na kami nagkikita ni Janine sa bar at na uuwi sa hotel at laging may nangyayari sa amin, buti na lang magaling ako pag dating sa kama kaya hindi ko siya nabubuntis kahit na paulit-ulit namin ginagawa, naging normal na sa akin ang gawain na yun pero hindi parin ma wala-wala sa isip ko si Pauline, knowing na may boyfriend na siya? 'di ko maiwasang maisip na hinahalikan siya ng ibang lalaki, hinahawakan siya, at ayokong isipin na may nagyayari na rin sa kanila.
Mabilis lumipas ang panahon kaya nakatapos agad ako ng second degree ko, pagtapos ng graduation ko kinabukasan ay agad akong lumipad para umuwi ng pilipinas.
Pag dating ko pa lang sa pilipinas ay dumeretso agad ako sa isang meeting. Yung daddy ni Pauline, Lolo niya at Daddy ko ang ka meeting ko, sinabihan naman na ako ni Daddy kung tungkol saan ang pag me-meetingan namin.
Ang ikasal ako. Yes! Gusto na nila ako makasal agad at ang magiging asawa ko ay dapat isa sa tatlong babae sa pamilya ng mga Sullivan.
Sinabi ko sa kanila na hindi pa ako ready pero hindi rin nila ako pinakinggan, matanda na raw ako at nasa edad na para mag asawa.
Doon ko din nalaman na hindi ko makukuha ang ipinamana sa akin ng Lolo ko which is kaibigan ng Lolo ni Pauline, tanging ang Lolo lang kasi nito ang may hawak ng papel na ipinamana at ibinigay sa akin ng Lolo ko.
Ngunit makukuha ko lamang daw ito kapag ikinasal na kami ng isa sa mga apo niya, I know na si Celestine ang nasa isip nila na ipapakasal sa akin, akala kasi nila kami ni Celes.
Si Celestine ang Panganay na apo, si Cathy naman ay pangalawa at bunso si Pauline. Sinabi ko sa kanila na magkaibigan lang kami ni Celes, dahil may iba akong mahal. Matigas pa rin sila, wala daw silang pakialam sa twenty years na one sided love ko as long na Sullivan dapat ito. Tinanong nila ako kung sino yung tinutukoy ko.
Sinabi ko sa kanila na si Pauline Sullivan iyon, pinaliwanag ko na simula maliit pa lang kami may gusto na ako dito. Tinawanan pa ako ni Tito, Daddy ni Pauline.
Sigurado daw ba ako na si Pauline yung babaeng inaantay ko at gusto maging asawa, masiyado raw kasing magiging komplikado pag si Pauline ang pinakasalan ko dahil baka maging madrama ang buhay ko, alam kasi nila na maraming fling ito at alam din nila na ang yaman lang ni Pauline ang habol ng mga ito sa kanya, mahirap daw makahanap ito ng taong mamahalin siya dahil sa pag-uugali nito.
Sinabi ko na si Pauline lang ang babaeng gusto ko at gustong pakasalan kaya maghihintay ako kahit gaano katagal.
Tumayo na ako sa harap nila para umalis pero bago tuluyan umalis ay ipinaliwanag ko sa kanila kung bakit matiyaga akong naghihintay sa kanya, at si Pauline lang ang nais kong makasama habang buhay.
Hindi ko akalain na dahil sa napakahaba kung speech ay bibigyan ako ng bleesing ng Lolo niya, Pumayag ito na ipakasal sa akin ang apo niyang si Pauline, dahil isa daw sa kinatatakutan nila ay baka hindi na maikasal ang tagapagmana niya dahil sa mga pinag gagawa nito sa buhay niya at baka mapunta lang ito sa maling lalaki at kunin lang lahat ng pinaghirapan ng Sullivan. They glad to hear what i said to them, ipinaglaban ko raw ang taong mahal ko.