TBD 7 - Flashback ll

2027 Words
• AIDAN POV • – Flashback – Nagulat ako siyempre pero at the same time masaya, kasi naman! Akalain mo na ikakasal ka sa babaeng mahal na mahal mo noon pa man, noong mga bata pa kayo. Pero may kaba akong naramdaman noong mga araw na iyon, paano kung ireject na naman niya ko? Paano kung sabihin niya na ayaw niya akong mapangasawa? Yung sabihan nga lang niya ako ng pangit nung mga bata pa kami ang sakit-sakit na! 'Yun pa kayang ireject ka maging asawa niya? Baka gumuho na ang mundo ko nun. Natapos ang meeting sa usapan na gusto na daw nila agad ng mga apo dahil matanda na daw ang mga ito at para may mga batang makukulit at maiingay sa Mansion, i imagine that scene, at napangiti na lang ako na isipin na paano kung may mga anak na kami ni Pauline? Maglalaro ng taguan, habulan at kung ano-ano, pupunta sa mall bibili ng mga ituturong mga laruan na gusto nila, pupunta sa amusement park para mag-enjoy, ang saya siguro nun? Yung isang buong pamilya kami. • PAULINE POV • Nang makarating ako sa Mansion ay sinalubong agad ako ni Mommy ng yakap. "My princess, i miss you, how are you?" tanong nito sa akin habang nakayakap. "I'm good Mom," sagot ko naman. "Nagkita kayo ng asawa mo?" tanong nito sa akin, tumango ako dito at tsaka pumasok sa loob. "Mom, i'm hungry," sabi ko pa sa kanya at nagderetso sa kusina. "Hi, manang." bati ko sa pinaka head ng mga maids namin, siya din ang nag-alaga sa akin nung maliit pa ako. "Pauline, anak! Buti nama'y na pa dalaw ka?" bati nito sa akin, anak kasi minsan ang tawag niya sa akin ni Manang Sitang. "Ano gusto mong meryenda nak?" tanong ni Mommy pagkapasok sa kusina. "Pancake na lang ma," sagot ko dito. "Ok, aahh! Oo nga pala, sinabihan ko na si Aidan na nandito ka, pinapunta ko na rin siya para dito na kayo mag dinner." Tinignan ko agad si Mom at nginitian na lamang ito, ayoko kasi malaman nila na hindi kami ok ng Son-in-Law nila, ako pa rin naman ang papagalitan ng mga 'yan. Ako ang tunay na anak at apo pero kay Aidan sila lagi kampi. "Si dad pala?" tanong ko. "Pauwi na rin 'yon, sinamahan ang Lolo mo mag golf." Gantong oras golf? sa bagay maganda rin mag golf ng hapon. "Sandali lang at iluluto kita ng pancake mo," sabi ni mommy. "Gusto niyo po ba ako na lang mag luto? ikaw na sa ibang lutuin para sa dinner? Baka dumating na sina sir at si Aidan," singit ni manang kay mom. "Ay oo nga! Sige manang ikaw na, ihahanda ko lang yung ibang lulutuin." Ayan na naman si Mom, aligaga na naman, kapag kasi pupunta dito si Aidan laging aligaga 'yan, gusto kasi lagi perfect dapat at masarap dapat ang mga pagkain, bihira kasi kami dumalaw dito lalo na si Aidan. "Mom, relax! si Aidan lang 'yon," sabi ko kay mom, lumapit ito sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Si Aidan nga, yung asawa mo," sabi nito sabay pisil sa pisngi ko bago umalis para mag luto na. Ilang minuto lang natapos na rin siya sa pagluto ng meryenda ko, masarap 'yan magluto ng pancake si manang. "Thank you manang," sabi ko dito pagka lagay ng plate na may lamang pancake at juice. Pagkatapos ko mag meryenda ay nagtungo ako sa kwarto ko. "Namiss ko kayong lahat...." Sabay talon ko sa kama, nandoon kasi yung ibang mga stuff toys ko na paborito ko nung bata pa ako, kinuha ko ang phone ko at nag scroll nang kung ano-ano "I'm coming to get you sweetie." Basa ko sa unang text. Inignore ko ito at nag browse na ng news. "AIDAN CLAXTON. NAGPAKITA NA SA PUBLIKO MATAPOS ANG KANYANG KASAL KAY PAULINE SULLIVAN." "AIDAN CLAXTON. NAMATAAN SA NAIA." Basa ko sa mga business headlines. Grabe talaga tong mga reporter na 'to eh! kahit walang ka kwenta-kwentang bagay nilalabas nila! Kahit pa matapakan na nila yung privacy ng tao! Hinagis ko na lang sa tabi ko ang phone ko dahil nakaramdam ako ng antok kaya natulog muna ko. Naalimpungatan ako nang may naramdaman akong humihimas sa buhok ko. "Good evening baby," bungad na bati ni Aidan pagdilat ko sabay hinalikan pa ako sa pisngi, kumunot ang noo ko sa ginawa niya kaya bumangon agad ako. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. "Waking you up?" Sabay kamot nito sa batok ng nakangiti." "Omaygod Pauline ang gwapo ng nilalang na nasa harap mo, napaka swerte mong babae ka!" bulong sa isip ko. "Pinapatawag ka na nila lolo at daddy, ready na yung dinner," sabi pa nito. Tinignan ko yung wall clock. 7:30 na pala ng gabi, umalis na ako sa kama ko para mag-ayos sana kaya lang hinigit ako ni Aidan. "I miss you baby." Paglalambing nito, bigla kasi akong hinila para yakapin. Tinanggal ko agad ang kamay nito. "Tigilan mo ko Aidan! 'Di mo ko madadaan sa pa ganyan-ganyan mo! Kung ang babae mo kaya mong artihan ng ganyan! Pwes! Ibahin mo ko," sabi ko sa kanya sabay lumabas na ng kwarto. Naalala ko na naman yung ginawa niya sa akin kagabi tapos ang tagal pa niyang nawala! "Pero bakit apektado ka?!" Iniling-iling ko ang ulo ko dahil kung ano-ano na naman binubulong ng isip ko, nakakainis Pauline! Ramdam ko na nakasunod lang sa akin si Aidan, pababa kami at patungo sa dining hall. "How are you princess?" tanong agad ni daddy. "Good," sagot ko dito, pinaghila ako ng upuan ni Aidan kaya naupo ako at umupo siya sa tabi ko, katapat namin sila daddy at mommy, tapos sa gitna naman si lolo. "Wala pa bang laman 'yan Pau? gusto ko na magka-apo sa inyo." Napabuga naman ako, tsk! taming naman umiinom ako tubig eh. "None! I'm not ready yet!" sabi ko agad. "Pauline. Hindi na kayo mga bata! Tumatanda na kayo, lalo na ako, gusto ko maabutan ang magiging apo ko sa inyo. "Dad..." sabay na sabi nila mom at dad. "Don't tell me wala pang nangyayari sa inyo. Aidan?! ano na? Ang hina mo naman!" si dad naman ngayon. "Dadating tayo d'yan dad." sabay nag sandok na ako ng mga pagkain na gusto ko kainin. "We will be working on it po," sabat pa ni Aidan kaya pinanlisikan ko siya ng mata tsk! Nakisali pa. • AIDAN POV • - FLASHBACK – Nang matapos ang kasal namin ni Pauline, masasabi ko na ako na yata ang pinaka masayang tao sa buong mundo, lalo na nung pumayag ito na matutulog kami sa iisang kama. Alam niyo ba kung ano dahilan kung bakit gusto niya matulog sa iisang kama? Sabi niya kasi: "Keep your friends close, but your enemies closer." O diba! Galing din niya mag-isip. Pauline is a prankster, one-time tinago niya lahat ng paborito kong gamit, at minsan pa tinago niya rin yung mga isusuot kong damit sa meeting ko para malate ako, sinubukan niya rin akong idulas sa sahig, dahil binuhos nito yung mantika, kaso lang siya ang nahulog sa sarili niyang patibong kaya ang ending pina-cancel ko ang meeting at inalagaan ko siya dahil iika-ika siya mag lakad, masaya kasama si Pauline at the same time mai-stress ka rn sa katigasan ng ulo niya, wala naman kaso sa akin yun dahil kaya ko naman na siyang tapatan kapag sinusumpong na naman ang pagiging spoiled brats niya. Lahat ginagawa ni Pauline para lang layuan ko siya o kaya naman para raw makipag divorce na ako sa kanya. Sobra akong nasaktan nung nag send pa siya sa akin ng picture nila ng driver niya s***h friend niya na si Kurt. Nasa isang bar kami ng kaibigan ko para i-celebrate ang birthday ko, napansin nang kaibigan ko na biglang nagbago ang mood ko kaya inagaw nito yung cellphone ko at nakita ang pinasa ni Pauline. "So, mag-eemote ka na lang diyan?! Birthday na birthday mo, umayos ka! Parating na yung iba pa nating kaibigan," sabi ni Kiel. "Nasaan yung susi ng kotse ko?!" tanong ko agad sa kanya. "Bakit? uuwi kana?" ‘Di ko siya sinagot at inantay na ibigay ang susi ng sasakyan ko. "Kiel? akin na!" ulit ko dito. "Iuwi mo na lang ako! o kaya ibigay muna yung susi ng kotse ko!" sabi ko ulit dito. "Ano ka ba naman Aidan! Pupuntahan mo siya? Tapos ano gagawin mo sa kanya? Wag mong hayaan lamunin ka ng emosyon mo! Sa tingin mo kapag nakita kang ganyan ng asawa mo matutuwa 'yon? Hindi! Aidan, lalo ka lang sasaktan no'n kapag nalaman niya na apektado ka sa mga pinaggagawa niya sayo!" Napaisip naman ako sa sinabi ni Kiel. "I have a plan," sabi nito. "Whats plan?" tanong ko naman. "Wag ka muna umuwi sa asawa mo! Dun ka muna sa bahay." suggestion niya. "What? No! hindi ko kayang iwan si Pauline sa bahay mag-isa" Tanggi ko agad dito. Hindi ko kaya lalo na't nasanay na akong lagi siya ang kasama, at katabi matulog. "Aidan! Makinig ka! Kailangan mo ding gumawa ng plano para tapatan lahat ng mga ginagawa niyang kalokohan sayo, dito mo masusubukan kung talagang walang paki ang asawa mo sayo! Baka nga ginagawa niya lang lahat ng mga 'yun para sa atensyon mo. Malay mo may nararamdaman na pala siya sayo, indenial lang dahil hindi niya matanggap na natalo siya sayo! Sa isang mortal enemy niya." Paliwanag nito sa akin. Napaisip naman ako sa sinabi ni Kiel, what if itry ko. Wala naman mawawala. Umaasa rin kasi ako na kahit paano may konting nararamdaman na rin si Pauline sa akin. "Tapos?" tanong ko pa. Interesado kasi ako sa plano niya." "Hindi mo rin gagamitin ang sasakyan mo para hindi ka ma trace," sabi nito. "Anong gagamitin ko?" takang sabi ko sa kanya. "Gamitin mo muna yung sasakyan ko," sagot nito. "Ok! Deal! Pero kailangan ko malaman lahat-lahat kung saan ito pupunta, hindi ako mapapantag kapag may nangyari na masama sa asawa ko ng wala ako." Paliwanag ko rin. "Ok! I have a friend, meron siyang hawak na mga tao para bantayan ang asawa mo! He's a mafia boss. Since laging nag ba-bar si Pauline at laging na to-trouble, i suggest this man," sabi nito. "Here's his number ikaw na bahala ano gusto mo pagawa," sabi pa ni Kiel sabay abot ng business card. "Prozone Protection. Ceo Tyron Martinez." Basa ko sa business card na binigay sa akin ni Kiel. Sila ang nagbabatay kay Pauline kaya sa tuwing na to-trouble ito ay to the recue sila ng hindi nahahalata ng asawa ko, at ayon nga ang nangyari nung mga panahon na wala ako sa tabi niya at 'di umuuwi sa bahay. Ang isa sa mga magagaling na tauhan ng Prozone protection ang binigay sa akin ni Tyron, si Arnold Real. Masasabi ko na magaling nga ito magbantay sa asawa ko. 3 days after ng sinend sa akin na picture ni Pauline ay pinatawag ko agad si Kurt. Yung driver niya na kaibigan niya, at ang lalaki na kasama niya sa picture na sinend niya sa akin. "Wala ka naman balak na patayin 'yang lalaking iyan ano? Alam kong mainit ang dugo mo sa kanya ngayon pero wala ka dapat gagawin sa kanya Aidan!" Bungad ni Kiel sa akin habang inaantay namin na dumating si Kurt. "Hindi naman ako basag ulo Kiel, kakausapin ko lang siya," sabi ko dito habang inip na kakaantay sa kanya. "Good." "Bakit ba ang tagal niya dumating!" inis na sabi ko. Saktong tumunog ang bell at pumasok ang bodyguard ni Kiel. "Sir. Nandito na po yung inaantay niyo," sabi nito. "Papasukin muna." sagot ni Kiel dito. Ilang sandali lang ay pumasok na sila at umalis din agad ang bodyguard ni Kiel. "Pinatawag niyo raw po ako Sir." Bungad nito sa akin. "Yeah! Maupo ka." Nagpunta siya sa sofa sa gilid namin ni Kiel at doon umupo. "Anong gusto mo?" tanong ko sa kanya. "Ahh! wala po sir! Ok lang po ako," sagot nito. "Ok," sabi ko sa kanya, sinenyasan ko si Kiel na umalis muna para makapag-usap kami, mabilis naman nitong napansin kaya nag-excuse ito. "Alam mo ba kung bakit kita pinatawag?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD