• 3rd PERSON POV • Habang pinapayuhan nila ang kaibigan nilang si Karlyn, ay tahimik lang si Pauline, na umiinom ng alak habang nakatingin lang sa kanya ang asawa niyang si Aidan. Maya-maya lang ay tumayo ang mga kaibigan niya para sumayaw sa dance floor. Si Pauline, naman ay kinuha ang phone niya dahil may tumatawag dito. Agad niyang pinatay ito dahil hindi rin naman sila magkakarinigan sa lakas ng music kaya tinext na lang niya ito. “Why?” “Answer my call, princess.” Basa nito sa reply ni Jason. “Nasa engagement party ako ng kaibigan ko, bakit?” “Gusto ka daw sana makausap ni Ayen, namimiss ka na niya kasi.” Napangiti namn si Pauline, at nakita ni Aidan, ito. Agad naman na tumayo si Pauline, at lumayo sa puwesto nila para maghanap ng lugar na hindi masyado rinig ang music. “Hello