• JASON POV • PAGBABA ni Pauline, ng sasakyan ko ay bumaba na din ako at pumasok sa bahay ng kaibigan ko. Yes! Itong bahay na malapit kala Pauline kung saan ako laging nakapark para bantayan siya ay ang bahay ng kaibigan ko. Walang nakatira dito kaya pinakiusapan ko ang kaibigan ko na kung puwede ako mag stay pansamantala. Mabuti na lang at pumayag siya. Pagtapos ko maligo at magbihis ay nahiga agada ko dito sa kama at tinawagan ang kapatid ko. “Hello.” “Uhm bal, kamusta?” Bungad ng kakambal ko. “Ayos lang bal” “Ikaw ba? Kamusta ka diyan? Kailan mo ba ipapakilala sa akin yang girlfriend mo?” Nagulat ako sa sinabi niya. “Paano mo nalaman?” Tanong ko sa kanya. “Kay Chri.” “Si Chris, talaga chismoso kalalaking tao.” “May inampon ka daw mga bata?” Tanong niya sa akin. “Oo,