•PAULINE POV • "Arissa at Talia is here," sabi ko sa isip ko "Hoy!" Bati ko sa mga ito, eto na naman sila, mukhang trouble na naman ang aabutin ko sa mga ito. "Ang pagkakaalam ko Arissa at Talia ang pangalan namin at hindi HOY!" sabi ni Arissa at sabay inirapan pa ako habang itiniklop ang dalawang kamay sa dibdib. "Hahaha!" Natawa naman ako sa sinabi siya at hindi na lang siya pinansin pa. "Kumusta ka naman! Ang napakaganda kong kaibigan na si Arissa." Ganyan lagi ang sinasabi ko sa kanya para kumalma siya at hindi na uminit ang ulo sa akin. My Magic words. "Hay naku! Pauline, hindi muna ako madadaan sa mga pambobola mong mga salita sa akin," sabi niya kaya napanguso naman ako sa kanya "Excuse me." Dagdag pa niya sabay tinulak ako para makapasok sa loob ng bahay namin. Pagpasok n