• PAULINE POV • "Kadarating niya lang kahapon tapos inumpisahan mo agad siyang saktan sa pamamagitan ng mga masasakit mong salita! Isa ito sa mga dapat mong tandaan Pauline, bukod sa makapangyarihan siya at malakas ang inpluwensiya sa mundong ito ay tao pa rin si Aidan na katulad natin." Mahabang paliwanag pa nito. "Kailan mo ba na realize na mahal mo na siya?"Tanong sa akin ni Talia, bigla naman bumilis ang t***k ng dibdib ko. "Hindi ko siya mahal, gusto ko lang siya." Pagsisinungaling ko. "Alam mo Pauline? ang mahal at gusto ay parang number 8 at 9 only one thing separates them. Ngayon umamin ka sa amin. Kailan mo nalaman na mahal mo na ang asawa mo?" May halong pang-aasar na sabi ni Arissa, at si Talia naman ay nginisian pa ako. Napansin ko na sa akin silang dalawa nakatingin at nag