’Ni hindi na niya napansin ang pag-agaw niya ng atensyon ng mga taong nasa dance floor especially men. Malalagkit ang tinging ipinupukol sa kanya ng mga kalalakihan na may halong pagkamangha. Nagsimula na rin ang mga itong palibutan siya at sabayan sa pagsasayaw. "Whoow!" sumigaw pa siya dahil sa enjoyment. She's feeling wild, sexy, and free! She doesn't care about anything right now, doesn't even want to think. All she needs is to party, to enjoy, and to dance. Dancing like she's the queen of the night. So liberated! Kumapit siya sa leeg ng isang kasayaw habang pupungay-pungay ang mga mata sa kalasingan pero wala pa rin planong tumigil sa pagsasayaw. "Damn chick! You're so sexy! Can I have you?" Hindi niya masyadong narinig ang sinabi nito dahil sa ingay ng music. "What!" tumatawa n