PINANINDIGAN ni Rebecca ang naisip nang sumapit ang gabi. Nag-ayos siya ng sarili, nagsuot ng sexy'ng dress, high heels and tough make-up. Lumabas siya ng bahay nang walang paalam sa mga magulang ni Raphael o kahit sa binata saka kaagad na nagpara ng taxi. "Sa'n po tayo, maam?" tanong ng driver na mukhang may edad na. "Ah, sa kahit aling bar po na alam ninyo rito, Manong." sagot lamang niya. Tumango naman ito sa pagtataka ngunit pinili na lamang na manahimik. Sinunod siya nito at inihinto ang kotse sa labas ng isang bar. She handed him the p*****t then headed her way inside the bar. Disco lights at party music naman kaagad ang sumalubong sa kanya. Luminga-linga siya sa paligid at maraming party freak ang nasa dance floor, enjoying the night and flirting with their dance partners. Hindi