"ISRAEL, don't tell me, diyan ang comfort room nila? Wala man lang bang shower?" maarteng tanong ko kay Israel. Ngumisi lang ang loko at hinarap ako nito. "You know what, dapat matuto kang masanay sa ganitong lugar since narito tayo. Remind ko lang sa'yo, huwag kang masyadong maarte." "Tabo po at balde na may gripo lang po rito, mommy," sagot ni Ysah sa akin. "Ano?!" bulalas ko. Pero agad ko ring tinakpan ang aking bibig. Naku po. Paano na ang paliligo ko nito? Nasanay akong magbabad sa bathtub. Baka magkaro'n ng impeksyon ang aking balat sa tubig nila rito. "Here po, towel niyo at sabon na may shampoo," nakangiting iniabot sa akin ni Ysah ang lalagyan ng mga sabon at shampoo. "How about body wash, body scrub, shower gell, hair bands, and —" Pinutol agad ni Israel ang sasabihin ko