MULI, hindi ko mapigilan ang sarili na mapangiwi. Patawarin ako pero bakit nga ba ganito ang ugali ko? Gusto kong masuka. Hindi ko gusto ang pagkain na nasa harapan ko. At bilang respeto, kumain ako kahit kaunti lang. "May kanin pa, hija." "Salamat na lang po. Okay na po ako rito," saad ko kay Aling Gina. Lihim akong nainggit sa mag-ama. Maganang kumakain ang mga ito. Take note, Montenegro pa ang kasama ko. Hindi ko akalaing cowboy pala ang heartless CEO na si Israel at ang anak nitong si Ysah. Nahiya naman ako. "Mom, baka magutom ka mamaya. Kumain ka ng marami," ani Ysah sa akin. "Thanks, pero okay na ako rito. Sige lang, kumain ka lang," sagot ko rito. Pinipigilan kong masuka. Totoong paborito ko ang tinolang manok, pero hindi ko maatim na kumain ng marami, hindi kasi malinis an