NARITO kami ngayon sa pool. Sinamahan ang aking anak na si Ysah. Masaya akong nakikita itong masaya. "Mommy, ayaw mo ba talagang maligo?" tanong nito sa akin. "Wala ako sa mood, t'saka tapos na akong maligo kanina. Sige lang, enjoy mo ang moment sa pool," nakangiting sagot ko rito. Ibinaling ko ang tingin at napasinghap ako nang makita ang naka-topless kong fiancee. Naks! Napalunok ako sa sobrang ganda ng tanawin. Iyong pandesal sa tiyan nito tila nang-aakit na ito'y aking haplusin. "Mommy, nakanganga po ang bibig niyo." Nagulat ako sa narinig mula kay Ysah kaya awtomatikong isinara ko ang sariling bibig at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Naramdaman ko ang pamumula ng aking dalawang pisngi. Gosh! Bakit para akong teenager na namula nang mahuli ng crush na nakatingin dito