Paglapit na paglapit ni Divina sa kaibigan ay kaagad siyang hinila nito. Dinala sa kung saan bakanteng pwesto. "Kanina ka pa hinihintay ni Mr. Ferrer. Siguradong sasabog na naman sa galit 'yon." kaagad na bulong ni Menchie sa kaniya. Maging siya ay kinakabahan. Umakyat ang kaba niya na kanina ay kaunting kaba lang ang nararamdaman niya. Alam niya naman ang ugali ng anak ng may-ari ng boss ni Menchie. Masyadong suplado. Pinisil naman bigla ni Menchie ang kaniyang pisngi. Tinitigan at kinurot. "Blooming ka yata ngayon," komento nito pagkatapos siyang suriin. "Alam mo kasi yung boss mo. Masyadong maarte baka pauwiin pa niya ako at hindi na ako tuluyang tanggapin. Ayaw ko na malait." sagot ko dito. "Pumasok ka na, baka naiinip na yun kakahintay sa 'yo sa loob. Mamaya niyan lapain ka pa n