"That asshole again!" Naikuyom ni Gariet ang kaniyang kamao. Habang pinapanuod ang asawa na masayang nakikipag-usap sa mga kasamahan nito. Lalong-lalo na sa lalaking humalik dito. Nilagok niya ang isang basong alak. Hindi niya rin inaalis ang paningin kay Divina. Akala niya kaya niyang makita si Divina na masayang nakikipag-usap sa mga lalaki, hindi pala. Habang pinagmamasdan niya ito. Mas umakyat ang galit at inis niya dito. "I thought you were the one who broke up with your wife? Why are you doing that. You're obvious, dude!" tapik ni Fred sa kaniyang balikat. Inasar pa siya nito. Nagtawanan ang dalawa. Ngayon niya lang napansin ang pagkuyom ng kaniyang kamao at mukhang mababasag pa niya ang baso dahil sa higpit ng pagkahawak niya dito. ****** Naka-ilang shots na si Divina