WARNING! WARNING! SA MGA BAWAL SKIP NIYO NA ITO SA MGA MINOR DIYAN! CHAPTER 12 - AGGRESSIVE "Sigurado ka ba na pupunta ka sa kasal na iyon? Paano nga kung si Gariet nga ang kinakasal? Anong gagawin mo? Makakaya mo kaya makita ang asawa mo na hinihintay ang babae niya sa altar?" pag-aalala ni Menchie sa kaibigan. Habang abala si Menchie sa pagsasalita, panay naman ang pagpunas ni Divina sa kaniyang pisngi. "H-hindi ko alam, blanko ang isip ko, Menchie. Gusto kong makita, gusto kong malaman kahit masasaktan ako," pinunasan na naman nito ang sariling pisngi. Sunod-sunod kasi na pumapatak ang luha ni Divina. "Ako yung nahihirapan sa 'yo, besh. Kung pwede nga lang na kaya kong pawiin 'yang sakit na nararamdaman mo at kaya kong pawiin 'yang pagmamahal mo sa walang kwenta mong asawa, nagawa