Shunn's Ferrer POV While I was driving, kagagaling ko lang sa restaurant. I still have a lot of appointments to go. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na ipagpapalit lang ako ng babaeng mahal ko sa lalaking ipinagkasundong ipakasal sa kaniya ng kaniyang mga magulang. I had money, I'm rich and I already had almost everything but why didn't she choose to marry me? Mas pinili niya ang lalaking gustong ipakasal sa kaniya. Damn it! Nahampas ko ng malakas ang manibela. Maulan kaya mahina lang ang aking pagpapatakbo. Hindi ko napansin ang pagtawid ng isang babae. Muntikan ko pa tuloy masagasaan. Wala yata sa pag-iisip ang babaeng 'to. Naiinis na bumaba ako sa aking kotse. Pinuntahan ko kaagad ito. Umupo pa talaga sa kalsada. Ano kaya ang gusto nito? Gusto ba niyang magpakamatay?