Divina's POV
Pagpasok ko sa condo. Ibinagsak ko ang shoulder bag sa couch at pabagsak na umupo.
Sinulyapan ko ang aking wrist watch. Gabi na naman. Anong oras na naman kaya uuwi si Gariet.
Nagtungo ako sa kitchen para magluto ng hapunan. I cooked chicken pochero and also fried tilapia.
Isang oras din akong natapos. Sinulyapan kong muli ang aking relo. Alas sais na ng gabi.
Napalingon ako sa sala ng marinig ko ang munting ingay ng pinto. Alam kong si Gariet na ang dumating. Mukhang maaga siya ngayon.
Nagmadali akong lumabas sa kitchen at tinungo ang sala. Hindi nga ako nagkakamali, si Gariet nga ang dumating. Mukhang pagod na pagod ito. Bagsak ang balikat.
Nagmadali akong lumapit sa kaniya para asikasuhin siya. Kaagad akong lumuhod para tanggalin ang sapatos niya.
Ganun na lang ang pagtulak niya sa akin ng simulan kong hawakan ang sapatos niya.
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Why are you doing this now? You didn't do it before.. Guilty na guilty ka na sa ginawa mo kaya ka bumabawi sa 'kin ngayon?" Itinapon nito ang dalang bag sa couch.
Napaawang ang labi ko. Gusto ko lang naman sana siyang pagsilbihan. Hindi ko ito nagagawa noon dahil kapag umuuwi siya tampo na kaagad ang sumasalubong sa kaniya mula sa akin. Siya ang sumusuyo sa akin kapag umuuwi siya mula sa kaniyang trabaho.
Ngayong, bumabawi ako sa kaniya. Ayaw niya na.
"Dapat noon mo 'yan ginawa, baka sakaling hindi pa ako napagod sa 'yo, pinagbigyan kita na tumira dito at magsama tayo pero hindi ko sinabing pakialaman mo ako. Hindi ko sinabing pagsilbihan mo ako. Gumalaw ka mag-isa, huwag mo akong pansinin. Huwag mo akong pakialaman dahil sa totoo lang, Divina, iritang-irita na ako sa pagmumukha mo!" tiningnan niya ako na parang ibang tao na lang para sa kaniya.
My tears flowed because of the hurtful words he uttered.
Tumalikod na ito sa akin. Nagsalita pa rin ako.
"Gusto ko lang naman ayusin ang marriage natin, Gariet. Gusto kong bumalik tayo sa dati." He looked at me again. Wearing his serious aura.
"You don't have anything to fix because we're ruined! This family is ruined.. Alam mo bang wala na akong gana umuwi dito dahil mukha mo lang ang nakikita ko. 'yang pagmumukha mo. . . Damn!" tila ayaw niya na maalala pa ang lahat na nangyari. Sinapo niya ang kaniyang ulo.
"Huwag ka na magsalita pa, Divina. Please lang. Nagtitimpi na lang ako sa 'yo. Ayaw ko na dagdagan pa ang masasakit na salita pa para sa 'yo," and he finally turned his back on me.
Pabagsak akong naupo sa sahig. Niyakap ang sarili kong mga tuhod. Doon ko inilabas ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Mukhang hindi na talaga kami magkakaayos pa.
Kahit anong sabihin ko sa kaniya, ayaw niya na akong pakinggan. Sarado na ang isip niya para sa 'kin.
*****
Hindi kumain kagabi si Gariet. Ngayong umaga naman inabangan ko siya sa living room. Sabay sana kaming kakain pero tinabig niya lang ako at pinaalis sa kaniyang harapan.
"Don't bother anymore, I'm going somewhere now. Doon na ako kakain," sabi naman niya.
"S-saan?" nagbabakasali akong isama niya ako.
"Why are you asking? I already told you not to bother me where I'm going, wherever I go, you don't care. Remember, I'm with you because that's what you want. Keep that in your mind, Divina!" Dinuro pa nito ang aking noo. Napapikit na lamang ako.
Iniwan niya akong tulala.
[Third Person's POV]
"Gariet is here, mom. Akala ko hindi na ito darating at isasama pa niya ang kaniyang walang kwentang asawa," sumbong ng nakakatandang kapatid ni Gariet sa kanilang mom na nag-cecelebrate ngayon ng kaarawan nito.
"Hey, son. Mabuti at pumunta ka." bati ni mMrs Rivera. Nagpalingon-lingon pa ang Ginang.
"It's good that you're not with your wife. You know, I don't want her for you." mataray na sabi kaagad nito kay Gariet.
"Don't talk about her anymore. The important thing is I'm here," Gariet replied. He greeted Donya and kissed her on the cheek
"Halika doon, son. Nandito si Angelica." hindi na nakatanggi pa si Gariet ng hilahin na siya nito. Palapit sa mga kaibigan ng kaniyang ina.
Si Angelica, siya ang babaeng gusto ng pamilya niya para sa kaniya. Hindi nito alam na nagtatrabaho si Gariet sa AvidaLand corp na pagmamay-ari ni Angelica.
Ipinakilala kaagad siya ng kaniyang ina sa lahat na naroon sa party. Ilang taon din kasi hindi nagpakita si Gariet sa kaniyang ina.
"Hello, Everyone! This is my son, Gariet Mikael Rivera. My only son and the sole heir of the Rivera Company!" pakilala sa kaniya ng kaniyang ina. Nagpalakpakan naman ang mga naroon at nagbulong-bulongan.
Pagkatapos siya nito ipakilala sa lahat. Dinala siyang muli ng kaniyang ina sa mga kaibigan nito.
Naroon pa rin si Angelica.
"Hey, Gariet. I thought you weren't going to your mom's birthday. Sana pala nagsabay na tayo," kaagad na sabi sa kaniya ni Angelica.
Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Mrs. Rivera, ang mom ni Gariet.
"Palagi ba kayong nagkikitang dalawa?" Naguguluhang tanong naman ni Mrs. Rivera. Kaagad na tumango si Angelica.
"Actually, Tita, he works for me now as a real estate agent of AvidalaLand corp. "Angelica answered immediately.
"Oh! Really?"Mrs. Rivera can't seem to believe it.
Wala na kasing balita ang mga ito kay Gariet. Simula ng ipaglaban nito si Divina at pinakasalan ang babaeng pinakaayaw ng mga ito para sa kaniya. Himala na nagpakita pa si Gariet ngayon sa kanila.
"Anong meron at naisipan mong pumunta dito, son? Huwag mo sabihing may problema kayo ng asawa mo?" nahihiwagaan na tanong ni Mrs. Rivera.
"Yes, Tita, hindi niyo po ba alam? Nakuhanan po ang asawa ni Gariet. Dahil sa pag-eeskandalo nito sa isang restaurant. Sinugod pa niya ang kliyente ng anak niyo. Gariet lost his client that day. He was even affected." Angelica complained.
Nanlaki naman ang mga mata ni Mrs. Rivera.
"That woman is really shameless. It's embarrassing what she did. Ngayon ko lang nalaman na nakuhanan siya. Walang hiya. Wala talaga siyang kwentang babae at asawa. You should divorce that woman, Gariet. . .Hindi siya nababagay sa isang tulad mo. Sinasabi ko na nga ba, walang magandang dulot sa 'yo ang babaeng 'yon!" Nanggagalaiting sabi ni Mrs. Rivera.
"I'm starting to process the divorce. Huwag kayong mag-alala, sa lalong madaling panahon. Mag-divorce na kami. Hindi ko na rin kaya pang pakisamahan pa si Divina." isang buntong hininga ang pinakawalan ni Gariet.
"That's good, son. Go back to our Company. Your daddy needs you and I prefer Angelica for you," kumindat naman si Mrs. Rivera kay Angelica.
"Thanks tita." kaagad naman na nagpasalamat si Angelica dahil gustong-gusto siya ng mom ni Gariet.
"After the party. Gariet stayed a few more hours in the mansion. They talked about the company. Gariet thought about going back to their company and accepting his Daddy’s offer to be a CEO.
"It's good and you're accepting now my offer. I've been waiting for this for a long time, Mikael. What's the reason and you're accepting it now?" Tinapik pa siya ng daddy niya sa kaniyang balikat.
He let out a sigh before he spoke.
"Wala na akong dahilan para tanggihan pa ang alok niyo, Dad. Kaya lang naman ako tumanggi dahil sa babaeng mahal ko na ipinaglaban ko pero mali pala ang babaeng pinaglaban ko sa inyo. Kung alam ko lang na hindi pala siya worth it na ipaglaban. Dapat noon pa nakinig na ako sa inyo." Gariet answered.
"Bakit? Anong nangyari sa inyo ng asawa mo? Ipinaglaban mo siya noon sa amin... Pagkatapos ngayon...bakit malungkot ka?"
*FLASHBACK*
"Divina is pregnant, she is the one I will marry. I won't marry Angelica because that's what you want! "Gariet fought with his father.
"What the--- sa babaeng 'yan ka lang babagsak. Bullshit! Mikael! Sa isang anak mahirap ka lang babagsak. Kung ganiyan man lang lumayas ka sa pamamahay na ito! Wala kang makukuha sa amin kahit peso!" Malutong na sigaw ang sumalubong sa kanilang dalawa ni Divina. mula sa kaniyang ama.
Hindi nila tanggap si Divina. Lalo na ng mabuntis ito ay kinasusuklaman nila lalo si Divina.
Simula ng ipakilala niya si Divina sa mga ito ay iba na ang trato ng mga ito sa girlfriend niya.
Kaya nang mabuntis niya si Divina ay kaagad niyang pinaalam sa kaniyang magulang. Pero tutol ito sa pagpapakasal nilang dalawa.
Kaya umalis siya ng mansion kasama si Divina at sa kaunting pera na hawak niya ay ginamit nila sa pagpapakasal.
Hindi naging madali ang buhay nilang dalawa. Naghirap si Gariet. Nahihirapan dahil hindi sanay sa hirap. Pero hindi siya sumuko, dahil mahal na mahal niya si Divina. Naghanap siya ng trabaho, hanggang napadpad siya sa AvidaLand Corp, na pagmamay-ari ni Angelica.
Ganunpaman, dahil gabi-gabi ay umuuwi siya ng kalahating gabi. Hindi rin naiiwasan ang kanilang pagtatalo ni Divina. Palaging nagagalit si Divina sa kaniya at palagi itong nag-iisip na meron siyang ibang babae.
Kahit pa ay hindi niya pa rin sinukuan si Divina. Kahit araw-araw o gabi-gabi pa niya ito susuyuin ay hindi siya mapapagod.
Napagod lang siya nang may mangyaring masama sa dinadala ni Divina. Doon niya naisip na sumusobra na si Divina. Sumusobra na ang pagiging selosa nito.
*END OF FLASHBACK*
"Nakakapagod pala, Dad." panimula niya sa daddy niya. He rubbed on his forehead.
"I thought I wouldn't get tired of her," he sighed. "But as time went on, I couldn't stand her jealousy. Pagiging eskandalosa niya. Ang mga maling hinala niya. Nakakapagod. Akala ko. . . hindi magbabago pagtingin ko sa kaniya, akala ko lang pala 'yon. Dahil ngayon kapag nakikita ko ang pagmumukha niya. Mas lalo lang nadadagdagan ang galit ko sa kaniya." his father immediately hugged him.
"I understand you, son." Tinapik muli nito ang kaniyang balikat. "Sometimes you think, kayo na talaga. Sometimes destiny is also funny. Sometimes it's just fun at first, but as time goes on... the fun disappears and is replaced by sadness.. Nagpapasalamat nga ako...at hindi naman nangyari sa amin ng mom mo iyang nangyari sa inyo ng asawa mo. But, it is important that you are here, come back to us and be ready to return to the company. Cheers! Son!" his father raised the glass of wine and drank.