Divina's POV
Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng rigtone ng aking cellphone. Minulat-mulat ko ang aking mata at kinusot para luminaw ang aking paningin.
Naalala ko nakatulog na naman pala ako kagabi.
Si Menchie, tumatawag.
Ano kaya ang kailangan nito? Ang aga naman niyang tumawag.
"Menchie..." sagot ko.
Umalingaw-ngaw ang matulis niyang tinig mula sa kabilang linya. "Hello, beshie! Meron akong good news!" hindi halatang natutuwa siya.
"Ano 'yan?" kumunot ang noo ko.
"Tanggap ka na! Tanggap ka na dito! Ay! interview mo lang pala, masyado akong natuwa," tuwang-tuwa na sumbong niya sa akin.
Naalala ko, nag-apply ako sa restaurant na tina-trabahuan ni Menchie. Dahil matagal na si Menchie sa restaurant na iyon. Pinakiusapan ko siyang ipasok niya ako dun. Mabuti na lang at interview ko na.
"Ano? Pupunta ka ba?" hindi naman halatang tuwang-tuwa siya.
"Pupunta ako diyan mamaya. Salamat, Mench ha. Salamat talaga." laki ng pasalamat ko kay Menchie. Kailangan ko talaga ngayon ng trabaho dahil kailangan ko ng pera, para kahit papaano ay makatulong pa rin ako kina Mama at sa mga kapatid ko.
"Sige, hihintayin kita. Ibababa ko na ang cellphone, marami kasi kaming customer ngayon, kaya sandali lang akong makakagamit ng phone." paalam niya. Hindi ko na rin ito kinulit pa.
Bumaba na kaagad ako sa kama para magluto ng umagahan. Paglabas ko ng silid. Sarado ang pintuan ng kwarto ni Gariet. Hinayaan ko na lang iyon.
Malapit na ako sa kitchen ng marinig ko ang hagikhik ng isang babae.
Bigla akong natigilan sa paglalakad. Itutuloy ko pa ba ang paghakbang ko patungo sa kusina o babalik na lang ako sa kwarto para hindi ko sila makita.
Mas pinili kong humakbang papasok sa kusina. Ganun na lang ang paglukot ng aking dibdib dahil nakita kong masayang nagtatawanan ang dalawa habang sinusubuan ng babae si Gariet.
Napapikit ako.
Naikuyom ang aking kamao.
Hindi ko na kaya pa magtimpi.
Ang buong akala ko kasi, pagkatapos nilang mag-s*x ay uuwi na ang babae na parang walang nangyari, katulad ng mga babaeng dinadala ni Gariet din dito.
Pero hanggang ngayon narito pa rin ito sa condo at parang walang ibang tao kung maghaharutan ang dalawa.
Hindi mo man lang naisip ang nararamdaman ko, Gariet. Ang sama mo.
Naipikit ko ang aking mga mata. Habang nakakuyom ang aking mga kamao.
Napalingon sila sa akin dahil sa pagtikhim ko.
Tumaas ang kilay ng babae. "Who is she, babe?" pinasadahan naman ako nito ng tingin mula ulo hanggang sa aking paa.
Nakasuot pa ako ng pantulog, samantalang ang babaeng ito halos makita na ang kaluluwa dahil sa suot nitong lengerie. Halata ang suot nitong panty at wala nga yata itong suot na bra.
Akala ba niya sila lang ang tao dito? Hindi niya alam na asawa ko ang kalandian niya.
Nanatili silang nakatingin sa akin. Ganun din si Gariet. Hindi siguro siya makapaniwalang nasa harapan nila ako ngayon.
Pinipigilan ko lang ang pagtakas ng luha ko sa aking mga mata. Pero kanina ko pa gustong umiyak dahil sa mga nakikita ko ngayon. Kung nakita ko silang sarap na sarap sa ginagawa nila kagabi. Doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Dahil masaya silang dalawa habang sinusubuan ng babae si Gariet.
Hindi ko na lang alam kung dahil lang ba sa pagkawala ng dinadala ko kaya naging ganito si Gariet. O talagang totoo ang mga hinala ko sa kaniya noon, na meron siyang babae.
"Sino siya babe?" muli ay tanong ng babaeng malandi.
Pinasadahan ako ng tingin ni Gariet. Ilang minuto bago ito nagsalita. I expected him to call me his wife, but I was wrong. "She's nothing. She's just my ex-wife." I was stunned by his answer.
Hindi ko na napigilan pa at kumawala ang aking luha. Sa harapan nila napaiyak ako. Pinunasan ko ang luhang tumakas sa aking mga mata.
"G-Gariet..." mahinang sambit ko.
"Go back to your room, Divina." he commanded. I didn't even see remorse in his eyes for what he said.
Asawa pa rin naman niya ako dahil hindi ko pa napipirmahan ang divorce na gusto niya.
"Oh! Really? Ex-wife . . . I didn't think you had a bad taste back then. . . dahil pinatulan mo ang katulad niya. Manang look." panlalait ng babaeng ito sa akin. Ang mga mata niyang mapanlait na tumingin sa akin.
Hinayaan lang ni Gariet na laitin ako ng babae niya.
Tumalikod ako. Pinunasan kong muli ang aking pisngi. Wala akong nagawa dahil ito ang kasunduan namin ni Gariet. Ang hindi ko siya pakialaman.
Naupo ako sa sofa sa sala. Doon ko ibinuhos ang sakit na naramdaman ko. Naririnig ko pa rin ang tawa ng babae ni Gariet.
Sumisikip ang dibdib ko. Parang hindi makahinga.
Itinaas ko ang aking paningin ng marinig kong may yapak na papalapit sa akin.
Si Gariet iyon. Kaagad akong tumayo at lumapit sa kaniya.
"G-Gariet..." tawag ko sa kaniya.
"What?" tiningnan niya ako ng masama.
"Ganito ka na ba talaga? Harap-harapan mo akong sinasaktan! Wala ka ng pakialam sa nararamdaman ko?" tanong ko sa kaniya habang patuloy ang pag-agos ng aking luha.
Sinamaan lang niya ako ng tingin.
"Bakit? Hindi mo na ba kaya? If you can't, you can leave, Divina. Just leave my life." he told me without emotion. Mas lalo akong napaiyak dahil sa sinabi niya. "W-wala na ba talaga? Wala ka na ba talagang nararamdaman para sa 'kin?" Patuloy ang pagtulo ng luha ko.
"Wala na ba talaga kahit konting pagmamahal diyan sa puso mo? Wala na ba talaga ako diyan sa puso mo?" halos magmakaawa na naman ako sa kaniya.
Nakatitig lang siya sa akin na parang wala lang sa kaniya ang pag-iyak ko.
"I've told you for a long time, I don't love you anymore. Don't force yourself on me anymore, Divina. Kung hindi mo na kaya, umalis ka na. Huwag mo akong pakialaman sa mga ginagawa ko. Dahil ikaw na lang naman ang kumakapit sa atin. Ako...matagal ng bumitaw. Ikaw na lang ang hinihintay kong bumitaw. Sign the divorce paper I'm asking for." I close my eyes to what he said. I shook my head at the same time.
"H-hindi...hindi ko pipirmahan ang divorce paper na hinihingi mo. Hayaan mo 'kong dalhin ko a pa rin ang last name mo, Gariet. Huwag mo ipilit sa akin na pirmahan ko ang divorce paper, dahil hindi ko kaya ang pinapagawa mo." Mariin akong napapikit. Habang sinasabi ko ang katagang iyon.
Ang sakit. Ako na lang ang kumakapit. Pero hindi ko pa rin kayang bumitaw. Napakahina ko pagdating sa ganito. Hindi ko kayang mawala sa akin si Gariet, mahal na mahal ko siya.
*********
"Bakit naman ganiyan ang mga mata mo, beshie. I-interviehin ka ng anak ng boss ko. Pagkatapos ganyan ang hitsura mo. Mahalin mo naman ang sarili mo. Maawa ka naman diyan sa sarili mo, kasi ako awang-awa na sa 'yo." nakatulala ako sa table habang kaharap si Menchie.
Nasa restaurant na ako. Pagkatapos ng tagpo namin kanina ni Gariet. Nakaya ko pa rin na pumunta dito para sa interview ko.
Heto nga lang at mugto ang aking mga mata.
Nakatulala pa rin ako. Hindi ko kasi alam kung saan pa ako kakapit? Saan ako kakapit ngayong pinagtatabuyan na ako ng lalaking mahal ko at nakasama ko ng matagal.
Ang hirap tapusin ang lahat ng pinagsamahan namin.
"Beshie, nasa katinuan ka ba?" winagayway naman ni Menchie ang palad niya sa aking harapan. Napakurap ako at naibalik sa aking sarili.
"O-oo, I-interview ko na ba?" pinilit kong maging maayos ang lahat. Pinilit kong mawala ang sakit na nararamdaman ko. Pinilit kong alisin sa isipan ko ang nakita ko kanina.
Napasapo na lang sa sariling noo si Menchie.
"Oo, ikaw na. Lumakad ka na, pumasok ka na sa office ni Mr. Ferrer." pinagtulakan naman niya ako.
Inayos ko ang sarili. Kahit wala ng aayusin dahil halata ang pag-iyak ko dahil sa mugto ng mata ko.
Pumasok ako sa loob. Napansin ko kaagad ang isang nakatalikod na lalaki.
Hindi pa rin ito humaharap sa akin.
"H-hello po, good afternoon sir. Ako po pala si Divina ang kaibigan ni Menchie na pinasok niya dito." panimula ko. Kahit hindi ko pa nakikita ang kaniyang mukha. Nakakasiguro akong matanda na ito.
Dahan-dahan nito pinaikot ang kaniyang upuan paharap sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko akalaing bata pa ito at kasing edad ko lang yata. Hindi ko rin maitatanggi na napakaguwapo nito.
Pinasadahan niya ako ng tingin. Parang sinusuri ang buo kong katawan.
"I can't believe Dad accepted you." Panliliit nito sa akin. Sumingkit ang mata ko dahil sa sinabi niya. Parang napakaliit kong tao para sa kaniya.
"Your name?" tanong niyang muli.
Sinabi ko na sa kaniya ang pangalan ko ng pumasok ako. Hindi niya ba narinig?
"D-Divina po," pakilala ko.
Pinasadahan na naman niya ng tingin ang buong katawan ko. Mukhang manyak yata ito.
"Are you sure you're applying as a waitress. For me... you won't pass as a waitress." still pointing his finger at his chin.
Ano daw?
Ano ba ang gusto nilang tanggapin? Ano ba ito? Pagandahan at pasexihan ba ang labanan bago makapasa bilang waitress?
"Hindi naman po siguro beauty pageant itong papasukan ko---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sa pagkunot ng noo nito.
"What did you say?" ay suplado.
Napakamot ako sa aking ulo. "W-wala po, itatanong ko po sana kung tanggap na ba ako or hindi pa," tanong ko na lang.
He kept staring at me as if something was wrong with my face.
"I'll check it tomorrow. Right now, hindi mo pa makukuha ang result kung tanggap ka na. I'll still think about whether to accept you. From what I can see, it's not in your nature to be a waitress. Because I think ... the waitress, must be sexy, beautiful , maayos at hindi katulad mong parang pinagsakluban ng lupa ang mukha. Mugto ang mga mata and hair is messy." his comment to me. I was suddenly embarrassed when he described myself.
Hanggang sa paglabas ko ng office na iyon ay dala ko pa rin ang mga sinabi niya. Kakainis. Hindi naman sinabi ni Menchie na sobrang yabang pala at masyadong mataas ang standards ng kanilang boss.
Kaya ba ayaw na sa akin ni Gariet dahil ganun na ang hitsura ko?
Tumuloy ako sa banyo at doon pinagmasdan ang aking sarili.
Tama nga ang boss ni Menchie. Umalis lang pala ako ng bahay na kaunting suklay, wala nga akong pulbos at lipstick. Namamaga pa ang mga mata ko at namumutla ang aking labi.
Sobrang pangit ko na, at ngayon ko lang ito napansin. Napapabayaan ko na pala ang aking sarili.
"Oh! Ano? Anong sabi ng anak ng boss namin?" tanong kaagad sa akin ni Menchie nang makalabas ako sa restroom.
"Tanggap ka na ba? Magsisimula ka na ba?" sunod-sunod na tanong niya habang nakasunod sa akin.
Umiling-iling ako. "Hindi...hindi raw ako maganda kaya pag-iisipan niya, hindi mo sinabi sa akin na masyado pa lang mapanlait 'yang boss niyo," malungkot kong wika sa kaniya.
Natulala si Menchie dahil sa sinabi ko. Tinitigan ako habang laglag ang balikat nito.
"Hindi ko kasi alam na siya ang papasok ngayon at hindi yung daddy niya. Pero sobrang gwapo ng boss namin noh?" parang kinikilig pa na sabi ni Menchie. "Totoo naman kasi...bakit kasi hindi ka man lang nag-ayos? Alam mo naman na interview mo. Sana man lang nag-lipstick ka at naglagay ng kaunting pulbo. Para naman kahit papaano may maakit pa diyan sa kagandahan mo. " reklamo ni Menchie.
"Hindi ko na kasi naisip pa. Si Gariet kasi..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang pinutol na kaagad iyon ni Menchie.
"Gariet? Gariet na naman...Gariet, Gariet...Gariet na lang ng Gariet...hay naku! Kailan ka pa ba matatauhan diyan sa asawa mo? Napapabayaan mo na sarili mo dahil diyan sa lalaking 'yan! Naiinis na ako sa 'yo. Ipakita mo naman sa lalaking 'yan na hindi siya kawalan! Marami pang lalaki na mamahalin ka ng buo at hindi ka sasaktan ng ganyan. Bakit ka pa mag-stay sa relasyon niyo kung hindi na healthy?"
Napabuntong hininga na lamang ako.
Nagpaalam na rin ako kay Menchie. Sigurado akong hindi ako tatanggapin ng boss ni Menchie na masungit. Beauty pageant kasi ang hinahanap nila. Kaya hindi ako makakapasa.
As usual, umuwi ako sa condo na walang tao.
Tumuloy na kaagad ako sa kwarto. Pabagsak na humiga sa kama.
Ilang minuto lang ay nakaidlip na rin ako dahil sa pagod.
To be continued...