Hindi ko alam kung anong taon ngayon na lumipas na naman basta nagising na lang ako ngayong araw na ito na parang manhid na naman ako mula sa pag-iyak ko dahil sa nakaraan. Shit. Matagal na akong wala sa Pilipinas pero hanggang New Jersey ay kailangan ako habulin ng pangalan niya? Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko. Dito ako sa bahay ni Ate nakatira at siya lang ang nakakaalam. Ang mga Magulang ko ang tanging alam nila ay naglalakbay ako sa bawat bansa para makilala. Huminga ako ng malalim at inayos ko ang magulo kong buhok at lumakad papunta sa kusina. Katulad ng mga araw sa loob ng anim na taon na pamamalagi ko dito sa New Jersey ay babalik na ako sa Pilipinas. Hindi ko na nga pinangarap na bumalik pa sa Pilipinas kung hindi lang nagkaroon ng problema. Nasa ospital ang Mommy ko at a