“Bakit mo nga pala naisipan na maging artista?” Napalingon sa akin si Lucifer nang tinanong ko siya. Nakasakay na kami sa Bangka na maghahatid sa amin sa Anawangin at ngayon ko lang siya naisipan na kausapin. Kanina kasi sa biyahe ay hindi ko siya kinakausap, natulog at kumain at natulog lang ako. Buhay-baboy lang ang galawan. Ngumiti muna sa akin si Lucifer tsaka niya hinawakan ang kamay ko at hinalikan iyon, hinampas ko siya sa braso pero parang wala lang sa kanya. “Nasa dugo na iyon, Ba. Si Mommy kasi ay Theater Actress at kasama ako lagi ni Mommy noon sa mga rehearsals niya kaya nadiscover din ako—“ “Kahit sa pagkanta?” “Yup” he nodded his head. Magaling naman talaga siya kumanta at kahit alam ko iyon ay hindi ko sasabihin sa kanya kasi lalaki lang ulo niya kapag sinabi ko na magal