"Nakamove on na ako kaya sana ikaw din. Gusto kong makakilala ka ng lalaki na higit pa sa pagmamahal na binigay ko sa iyo" he smiled and tucked my hair "I was wounded when you left me but Cheska healed the deep wounds you left on me. Hindi madali pero kinaya ko. Bawat araw na gumigising ako, iniisip ko na baka niloloko mo na naman ako kasi yun naman ang madalas na ginagawa mo sa akin..." Hinayaan ko nang pumatak ang mga luha sa mga mata ko habang pinapakinggan ko siya. Hindi bale na makita niyang umiiyak ako kasi yun naman talaga ang nararamdaman ko. "Matapang ka masyado, Sinukuan. Halos lahat nang bagay naaalala ko dahil sa iyo at ngayon nga na malapit na malapit ka sa akin, para bang wala na yung dating bilis ng puso ko kapag katabi kita. Normal na siya, Maria" huminga siya ng malalim