"Matulog ka na, Sinukuan. Baka hindi na pumunta iyon" Nilingon ko lang si Ate. Kanina pa kasi ako nakaabang dito sa terrace at hinihintay na dumating si Dare. Pumayag naman kasi siya na pumunta dito at kausapin ako pero almost 10 na ng gabi pero wala pa din siya. "A...ate, baka naman may nangyari sa kanya. Pwede mo ba siyang tawagan or itext ulit?" kinakabahan kasi ako at hindi ko alam kung bakit. Kanina pa nga ayos lahat ng gamit ko at naibigay ko na ang mga pasalubong ko sa mga Pamangkin ko at kay Ate pero wala pa din siya. "Ann, he's a busy guy. Baka may shoot siya or work pa. I'll just text him na bukas na lang siya pumunta pagdating ni Mommy. Mas better iyon" Tumango na lang ako kay ate pero hindi pa din mawala ang kaba sa dibdib ko kaya pinilit ko pa din siya na tawagan man lang