Tamang tama ang dating namin dahil nagsimula na agad ang graduation mass. Naging tahimik lang din ang lahat. Nang matapos ay hindi na kami umiwi ng bahay ni Drake, at kumain na muna ng meryienda sa labas ng campus. Dalawang oras na paghihintay bago magsimula ang graduation ceremony. Si Nanay pa mismo ang humawak ng toga ko. I know they're starring at me right now constantly. Panay ang titig nilang dalawa sa akin ngayon habang kumakain. Mukhang naghihintay sila sa sasabihin ko sa nangyari kanina. Mariin kong pinunasan ang bibig bago nag angat nang tingin sa kanilang dalawa. Nakangiti ni Nanay, samantalang seryoso naman ang titig ni Papa sa akin. Napalunok na ako at ininom ang tubig ko. "Pa, wala pong nangyari sa amin ni Drake,"panimula ko. Tumikhim na siya at ininom lang din ang so