"Heto ang magandang e-suot mo kumare," si Manang Cecelia kay Nanay ko. "Dios ko, Marimar!" Sabay takip sa bibig niya. "Nay! Hindi ho! Wala -" "Good Morning, Sir Drake," bigay galang ni Manang Cecelia. Mas huminto na ang mundo ko nang lumingon ako at kitang kita ko si Drake sa likod ko. He was even half-naked and he was only wearing his shorts. Pesti ang perfect ng eksenang 'to! Dios ko! Pwede magunaw na ang mundo! . "Good Mornings!" si Carmela. Kalalabas lang din niya sa kwarto niya. "Oh my goodness!" Takip sa bibig niya. Parang gusto ko ng maiyak at hindi ko na maintindihan ito. Kaya agad na tumakbo na ako pababa ng hagdanan at patungo sa kwarto nila Nanay at Papa. Nakasalubong ko ba si Papa sa kusina. . "O, anak. Handa ka na ba?" Hindi ko na pinansin si Papa at pumasok na