"Betty? What are you up to? Kilala kita! Hindi mo siya mahal, Betty." -Jason- . Tumayo na silang lahat na parang takot sa akin at umatras nadin. Nilagay ko ito sa mesa at napatingin pa ako sa kanilang lima. Nakatayo sila sa gilid at nakalinya pa. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano? Nakakatawa kasi ang hitsura nilang lahat. Para silang aso at ako ang amo. Ano ba 'to! "Kumain na kayo," ngiti ko. "Yes, Madam!" Si Diego. Siya pa mismo ang naunang kumuha ng pagkain, at siya na rin ang nagbigay sa bawat isa sa kanila. Tahimik pa sila at wala 'atang gustong magsalita, kaya ako na ang nauna. "Kumusta kayo kagabi?" Nahinto silang lahat sa pagsubo at panay ang titig sa akin. Isa-isa ko silang tinitigan at halatang umiiwas sila ng titig sa akin ngayon. Hanggang napako ang paningin ko