"Love is like a butterfly. The more you chase it, the more it will elude you. But if you just let it fly, it will come to you." -anonymous- . Nakauwi ako sa bahay na hatid ni Jason. First time rin niyang nakita ang bahay ni Drake. Gusto niya kasing malaman kong saan kami nakitira ngayon. Sa labas ng gate lang siya at hindi na pumasok. Kumaway na rin ako nang makaalis siya. Nabigla pa tuloy ako ngayon, dahil ang madilim na anyo ni Drake na sumalubong sa akin. Seryoso ang titig niya at halata na hindi ito masaya. "Ayaw mong magpahatid kay Diego, pero nagpapahatid ka kay Jason?" malamig na tugon niya. "Ba't 'di mo pinapasok? Next time tell him to get inside. I would love to know him personally," inis na tugon niya at tumalikod na ito. Nakakunot noo naman akong pinagmasdan siya. Ano