Chapter 3 (PART 2)

4750 Words
Dumaan muna ako sa bahay kaninang paguwi namin mula sa bar para makapagpalit ng damit, linisin ang sugat ko at saka para icheck na rin ang mga natutulog kong kapatid. Binigyan ko ng anim na libo si Ella para pambili ng mga makakain nila katulad ng delata, bigas at iba pang pangangailangan sa bahay pati narin ang pambayad nila sa thesis nila. Natitira nalang saakin ay 50k, dahil ang isang libo pinambili ko ng makakain, tissue, alcohol, wipes at iba pang pangangailangan namin dito sa hospital d'yan sa bukas na 24 hrs covinience store na malapit lang dito. Bali mag a-advance na ako ng bayad sa kung hanggang kailan kami mag stay dito pati na rin bibili ng mga gamot ni Tatay. "Hello po 'dito po ba nagbabayad ng bill sa hospital?" tanong ko sa cashier nang makarating ako sa kung saan nagbabayad ng mga bills. "Yes ma'am. Ano pong pangalan ng patient?" magalang na sambit niya saakin. "Dionisio Ordencial po." May tinype siya na kung ano sa computer bago nagsalita. "Kaka admit lang po niya kanina and hindi pa siya discharges. Mag advance pay po kayo for bill and chemotherapy?" biglang bumilis ang t***k ang puso ko dahil sa nariniig kong salitang 'chemotherapy' dahil matic na kapag narinig mo ang salitang 'yun kadukto na ang salitang 'Cancer' "Chemo? 'Di ba sa cancer lang 'yun? Bakit kailangan ni Tatay ng gano'n?" nagtataka kong tanong dahil ang alam ko may sakit si Tatay sa baga, nakalimutan kolang kung ano 'yun. Kasi last ngang pinacheck namin siya noong mga nasa Senior high school palang ako. "Yes po for the cancer patience. Hindi n'yo po ba nakausap ang doctor? Ayon po kasi sa record dito may lung cancer si Sir.." bumagsag ang balikat ko at parang biglang tumigil ang mundo ko sa nalaman ko. "Nasaan 'yung doctor? Sino?" napapaos kong sambit dahil nanghihina ako sa nalaman ko. Matapang at malakas akong babae dahil ang pamilya ko ang lakas ko pero kapag may isang nasaskatan sakanila ay nanghihina na ako. "Doctora Lozano po. Sa second floor office tanong tanong nalang kayo pero kung wala po siya doon baka nag r-rounds." napakagat nalang ako sa labi ko dahil pinipigilan kong umiyak. Naglakad pa ako papunta ng elavator habang bitbit pa rin ang mga dala kong binili sa covenience store. "Nasaan po banda ang office ni doctora Lozano?" tanong ko sa isang nurse na nakasalubong ko nang makalabas na ako sa elavator. "Doon po banda Ma'am." tinuro niya ang isang pintuan na hindi kalayuan saamin. "Salamat.." saad ko saka mabilis na naglakad papunta sa pintuan na tinuro ng nurse at nang makadating na ako ay kumatok na agad ako."Come in.." unti unti kong binuksan ang pintuan at tumamnad saakin si Doctora na nakaupo sa table niya. "What can I do for you Ma'am?" nakangiting usal niya saakin kaya huminga ako ng malalim para hindi magtuluan ang luha sa mga mata ko. "Ako po 'yung anak ni Dionisio Ordencial, 'yung sa pasyente po sa Adult ward po. Gusto ko lang po sana itanong kung anong nangyari sakaniya." nanginginig kong usal kaya nginitian niya ako ng matamis. "Hindi ba nasabi ng Mother mo?" tanong niya pero umiling iling lang ako sakaniya. "H-hindi pa po, gusto ko po sainyo manggaling."nahihirapan kong saad sakaniya kaya natango tango na lang 'to. "You can sit.." sambit niya kaya tumango lang at mabilis na upo sa upuan na harap ng table niya. "May cancer po ang tatay ko?" diretso kong tanong kaya mapait lang itong ngumiti saakin. "Yes, He's suffering with stage 3 lung cancer." hindi ko na naoigilan ang luha na pinipigilan ko dahil kumprmadong may cancer nga si Tatay. " 3 na po? Malala na 'yun hindi ba? Mapapagaling ba siya?" kinakabahan kong sambit dahil kahit wala akong alam sa medical term ay alam kong nakakamatay ang sakit na cancer. "Lung cancer has spontaneously regressed." napatulala ako dahil sa hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. "Ano po?" ulit ko. "Even if a lung cancer is not curable, it is almost always treatable. There are 2 main types of lung cancer and they are treated very differently. Non-small cell lung cancer or NSCLC and Small cell lung cancer or SCLC. Sa kondisyon ng tatay mo meronsiya SCLC. This type of lung cancer tends to grow and spread faster than NSCLC. People with SCLC will have cancer that has already spread at the time they are diagnosed. Since this cancer grows quickly, it tends to respond well to chemotherapy and radiation theraphy." napakamot ako sa pisnge ko dahil wala naman akong nagegets sa sinasabi ni Doctora, bali chemotheraphy lang ang naintindihan ko. "Hindi po ba mahal ang pag c-chemo?" sa mga napapanood ko sa TV at nababasa kong pocket book, talagang mahal ang chemotheraphy. "To be honest, Yes. Monthly costs of chemo-radiotherapy in the first 6 months of care ranged from from 100k, to 500k ." nanghina na ako sa mga narinig ko dahil iniisip ko kung saan ako makakahanap ng gano'ng kalaking pera? Swertihan lang na kumita ako ng higit sa 50k ngayon pero hindi naman lagi kikita ako ng gano'n kalaki. "Ang mahal.."malungkot kong sambit. "Mahal talaga hija, iba pa d'yan ang mga gamot na iniinom niya." marami pa kaming napaagusapan ni doctora tungkol sa sitwasyon ni Tatay, sabi niya kakausapin niya ang nga nasa itaas na gawing installment nalang ang bayad sa chemo para hindi ako mahirapan na iprovide agad ang 100k. Sinabi niya rin na lumala ang sakit ni Tatay kasi napabayaan at walang proper medication kaya humantong sa gan'tong sitwasyon si Tatay. Sinabi rin ni Doc na posibleng itinago ni Tatay ang malalang mga sintomas ng cancer sa baga katulad ng paguubo ng dugo kaya hindi rin namin napansin. At nang matapos na kaming magusap ay dumaretso ako sa bayaran ng bill para maka advance na. Ika ika pa rin akong naglakad dahil sa paltos ng paa ko habang tulala papunta ng ward kung nasaan si Tatay. Kasalanan din namin 'to napabayaan namin si Tatay, ni hindi namin siya pinapatingin sa hospital ng ilang buong taon kaya siguro humantong kami sa gan'tong sitwasyon. "Mabuti at nakarating ka na senarya, at gutom na gutom na ako. Ano 'yang dala mo? Aba kumita ka?" salubong ni Nanay nang makadating na ako sa ward. "Nay, may cancer si Tatay.." nanginginig kong usal kaya inirapan niya lang ako at pinaghalykipkipan. "Oo. Kailangan natin ng malaking pera para chemotheraphy niya kaya dapat talaga buksan mo na 'yang isip mo, h'wag mo ng ipairal ang kaartehan mo. Maghanap ka ng foreigner na peperahan mo o kaya mag trabaho ka nalang sa bar kung ayaw mong mamatay 'yang ama mo.." mas lumungkot ang pakuramdam ko dahil determinado talaga siya na dapat shotain ko ang foreigner para makaahon kami sa hirap. "Nay, kailangan natin magtulungan. Hindi pwedeng ako lang ang mag t-trabaho ngayon. Kung dati hinahayaan ko nalang na h'wag kayong magtrabaho at iasa saakin pero ngayon iba na Nay, sabi ng doctor aabot mahigit 500k ang gagastusin sa mga chemo ni Tatay. Hindi ko naman ka'ya maghanap ng gano'n pera Nay.." malungkot kong saad kaya hinila niya ako palabas ng ward. "Kaya mo, kung gagamitin mo 'yang utak mo. Maging praktikal ka kasi, gamitin mo 'yang itsura mo. Humanap ka ng boyfriend na mayaman, ma foreigner pa 'yan o pinoy basta 'yung kaya lang bigyan ka ng pera.." inis nasabi niya saka dinuro duro ang sintido ko. "Alam mo naman pong hindi gano'n kadali 'yun Nay. Hindi naman lagi su-swertihin." kunit noong saad ko dahil hinding hindi ko isusuko ang p********e ko para sa pera. Nagulat ako ng itulok aki ni Nanay kaya npaupo ako sa sahig pero agad akong tumayo dahil pinagtitingin kami ng mga dumadaan na tao. "Wala kang utang na loob, pinaaral at binuhay ka ng tatay mo tapos ngayon na ngangailangan siya wala kang gagawin?" madiin at mahinang saad niya saaakin kaya bumuhos ang luha ko. "Nay, hindi naman sa gano'n, maghahanap ako ng ibang trabaho pero h'wag lang pagiging gano'n. Alam mong ayaw ni Tatay 'yun saka ang punto ko po ay sana mag trabaho na rin kayo kasi nagaaral ang kapatid ko at ngayon eto nangyari kay Tatay." madalas ay pinagaawayan nila 'yan ni Tatay dahil masyadong akong pinupush ni Nanay na maging bayarang babae. "H'wag mo 'kong turuan sa kung ano ang dapat gawin Paint. Anak lang kita. Alam ko nag ginagawa ko, Nasaan ang pera?!" Napalinga linga pa ako sa paligid saka lumapit sakaniya. "Nay, limang libo nalang ang hawak ko, nag bayad na ako 45k sa hospital dahil magtatagal pa raw tayo dito saka ginawa napakiusapan ko na installment muna habang 'di pa nasisimulan machemo si Tatay.." "Saan mo galing ang pera mo?" nakataas kilay na usal niya saakin. "Kasama ko si Mamsh Jorgie, hindi na po pagiging prosti ang offer niya saakin. Iba na po, pumupunta kami ng bar na mayaman para doon magnakaw.." lumaki ang ngiti niya saakin napara bang sobrang interesado sa kwento ko . "Aba kung nandoon na rin pala kayo maghanap ka ng pwede mong shotain para makaahon na tayo sa hirap." "Hindi ko po kailangan maghanap ng gano'n. Kaya kong kumita ngayon ng malaking halaga." panggigiit ko saka malungkot na tumingin sakaniya. "Nasa teritoryo ka ng mamayaman, hindi ka ba sasabit d'yan? Mahirap kalaban ang mamayaman, tandaan mo baka makulong ka alam mo namang ikaw ang inaasahan namin pero bahala ka sa buhay mo siguraduhin mo lang na may ibibigay kang pera saamin. Bigyan mo 'ko ng isang libo at uuwi ako para maligo.." napatulala ako sakaniya dahil may hinala akong ipang susugal at pagiinom niya ang pera lalo pa't problemado kami ngayon. "Ano? Ayaw mo 'ko bigyan?" tinampal niya ang kamay ko kaya ngumiti ako ng mapait. 'Hindi po sa gano'n pero sana h'wag n'yong ipagsugal at ipang inom." "Anong akala mo saakin tanga? Masyado kang mayabang kung ayaw mong ibigay 'di wag." galit na saad niya kaya wala na akong nagawa kung hindi ilabas ang isang libo mula sa bulsa ko. "Hindi po eto na po.." inabot ko sakaniya at marahan niyang inagaw sa kamay ko. "Babalik ako bukas, siguraduhin mong maayos ang kalagayan ng ama mo.." saad niya. "Ingat po kayo." hindi na ako pinansin ni Nanay at tinalikuran niya nalang ako saka naglakad palayo saakin kaya huminga ako ng malalim saka bumalik sa loob ng ward at naupo nalang sa upuan sa gilid ng kama ni Tatay. "Tay, magpagaling po kayo ha. Mahal na mahal ka namin.." saad ko at pilit kong nilabanan ang luha ko na nagbabadya. Tumungo nalang ako sa gilid ni Tatay hanggang sa 'di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. NAGISING na lang ako nang marinig ko ang boses ng kaibigan kong si Roi na nakikipagusap kay Tatay. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kong ako ang nakahiga sa kamahabang si Tatay ay nakaupo sa tabi ko na nakikipag laro mg baraha kay Roi. "Tongits." masiglang usal ni Tatay kaya mabilis akong nagsalita. "Ano bang ginagawa n'yo? Tay humiga ka nga. Ikaw Roi p-yeta ka, talaga nakikipag sugal ka pa rito sa hospital ha." saad ko sakaniya saka nilibot ang paningin ko sa kabilang mga kama pero hindi naman sila nakatingin at may kaniya kaniyang ginagawa. "Anak." bawal ni Tatay dahil nagmura ako na ayaw ayaw niyang naririnig saakin dahil pinalaki niya talaga kami na dapat h'wag magmura. "Chill dudes, hilamos ka muna. Dinalhan kitang toothbrush oh. Awit ang sweet kong bestfriend no?" saad niya saka mabilis na inilabas ang tooth brush ko sa bag niya kaya sinamaan ko lang siya ng tingin. "Tay, bakit ka nakikipag laro d'yan dapat nagpapahinga ka tapos eto pa ako pa pinahiga n'yo sa kama." stress kong saad saka akmang baba ako ng kama pero pinigilan at nginitian lang ako ni Tatay. "Ok lang ako anak, malakas pa nga ako rito kay Roi natatalo ko pa nga sa tongits eh. Anong nangyari d'yan sa tuhod mo at paa bakit andaming paltos?" saad niya habang nakatingin sa tuhod kong may band aid pati na rin ang mga paa ko. Hindi pwede malaman ni Tatay kung saan ako galing at kung anong ginawa ko dahil ayaw nga kasing gumagawa ako ng masama. "Nadapa ako tapos 'yung sinuot kong sapatos kagabi nung rumaket ako bilang janitress dito sa hospital." binigyan ako ng malungkot na tingin ni Tatay at Roi kaya agad kong iniba ang topic dahil ayoko ng magiyakan na naman. "Anong oras kang pumunta dito?" tanong ko kay Roi Gin. "Kanina pang 5 am. Bali balita kasing nasugod sa hospital 'tong si Tatay kaya pumunta ako sainyo nakibalita tapos nagdiretso na ako dito kasi may offer ako raket, nirecruit kasi ako ng kaklase ko dati magkakaroon ng party yata para sa mga hayop kailangan ng waiter at mascot bukad. Ano G ka? Ako mascot tapos sayo waiter." tumango naman ako kaagad kasi sino ba naman ako para tumanggi pa sa trabaho dahil hanggang ngayon nga hindi pa rin tumatawag ang pinag apply-an ko. "Oo naman.." sambit ko saka tumulala dahil madalas gan'to naman ang ginagawako kapag bagong gising ako. "Oo, 2 dalawang libo raw bayad, isang araw lang. Pandagdag natin sa pambayad ng hospital. 4k na rin 'yung atin." sambit ni Roi dahilan para sumabat na si Tatay para sa usapan. "Umuwi nalang tayo, ayoko rito sa hospital anak. Malakas naman na ako anak saka wala tayong pambayad at ikaw Roi hindi mo kailangan ibigay ang sweldo mo saamin.." maotoridad na saad ni Tatay kaya nagkatinginan lang kami ni Roi. "Tay, hindi pwede. Gagawin ko ang lahat para lang gumaling ka. Pangako n'yo saakin na lalaban ka kasi ikaw at ang pamilya lang natin ang lakas ko kaya lumalaban ako sa masalimuot na mundo na 'to." °°° NAKASAKAY kami sa Jeep ngayon kasama si Roi para pumunta kami sa kung saan kami raket namin. National Pet's day daw kasi ngayon kaya parang magkakaroon ng party sa iang park. Waitress ako samantalang mascot siya. Gusto nga sana ni Gracielle na sumama ang kaso wala ng slot para sa waitress at kahit tagalinis lang kaya sinamahan niya nalang amg kapatid ko sa bahay para bantayan ang mga ito dahil iniwan namin sa hospital si Ella at Nanay. Umalis ako sa hospital ng hindi sinasabi kay Tatay kung ano ang sakit niya. Ni hindi ko kayang mismong sa bibig ko manggagaling na may cancer ito, kaya hinayaan ko nalang sina Ella at Nanay na magpaliwanag sakaniya. "Talaga bang may Cancer si Tatay?" tanong ni Roi na kanina pa niya tinatanong kahit pa ilang beses ko ng nasabi sakaniya pero sadyang hindi lang pumapasok sa kokote niya. "Oo nga kulit, boomerang ka ghorl?" iritado kong saad dahil mahigit 100 beses niya na tinanong saakin 'yan. Kairita na. "Boomerong dapat! Lalaki ako eh!" binigyan ko siya ng blankong tingin dahil ang korni niya sa part na 'yun. "Ang ingay mo no, kalalaki mong tao ang daldal mo. Mas madaldal ka pa saamin ni Gracielle, bakla talaga." kalog siyang lalaki at talagang sobrang daldal niya kaya nakakairita siya. "Gusto mo patunayan ko? Aba porket wala akong s*x life at walang first kiss h'wag mo 'kong binabakla bakla d'yan. Kaya ko nga kita buntisin at lahat ng babae dito.." saad niya saka nilingon ang tatlong babae na kasama namin dito sa jeep. Kahit g-go 'tong si Roi ay hindi naman f-ck boy. Hindi niya ginagamit ang kagwapuhan niya ara mambiktima ng mga babae, sa totoo lang NGSB din siya. "Kabastusan mo! Ang ingay ingay mo Roi Gin, Ang kapal talaga ng mukha mo no? Ikaw talaga definition ng 'Walang hiya'. " saad ko saka kinurot ang tagiliran niya dahil napatingin na ang iilang pasahero aamin. Seven kasi kaming mga nandito sa jeep pero magkalalayo, nasa dulo kaming banda ni Roi kaya hindi masyado naririnig pinaguusapan namin. "Thank you for the compliment Miss. You know what? For me, you're the real definition of beautiful." napabusangot nalang ako at ipinaikot ang mga mata ko dahil nagsisimula na siyang mangasar. "Ano, laban. Banat ka na Englishan tayo oh." mayabang na saad niya. Bihasa siyang mag english. Ang strand niya noong SHS kami HumSS dahil pangarap niya maging isang abogado pero ngayon bagsak siya sa trabahong sumusuway sa batas. Ewan ko ba sakaniya, bakit hindi siya nag call center. Matalino at talagang Englishero siya, simula Grade 1 palang kami lagi siyang honor student samantalang ako middle student, hindi masyado matalino at hindi masyado bobo. Sakto lang. "Ang yabang mo porket honor student. Pagalingan nalang drawing oh." pambabawi ko dahil doon ako magaling kasi naman hirap talaga mag salita ng English, nahihiya at wala akong confidence. "What? I can't understand you. I'm spokening dollars, Miss." mayabang na saad niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Ulol!" nginisian niya ako saka inilagay ang kamay niya sa baba niya. " Base on paranormal abnormal critical illegal authentic synthetic genetic magnetic research institution constraction with combination of transaction transformation mix in solar skill I realized that i don't really understand you.." andami niyang sinabi na walang namang connect na nakakasakit lang ng ulo kaya hinampas ko ang bibig niya ng mahina. "Shut up." tumawa siya ng malakas kaya nag sitinginan ang mga pasahero sakaniya."Ay shet englisherist na ang Pintura namin. 'Shut up' daw. You goodneng mah friend. Do you want paking dollars?" "Hell yeah!" mabilis na sambit ko saka ngumisi lang sakaniya dahil nag english na naman ako sakaniya. "I want that too. Do you have some?" inilahad niya lang ang kamay niya saakin pero hinampas kolang 'to. "Para!" saad niya saka kumatok sa itaas ng jeep. "Para sakin ka manong. Ayieee." pang babanat niya dahilan magtawanan ang mga tao sa jeep pati na rin ang driver. Bumaba kami ng Jeep dahil nakarating na kami sa park kung saan gaganapin ang party. "Syet ka. Sabihin mo saaking ngayong hindi ka bakla?"nakangiwi kong wika sakaniya kaya inakbayan niya lang ako. "Eto naman inaasar kolang si Manong driver, selos ka na agad. Oh sige para saakin ka na Paint beybe." hinampas ko ng pagkalakas lakas ang nguso niya sahil sobrang daldal niya na naman. "Aray! P-tangina, first kiss ko kamao mo? Tama ba 'yun? Makatarungan ba 'yun? Pinagsasamantalahan mo ang paglalaki ko bespren!" kunot noong saad niya kaya binigyan ko siya ng nagtatakang tingin. "Ay lalaki ka pala?" pangaasar ko. "Gusto mo talagang first kiss natin isa't isa no?" natigilan naman ako sa sinabi niya dahil naalala kong may first kiss na ako at 'yun ay sa isang hindi ko kilalang lalaki na ninakawan ko pa. "Joke lang, no to incest ako. Parang Ate na kita no kaya 'di kita tataluhin saka isa pa hindi kita type, layo mo sa ideal girl ko Ate Paint." nag baby talk pa 'to, kala niya ata ang cute niya pero ang totoo mukha naman siyang bakla. "Ulol, mas matanda ka ng tatlong buwan saakin g-go.." napatingin ako sa paligid, may stage at mga round table, upuan na nakapalibot sa harp ng stage. "Joke lang labyu as fren Pintura. Tara na sa loob." naglakad kami papasok ng hall ng part doon namin nakita ang mga tao na nag p-prepare. Sinalubong kami ng isang babae na may kaliitan na mukhang kasing edad lang namin "Nadine, Eto 'yung sinasabi kong kaibigan ko. Naalala mo siya si Paint schoolmate natin?" pagpapakilala ni Roi saakin. " Oo naman, Paint 'yung campus crush, siya nga dahilan bakit nag break kami ng jowa ko nun, ganda kasi eh.." napabusangot ako dahil naalala kong maraming galit na babae saakin noong mga panahon na nagaaral pa ako. Wala eh, mga inggitera at insecure kaya gano'n nalang kagalit ang mga gaga. "Pasensya na, Maganda lahi naming mag b-bestfriend, Nadz. Kaakit akit kami hindi ba? Naakit ka nga saakin nun 'diba? Crush mo pa rin ba ako hanggang ngayon?" natawa lang si Nadine sa sinabi ni Roi at ako naman hinampas ito sa braso. "G-go talagang wala kang hiya no? Pasensya na Nandine, mayabang talaga 'tong ex classmate mo na 'to." grabe ang yabang at hangin sa katawan ni Roi sa totoo lang kung hindi lang 'to gwapo at gan'to kayabangan ay tiyak maraming galit sakaniyang babae. "Sanay naman ako eh, may ipagmamayabang naman kasi siya dai, Matalino at gwapo." matamis na saad ni Nadine kaya humagikgik si Roi. "Pero G-go. Hahaha saka hindi na kita crush Roi. May boyfriend ako no.." "Sana all kasi. Lol." natawa nalang kami dahil sa inasal ni Roi "Ano na ba gagawin? Ano oras start?" tanong pa ni Roi. "3 pm pa, kami dito lang sa hall para kunin ang mga foods, ayaw kaso ni Boss na sa labas na agad ang food. Kasi open area ang park mabilis madapuhan ng dumi ang pagkain. Ikaw Roi dahil mascot ka kasama ka sa parada. Sangayon need na muna natin mag prepare.." tumulong na agad kami sa pagp-prepare, sa pagdedesign, paglilinis at iba hanggang sa lumipas ang oras ay mag start na ang parada dahil 2:50 pm na. Nakaduos na ako ng uniporme ng waitress samantalang si Roi ay suot na ang katawan ng mascot pero ang ulo ay hindi pa kasi kausap ko siya. "Ano kaya mo ba? Ang init ng mascot na 'yan tapos mahaba haba pa raw lalakarin n'yo." naagaala kong sad dahil mainit sa loob ang mascot niyang 'Dog' pero ngumisi labg siya saakin. "Well in my opinion without breaking the opinion of others and of course their matter of capability to derive hypothetical analysis of a situation because we have different matter of perspective and individual idea of how we deal things in any ways but I would like to humbly say of the universal catastrophe and in the benevolence of Philippine archipelago within the most bottom of my heart and in cells that I forgot what I was going to say now." kanina niya pa ako kinakausap ng English na walang na namang kwenta dahil hindi naman tama sadyang niloloko niya lang ako. "Kapag 'di kapa tumigil hampas ko sa'yo 'yan!"inis kong sambit habang nakaturo sa hawak niya naulo ng mascot. "Joke lang inaasar lang kita bago ako tuluyan maging aso. Arf arf arf." napangisi ako ng bigla siyang kumagol dahil bagay sakaniya. "Asol ulol no? Bagay mo nga talaga." matamis kong saad kaya bumasangot sya ay hinawakan ang dibdib niya. "You Hurteneng my pakeneng pelengs." sinamaan ko siya ng tingin at piningot ang tenga niya Ewan ko ba, pikon na pikon ako ngayong araw sakaniya. "Awit, ang sungit mo ngayon? May regla ka no?" napatingin naman ako sa paligid dahil may iilam ng napatingin samin dahil sa tinanong niya "T-ngina ka sige isigaw mo hanggang sa kabilang planeta para dalhan ako ng alien ng napkin." sarkastiko kong saad walang preno ang bibig niya. "MAY REGLA KA BA NGAYON ATE PAINT CENRERY?" Inis kong tinulak siya saka tinalikuran. "Umalis ka nga! Papasok na ako!" Nagdaan ang oras at natapos na namin lahat lahat ang preparasyon at waiting nalang kami sa mga bisitang nasa parada. Inabot lang ng 30 minutes ang pagpaparada at hindi rin nagtagal ay natapos na ng tuluyan saka bumalik na sila sa park. Sumilip ako sa entrance ng hall at nakita ko ang mga taong kasa kasama ang mga alaga nila at talaga ang cute nilang tignan na piangungunahan ng mga iba't ibang mascot katulad ng aso, pusa, ibon, at iba pa. Natawa pa ako nang makuta kong sobrang ligalig ng mascot ng aso na si Roi. "Pet Day is one of our favorite days of the year! We know you don't need an excuse, but this day is the perfect opportunity to spoil your pet rotten! National Pet Day is day dedicates to those pets who may not always get the companionship and attention pets deserve. This event was held by the LAFI or the Love Animal Foundation Incorporated. LAFI's mission is to support, protect and promote welfare and the rights of animals; to introduce legislations or amendments in the existing animal-welfare laws of the Philippines.." napatingin ako sa stage ng biglang magsimula ng magsalita ang host kaya nagpalakpakan na ang marami tao na nagsiupo na sa upuan. "Let's welcome the founder of the foundation! Dra. Mikee Anne Gutierrez-Oishi for the short speech."pinanood ko ang singkit at maputing na babae na sumampa sa stage. Ang ganda niya tapos Doctor pa siya. Mapapasana all ka nalang talaga. "Hello Everyone! I'm glad to see you all here. Nakakatuwa at marami tayo ngayon kasama ang mga cute na cute na alaga n'yo. So Thank you sa pakikiisa para sa event naming 'to! Hindi ko rin expect na aabot tayo ng isang libo dito lalo pa't eto ang kauna unahang National Pet's day na ang LAFI ang mag organize dahil bago palang ang Foundation namin, kakatatag lang nito 3 months ago." napatitig nalang ako sa paligid dahil namamangha ako sa sobra tao kasama ang mga alaga nilang hayop. "So, Let me tell you a story guys, I'm a Veterinarian. A doctor for the animal and I have friends, they are nurse and doctor for the human. Are you familar with AKG Charity Foundation? Sila ang pinaka sikat at maraming ng natutulungan sa nag daang panahon. They are helping poor and sick people, talagang nakakataba ng puso at nakaka inspired ang mga ginagawa nilang 'yun lalo na mga kaibigan ko kasama ang asawa ko ang naghahandle nun, napaisip rin tuloy ako, What if gumawa rin ako ng gano'n, What if tumulong din ako pero hindi sa kapwa ko kung hindi sa mga hayop naman.." Andami pang speech ng Founder ng LAFI pero hindi ko na pinakinggan dahil ang haba, sabi kaya ng host short speeach lang pero umabot yata ng 20 minutos ang pagsasalita. "So, I just want to thank to my bestfriend Atarah Klyte Grison which is the wife of the founder of AKG charity foundation, Rare Cedrick Grison." napatingin ako sa unahang upuan dahil nagsitinginan ang mga tao doon dahil itinuro 'yun ng nagsasalita sa stage. Nalaglag ang panga ko dahil parang pamilyar ang mestisang babae na 'yun na tumayo sa ikinaiipuan niya kasama ang isang gwapong lalaki saka kumaway sa mga tao na tuwang tuwa na animo na kakita ng artista. "Paktay ka Pintura." napakagat ako sa aking labi dahil nakumpirma kong siya ang babae sa litrato sa wallet nung lalaking gray ang mata. Atarah Klyte Grison? Wait Atarah? 'Yun ang pangalan na narinig ko a bar napinaguusapan nina Captain. ' Captain shot pa! Para tuluyan ka ng makamove kay Atarah.' So eto ang dahilan bakit siya broken? Kasi may asawa na ang mahal niya kaya naglalasing siya? O baka naman mag asawa sila dati tapos naghiwalay lang kahit pa may mga anak na sila kagaya ng mga nakita namin sa litrato sa wallet niya? Kawawa naman pala siya. "Paint! Tulala ka nalang d'yan? Bigyan mo raw 'tong water and biscuit 'yung mga aso sa table na kung nasaan sila." saad ni Nadine saakin na parang natataranta dahil sobrang na atang ginagawa. "A-ah, Oo." agad kong kinuha ang stroller kung saan na nakalagay ang mga biscuit at water sakaniya saka lumabas ng hall at nagpunta sa bawat table kung saan mayroong mga aso para abutan ng biscuit and water habang sumsusulyap sa table kung nasaan 'yung Atarah at Rare. Pinagpapatuloy kolang ang pagserve ng dog biscuit and water hanggang sa unti unti akong mapalapit sa table nina Atarah siguro mg tatlong table nalang ang pagitan namin. May mga kasama rin silang mukhang mamayaman na lalaki at babae na pare parehong gwapo at maganda. Sana all. Pero hindi ko inaasahan na may lumapit sa table nilang na pamilyar na pigura ng lalaki habang kasama ang dalawang batang babae at isang lalaki. Ang isang babae at 'yung lalaki pamilyar sila saakin dahil sila ang mga batang nakita ko sa litarto pero hindi na gray ang mga mata nila ngayon. Mga anak niya? Pero bakit nandito sila? Ok lang na makita niya ang mahal niyang kasama ang asawa nito? Aw, ang martry naman ng lalaking 'to. Tsk. Sa pagtitig ko ay hindi ko magawang alisin ang mata ko sakaniya. Mula dito ay nakita kong may bandage na nakalagay sa ulo at noo niya, mayroon din akong nakita maliliit na band aid sa katawan at mukha niya kaya napangiwi ako. Nanlaki ang mga mata ko nang unti unti siyang lumingon saakin. Ang kulay abo niyang mata ay parang hinihila ang mga mata ko kaya hindi ko maiwas ang tingin ko. Pinanliitan niya ako ng mata at pinag igitingan ng panga dahilan para magising ako sa matinding hipnotismo ng mata niya. "Taypats kang Pintura ka.." nakagiwi kong saad dahil mukhang nakikilala niya ako base sa tingin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD