Chapter 3 (PART 1)

2066 Words
Paint Cenery PAANO ako makakalas sa halikan namin kung dalang dala na ako. Nanlalambot ang mga paa ko at pakiramdam ko mabubuwal ako dahil sa init na nararamdaman ko dahil sa malalim naming halikan. Pinagpapawisan ako ng malamig dahil kailangan ko ng makaalis dito sa bar at halikan naming ito dahil kung hindi magpapadala ako sa nararamdaman ko ay mahuhuli ako. Hindi ko pwede makalimutan ang pakay kong nakawin ang wallet niya. Hindi dapat ako madala sa malambot niyang labi at galing niyang humalik dahil kapag nangyari 'yun posible akong mahuli at worst ay baka ako na mismo maghubad sa harap niya. Pumikit ako ng mariin at ibinaba ang kamay ko sa malapad at ma-muscle na dibdib, wala na akong choice kung hindi itulak siya dahilan para tumama diya sa isang table at nahulog sa kaniya ulo saka katawan ang babasaging mga baso na may alak kaya nanlaki ang mga mata ko at napaatras ng paunti unti dahil may dugo akong nakikita. Sh-t. Tanga ka, Paint. Mas pinalalaki mo ang chance na mahuli ka. Nasaan na 'yung dakilang magna? Bakit parang nawala ang skill mo ngayon dahil sa lalaking kulay abo n'yang mata? Wrong move. Napakagat ako sa labi at mabilis na tinalikuran ang mga 'to lalo pa't pinagkakaguluhan na siya ng mga babae. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang walang nakapansin saakin lalo pa't naka dimmed ang light. Nanginginig ang kamay ko na hawak ang wallet niya habang mabilis ang paghinga at paghakbang ko palabas ng bar na 'yun. Pinilit kong maging 'chill' lalo pa't naririnig ko ng nagkakagulo silang lahat dahil kapag nagmukha akong natataranta ay kahina hinala na ako. Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makalabas na ako. Taas noo lang at hindi ipinahalata may ginawang akong karumaldumal, dire diretso ako sa parking lot kung nasaan ang Van pero nasubsob pa ako dahil natapilok ako."May sumpa ata 'yung lalaki 'yun." inis kong saad mabuti nalang at hindi tuluyang nagasgas ang mukha ko pero ang tuhod ko ay dumudugo. Nagtiim ang bagang ko habang inaalis ang letseng hills na pinasuot saakin. Napangiwi pa ako nang makita ko ang paltos sa paa ko. "Ang malas malas.." usal ko at paika ikang pumunta ng Van kung saan naabutan kong nakabukas 'to at naghihintay si Erichka saamin. "Paint, anong nangyari sa'yo?!" gulat na saad niya habang inaalalayan akong makapasok sa loob ng Van. At nang tuluyan na akong makapasok ay napasandal na ako sa upuan dahil sa hapdi ng paa at tuhod ko. "Ang obob kasi ng takong na 'to, tinapilok ba naman ako, 'yun nadapa ako tapos 'di pa nakuntento nagiwan pa ng paltos sa paa ko. Nyeta talaga." inis na saad ko saka pinikit ng mariin ang mata ko. "Baliw 'to, sinisi pa sa hills ang kalampahan." napadilat ako ng mata dahil sinabi niya saka sinamaan siya ng tingin pero nakangiti lang 'to. "Nasaan si Mamsh Jorgie?" tanong niya kaya napairap ako at tumingin sa right side ko kung saan nakabukas nag pintuan ng Van. "Nandoon sa loob chinecheck 'yung CCTV. Nasaan na ang tatlo? Oras na ha.." sambit ko sakaniya saka humikab dahil talagang nakakaramdam na ako ng pagod at antok. "Oo nga, nasa loob pa ata eh. Ewan ko h'wag kang magalala. Babalik din 'yun mga 'yun. 11:50 palang naman." natahimik nalang ako at inalala ang gulong ginawa ko sa loob ng bar. Duguan 'yung lalaki at pakiramdam ko nabagok 'yata ang ulo. Napatay ko yata? Syet naman, masama akong nilalang pero hindi ko kayang pumatay. "Erichka, nakapatay ata ako.." wala sa sarili kong saad habang nakatulala sa kawalan. "Sino naman napatay mo, langgam? Lamok? Ano? Hahaha." hindi ako tumawa sa biro at sa halip binigyan ko lang siya ng niya seryosong tingin dahilan para mawala ang ngiti niya sa labi. " H'wag mong sabihin napatay mo ang biktima?" unti unti akong napatango kaya nanlaki ang mga mata niya. "Gan'to, nahuli niya ako eh. Tapos ginawa ko hinalikan ko na---." bigla siyang tumili nang sinabi ko na ginalikan ko ang gwapong lalaki kanina. "Totoo?! Kala ko ba ayaw mo ng halik na 'yan? Paanong nahuli ka?" interesadong sambit niya habang bumalik ang malokong ngiti nito. "Ewan ko ba, masyado siyang alisto. Partida hindi pa nadadampi 'yung kamay ko sa bulsa niya pero nahawakan niya agad ang kamay ko. 'Yun nataranta ako syempre katapusan ko na kapag 'di ko ginawa ng paraan kaya 'yun hinalikan ko kaso teh, masyadong wild. Ayaw bumitiw halikan namin eh syempre kailangan makaalis na ako lalo na't oras na kaya 'yun tinulak ko tumama ulo sa isang table tapos nahulog pa sa ulo at katawan niya ng babasaging baso. Duguan.." pinaglaruan ko ang wallet niya sa kamay ko. Wallet palang ang ganda na. Alam na alam na branded eh. Mapapakinabangan ko 'to mabebenta ko ng dalawang libo? "Gwapo ba?"nagtiim ang bagang ko nang maalala ko ang mukha ni Captain. Isan lang ang masasabi ko parang definition siya ng salitang 'Perfect' kahit madilim ay kitang kita ko ang hulma niyang napakagwapo lalo na ang mapangakit niyang gray na mata. "Seryoso ka, 'yan tatanong mo? Syempre hindi! Ang panget niya! Mas angat pa nga sina batoy sakaniya.." pagtatangi ko baka kasi asarin niya ako at mairita ako saka mapikon tapos bigla nalang mabangasan ang mukha niya "Weh?" malokong saad niya saka inagaw ang wallet na hawak ko at binuksan niya 'to at tumambad ang wallet size na picture. "Hoy ano ba!" iritado kong inaabot sakaniya ang wallet pero itinaas taas niya lang. "s**t, eto? Ang gwapo dai! Hoy jackpot! Gray 'yung eyes! Mukhang Greek God! Oy my god!" sinamaan ko siya ng tingin. "Akin na nga 'yan!" iritado kong usal saka inis na inagaw sakaniya ang wallet. "Ay inangkin mo ghorl? Tingin lang eh. Damot. H'wag ka ng umasa mukhang may pamilya na no, ganda ng babae tapos mukhang may mga anak parehong mata.." nagtiim ang bagang ko saka binuksan ang wallet at tumabad saakin ang picture kung saan si Captain ay buhat buhat ang isang batang lalaki na kulay abong mga mata. Katabi rin nila ang isang babaeng sobrang ganda na buhat buhat ang isang batang babae na gray din ang mga mata. Ano? Pamilya niya? Asawa't anak niya? O baka mga kapatid lang? Hayz, bakit ba curious? Pake ko ba kung may asawa't anak na siya, ang mahalaga nasaakin na ang wallet niya. "Malamang aangkinin ko 'tong wallet! Ako nagnakaw nito eh! Kung gusto mo sa'yo na 'yang picture na 'yan.." saad ko saka inis na inalis ang picture sa wallet upang iaabot sakaniya. "Sabi mo 'yan ha? Wala ng bawian? Walang selosan?" pinagkunotan ko siya ng noo dahil napipikon na ako at baka bigla ko nalang bangasan ang mukha niya. "Para kang tanga ay hindi lang pala parang, TANGA ka talaga." inirapan ko nalang 'to at nilabas ang lilibuhing pera. "Ang dami n'yan ha.." binilang ko ang makapal na lilibuhin at napangiti ako ng malaki nang mapagtanto ko kung ilan ang nanakaw ko doon sa lalaking gray ang mata. " 30 thousand." nanlalaking mata ko dahil ngayon lang ako naka nakaw ng gan'tong kalaking pera, satotoo lang pinaka malaki na ang limang libo pero etong 30k ngayon lang. "Sinasabi ko kasi sa'yo h'wag mo ng sasama 'yang babaeng 'yan Mamsh! Tignan mo ginawa niya.." sabay kaming napatingin sa kanan namin nang marinig ko ang nakakainis na boses ni Sam. "Tumigil ka na Sam, ang mahalaga natapos na.." iritadong saad ni Mamsh Jorgie. Sinulyapan niya pa ako bago siya sumakay siya front seat. "Hoy babaita ka! Talagang hindi mo nilulugar 'yang ugaling iskwater mo!" sabay na pumasok si Samantha, Danice at Xavienne dito sa loob ng Van. "Ano bang pinuputok ng butchi mo Samantha Demonyita? Galit na galit? Pwet mong may raket?" nakakunot kong noo na usal sakaniya. "Nakakainis ka, kawawa 'yung lalaking gwapo tapos sinira mo lang mukha! Ikaw nga unang nanghalik tapos wala ka talagang konsiderasyon kahit sa pogi! Lahat nalang ng lalaki pinapadugo mo pa mukha! Buti nalang buhay pa siya!" naupo sila sa likuran namin pero napairap nalang ako dahil sa dahilan bakit siya galit. "Duguan kaya 'yung lalaki dun, sinasabi may babaeng tumulak sakaniya and there's more alam mo bang kitang kita sa CCTV 'yang huli mong ginawa doon sa biktima mo Kitang kita ang mukha mo mabuti nalang mabilis na idelete nitong si Mamsh ang footage.."sabat naman ni Danice na blanko ang expresyon saakin. "Oh ano ngayon? Kayo ba ang posibleng mahuli at makulong? G na G amputcha ano bitin ba 'yang k**i n'yo kaya badtrip kayo o baka naman naiingit kayo kasi nakahalik ako ng gwapo?" iritado kong saad sakanila dahil talaga si Danice at Sam lang ang galit pero si Xavienne hindi naman. "Tumigil na kayo, tigilan n'yo na ang pagaaway ang mahalaga wala ng ebidensya." nagtiim ang bagang ko at bumulong bulong. "Ang OA kasi ng mga gaga." "Paint, masyadong delikado ang ginawa mo. Mabuti nalang talaga at pinsan ko 'yung nagbabantay sa CCTV mabilis na nacut 'yung 4 sec na naexpose ang mukha mo kung hindi taypats ka hija, kinabukasan na sa kulungan kana. Kilala mo ang mga mayayaman maraming koneksyon ang mga 'yun kahit saan ka pa magtago makikita ka nila.." napangisi ako dahil sa sinabi niyang maraming 'koneksyon' ang mga mayayaman pero hindi naman ako natatakot. "Eh no choice kasi Mamsh, masyadong alerto 'yung lalaki partida hindi ko pa talaga dinikit ang kamay ko sa pans niya bigla niyang hinablot ang kamay ko kaya nataranta ako syempre, doon palang nahuli na niya ako kaya hinalikan ko na kahit labag sa loob ko eh kaso mukhang uhaw uhaw 'yung lalaking 'yun sa halik ayaw akong pakawalan kaya tinulak ko hindi ko naman sinasadya na tumama ang ulo niya sa lamesa at mahulugan siya ng babasaging baso.." nakangising saad ko saka sumulyap sa mga bitin na bitin na sina Sam and Danice para asarin sila. "Nakita niya mukha mo?"tanong ni Mamsh kaya napailing iling lang ako "Madilim mamsh, naka dimmed ang light tapos lasing pa siya ng sobra kaya panigurado 'di ako makikilala nun." napabuntong hininga siya at nakita ko ang kaba sa mukha niya. "Patay tayo d'yan Paint, delikado paano kung naalala ka? Basta kapag nahuli walang laglagan ha.." ngumisi lang ako sakaniya saka tumango dahil talagang tumutupad ako sa usapan at kapag mahuhuli ako ay wala akong ilalaglag na kasabwat ko dahil kasalanan ko naman kung bakit ako mahuhuli kya wala dapat idamay. "Oo na h'wag kayong magaalala hindi ko kayo ilalaglag, hiyang hiya na ako sainyo mukhag lamog na kayo.." makahulugan kong usal sa salitang 'Lamog' "Lakas pa rin talaga ng loob mangasar." iritadong sambit ni Samantha kaya nilingon ko siya saka nginitian. "Mama mo asar.." saad ko saka humalakhak. "Saglit nga lang, hindi ba birhen ka pa? Wala ka ring first kiss panigurado?" sabat ni Xavienne habang nakangisi saakin. Napakagat ako saaking labi dahil mukhang ako naman ngayon ang aasarin nila. "Meron no!" mabilis na sagot ko para hindi nila ako asarin ng bonggang bongga. "Sino? 'Yung lalaki kaninang pinadugo mo ang ulo.."nakangising usal ni Danice saakin kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi no." "H'wag kang sinungaling, nakakabaog 'yan. Kitang kita ko sa CCTV kung paano gumalaw ang labi mo halatang hindi marunong." pangaasar naman ni Mamsh Jorgie kaya nagtawanan silang lahat. "Laughlaughfan sa first kiss, sana all!" panggagatong ng pesteng si Sam na ngayon ay enjoy na enjoy na nakikitang napipikon na ako. °°° MALAKI ngiti ko habang papunta ako kung saan magbabayad ng bill ng hospital dahil baka 57 thousand ang lahat lahat na nakuha ko ngayon tapos puro branded pa ang nanakaw kong wallet kaya ibebenta ko. Sa una kong ninakawan 10k ang perang nakuha ko. Sunod 12k, pangatlo 5k at ang paghuli 'yung sa gwapong kulay abo ang mga mata 30k. Walang kahit anong kinaltas si Mamsh sa mga nakuha ko basta raw sa mga susunod na pagsama ko ay 20% sakaniya na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD