PMS3-5.1

856 Words
PMS3-5.1 PARANG napako si Jezen sa kanyang kinatatayuan. Panay ang kurap ng kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwalang hinalikan na naman siya ulit ni Cameron. Now she's confused, knowing that Cameron loathed her. Napalunok siya ng mariin at nasapo ang kanyang dibdib. Sa lakad ng t***k nito'y daig niya pa ang may nagawang kasalanan. Nang makabawi sa pagkagulat ay dali-dali siyang bumalik sa kanyang kuwarto. Napasandal siya sa pinto nang maisara niya ito. Ginulo niya ang kanyang buhok. Ngayon ay binabagabag na siya ng kanyang isipan. For her, this is below the belt. Nakagat niya ang kanyang labi. Sobrang mali ito para sa kanya. Nakuyom niya ang kanyang mga kamo at tumalon sa kanyang kama. Tinakpan niya ng unan ang kanyang sarili. Ayaw niyang mag-isip dahil magiging kumplikado lamang ang lahat. Tama. Galit ang binata sa kanya at pinalalaruan lamang siya nito. KINABUKASAN, maaga pa sa tilaok ng manok kung magising si Jezen. Ewan ba niya pero hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil sa tagpong iyon. Agad siyang nagtungo sa kusina para maghanda ng kanilang almusal. Habang abala siya sa kanyang pagluluto ay muntik niya pang mabitiwan ang sandok nang marinig niya ang paghila ng binata sa silya. Huminga siya ng malalim at hindi inintindi ang presensiya nito. Naghain na siya ng almusal ng binata. "May gusto ka pa bang iba?" "You..." simpleng sagot lang din naman nito. "Ha?" sagot niya na magkasalubong ang kanyang kilay. "Eat," sagot nito. "Ah," aniya pa. Ang akala niya kasi ay kung ano ang ibig nitong sabihin. Umupo na rin siya sa hapag at kumain na rin. Habang sumusubo siya'y naninigas ang kanyang leeg. Paano ba naman kasi ay habang sumusubo rin ang binata ay nakatingin sa kanya. Parang nasa hot seat siya. Napapakuyakoy siya upang maibsan ang kaba. Yeah, she's nervous the way Cameron look at her. Lalo na kapag napapatingin siya sa lips nito. Damn it! She always remember how this man savage her lips. Agad na niyang tinapos ang kanyang pagkain. Pero wrong move yata ang ginawa niya dahil nabulunan siya. Dali-dali siyang napainom ng tubig. "What the!? Jezen, are you okay?" dulog agad ng binata sa kanya. "Ha? O-oo." She keeps coughing. "What the hell are you thinking? Bakit ka ba nagmamadali sa pagkain?" Panay ang himas nito sa kanyang likuran. Pinagpawisan na siya ng malamig dahil sa katangahang ginawa niya. "O-okay na ako," aniya pa at lumayo sa binata pero hinila siya nito at pinaharap sa kanya. "May lakad ka ba at ganyan ka nagmamadali na matapos ang almusal mo?" anito habang pinupusan ang kanyang noong may pawis. Mas lalo yata siyang pinagpawisan. Lihim niyang nahigit ang kanyang hininga. "O-oo, may lakad ako. Bibisita ako sa site. Okay na ako," pagrarason niya at agad na lumayo sa binata. Dali-dali siyang pumasok sa kanyang silid. Nakagat niya ang kanyang labi. "Wala lagi Jezen! Wala," aniya pa sa kanyang sarili at nag-ayos na para bisitahin ang kanyang pinapatayong school. NANG lumabas pa siya ng kanyang silid ay nakasalubong niya pa ang binata. Wala itong imik at tiningnan lang siya mula ulo hanggang paa. Pero agad din itong umalis sa kanyang harapan. She exhaled, nakahinga siya ng maluwag. Agad siyang lumabas ng bahay at tinungo ang kanyang kotse. Sumakay siya agad at pinaandar na ito. NANG makarating siya sa kanyang lupain ay agad niyang nakita ang on going na process ng kanyang school. As she walk towards the construction workers, they stop as they see her. "Magandang umaga po ma'am," ani no'ng isa. "Magandang umaga rin po," bati niya. "Si Engr. Velasco? Where is he?" tanong niya pa. "Nasa likod po ma'am." Tumango lamang siya at pinuntahan ito. "Miss Del Rosario," sambit nito nang makita siya ni Engr. "Glad to know na nasimulan na ang project ko," nakangiti niyang ani at bumeso sa lalaki. "Of course. Your boyfriend is really hard to please." Umawang ang kanyang labi. "Boyfriend?" aniya. "Yeah. Doctor Cameron Evans Villaraza. Is he not your boyfriend?" "No!" agad niyang sagot. Napatawa naman ang lalaki sa kanyang naging sagot. "I thought he was. He visits here twice. I asks him, and he said he is your boyfriend so I didn't bother to stop him from asking on what's going on in here." Nakagat niya ang kanyang labi. "Does he?" "Yeah. Well I don't want to be part of this. My mistake to intrude." "No, it's okay," aniya kasabay nang pag-iling ng kanyang ulo. Now she was getting more confused. Why does Cameron claim himself as her boyfriend when the fact is he loathed her. Pinalis niya agad sa utak niya ito. They continued talking until her phone rings. She made an excuse for a moment. "Yes?" "Ma'am, si Felis po ito." Napahawak siya ng mahigpit sa kanyang cell phone. "Yes," kalmado niyang sagot. "Ma'am, I send you all the evidence at your email. Please check it. I am so sorry for the delayed." "It's fine," sagot niya at pinatay na ang tawag nito. Felis is her private investigator. Kinakabahan siya sa maari niyang malaman. Agad siyang nagpaalam sa mga tauhan niya at agad na sumakay sa kanyang kotse. She needs to see it right now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD