Tulala pa siya habang pinapanood si Ate Lory na iniempake ang kanyang mga gamit. Halatang naiiyak din ito, lalo at wala na itong makakausap pa umalis na siya. "Di man lang naisip ni Sir Rex ang baby nyo, papauwiin ka na sa inyo." Sabi nito na halatang masama ang loob. Naalala niyang na chat niya pala si Tita Riva at ito napagbigyan sya sa kanyang kagustohan. Lalo at wala naman silbi ang pagpapasahod ng mga ito sa kanya dahil siya ang alagain. "Ako po ang nag request kay Tita Riva na pauwiin ako. Natatakot po kasi ako na dito manganak ate Lory. Masyadong risky dahil sa wala namang doctor na malapit." Sabi ko dito. "E bakit di mo naman sinabi sa akin agad?" Tanong nito na halata ang pagdaramdam. "Akala ko po kasi di ako pagbibigyan kaya di ko na sinabi sa inyo." Sabi ko dito. "Malungko