Nagising siya kaninang umaga na mag isa nalang sa silid, kaya naman ay tinanong niya ang kasama niya kung nasaan ang lalaki. Madaling araw na din naman sila natulog, dahil sa sinulit talaga ng lalaki ang magdamag. Malamang kung di pa niya sinabi dito na di na niya kaya at masakit na masakit na ang kanyang katawan ay di parin ito titigil. Ang ending ay tinanghali na nga siya ng gising at di man lang niya namalayan na umalis ang lalaki. Mag iisang buwan mahigit na din siya sa isla at from time to time tumatawag siya sa kanila. Lalo kay Pia, minsan pinupuntahan din ni Xaniel ang kanyang negosyo upang personal na i monitor habang wala pa siya. Parang nasanay na din naman siya sa pamumuhay sa may isla, parang nasa ibang dimension siya sa sobrang katahimikan ng paligid. Para bang ang lapit la