Kaharap niya ito ngayon matapos na hilingin niyang makausap ito ng sarilinan. Nakapagpasya na siyang ibalik nalang dito ang bayad nito na advance at mag abroad nalang, di niya naman kasing maatim na makasama pa si Rex sa iisang bubong. Sa mga narinig niyang parunggit ay naisip niyang mas makakabuti sa kanyang mental health, ang mamuhay ng malayo sa lalaki. Kung naliliitan man ito sa kanyang pagkatao dahil sa layo ng antas nila sa buhay, mas maigi pang di nalang niya ito makita kahit kailan. "Hi hija, sorry medyo natagalan ako sa kakulitan nila sa labas. What is it? May problema ba, gusto mo bang dagdagan ang advance p*****t?" Tanong nito na halatang ready na naman na maglustay ng pera. It is more than that, alam niyang may ideya ito sa namamagitan sa kanila ng anak nito. She just don't