Di niya gustong makipag usap sa lalaki ngayon o kahit na kailan. Mainit ang ulo niya dito, sino ba ang hindi, matapos na ma hospital siya ay wala man lang itong paramdam, maski text o chat man lang sana ng pangungumusta ay wala. "Kakasya na naman yata kayong dalawa dun sa kama ng bruha na yan?" Mamaya maya ay basag ni Nanay sa katahimikan. "Kama? Ang lapit lang ng bahay mo a, umuwe ka nalang gusto kung dumipa dipa at magpagulong gulong sa kama ko." Sabi ko agad. Di niya alam kung may sapi ang kanyang ina ngayon. "Sus Xania, wag mo akong kwentuhan ng mga ganyan mong epek. Umamin na tong nobyo mo na magkasama kayo lagi nito, at di ako pinanganak kahapon alam ko ang mga likaw ng bituka ninyo. Ngayon parang awa mo na mag usap kayo ng maayos. Ayokong tumandang dalaga ka, sa saltik na meron k