BODCT-1

2476 Words
BODCT-1 Marinel PABALING-BALING ako sa paghiga sa kama ko. "Ah!" tili ko nang mapabangon ng wala sa oras. Grabe! Daig ko pa ang nasa marathon dahil sa sobrang pawis sa aking buong katawan. "Lintik na kuryente naman oh!" iritado kong sambit at napababa sa kama ko. "Nel! Aba'y puputulan din kita ng tubig kapag hindi ka pa nakapagbayad!" sigaw ng bago kong Landlady sa inuupahan kong apartment sa Cubao, Quezon City. Simula kasi nang mag-migrate si Nica sa States ay naiwan na akong mag-isa at kumuha na lamang ng maliit na apartment. Padabog kong binuksan ang pinto. Parang sasagala itong si Manang Pipay dahil sa suot niyang damit na floral. "Ang bayad mo Marinel! Diyos ko naman bata ka! Tuwing due date na lang ako lagi stress sa 'yo!" lintanya nito. Napakamot ako sa batok ko. "Saglit lang!" Kinuha ko ang pitaka ko at kumuha ng pera sabay abot kay Manang Pipay. "Sobra ho 'yan. Ayos na po ba? Pakibalik na po ng kuryente ko," sabi ko pa rito. Nangingislap naman ang mga mata nito habang binibilang ang ibinayad ko. Mahigit isang taon na rin akong naninirahan dito simula nang... Nang mamatay si Enzo. "Oh siya!" anito at umalis na. Isinirado ko rin naman agad ang pinto at napasandal dito. Napabuga ako ng hangin. Nagastos ko na naman ang pambayad ko sa review center. Pambihira! Kung bakit naman kasi palagi akong bagsak! Tumunog naman ang skype alert sa laptop ko. Regalo ito ni Andy sa akin noong birthday ko nitong nakaraang buwan, para raw makausap ko si Nica sa America. Nag-on cam kaagad ako at umupo sa harapan nito. "Ano?" walang gana kong tanong kay Nica. Itinukod ko ang kaliwang siko ko sa mesa at napalumbaba. "Girl! Kumusta ka na? Winter na here! Miss you na!" aniya. "Masaya! Grabe!" pasarkasmo kong sagot. Pinaikot lang nito ang mga mata niya. "Ano na naman ba ang problema?" tanong niya. Napatakip ako ng mukha at isinukbit ang buhok ko sa likod ng aking tainga. "Forever baon na yata ako sa pagiging helper ni Doc. Suarez," sagot ko. Nawawalan na talaga ako ng pag-asa na makapag-review para sa licensure exam. Palagi ko na lamang kasing nagagastos ang mga naiipon kong pera. Kung hindi sa renta sa bahay, sa tubig at kuryente naman ako nadadale. Napatungo ako. Maiiyak na talaga ako sa sobrang stressed. "Hoy! Nel, 'wag na sad! Padadalhan kita ng pera," pukaw nito sa akin. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya. "Wow! Sana kunin ka na ni Lord," nakakaloko kong asar. "Gaga! Nakaluwag-luwag din naman ako ngayong buwan kaya make sure na mag-i-enroll ka na," aniya. "Ah! Thank you talaga bruha! Padala mo na bilis bago ko pa maisipang maibayad 'yan kay Manang Pipay," sabi ko pa. Pinandilatan naman niya ako ng mga mata. Napairap ako. Bigla namang may dumaang adones sa likuran nito kaya halos ingudngod ko na ang mukha ko sa screen ng laptop, makita lang ang mukha ng lalaking kasama niya. Napamaywang ako. "Hoy Nica! Sino 'yang adones na 'yan?" tanong ko. "Ha? Ah-eh? Haha! Si..." Nagsalubong ang kilay ko. "Sino sabi 'yan e!?" medyo iritado ko ng tanong sa kanya. Naka-top less kasi ito habang panay ang paroon at parito sa likuran ni Nica. Napakamot naman siya sa batok niya. "Boyfriend ko." Napanganga ako sa sagot niya. "Iyang hilaw na 'yan! Baka one way trip na naman 'yan!" litanya ko. Guwapo ang boyfriend ng gaga! "Hindi ah! Limang buwan na kami nagsasama Nel. Natatakot akong ipakilala siya sa 'yo kasi magagalit ka." Napapangiwi pa ito. Napabuntong-hininga naman ako. "Nica, mahal kita kaya tatanggipin ko. Basta ba masaya ka sa kanya." Teary eyed naman ito. "So sweet Nel. Mahal na mahal kita at alam mo 'yan. Una na ako Nel ha. Bye!" Kasabay ng pamamaalam nito ay ang pag-off ng camera sa skype. Napatungo akong muli sa mesa. Si Nica na ang may love life at ako na ang ampalaya. Naalala ko tuloy si Enzo. Itiniklop ko na ang laptop ko at tumayo na para mag-ayos ng sarili. Nakakalungkot mang isipin na mag-isa na naman akong namumuhay. Kinuha ko ang I.D ko matapos kong magbihis. Nagtatrabaho ako bilang secretary ni Doc. Suarez at isa siyang pediatrician. Mabuti na lang at tinanggap niya pa ako sa trabaho gayong hindi pa naman ako nakakapasa sa board exam. Kahit paano ay malaking tulong din sa akin iyon. Hindi man kalakihan ang suweldo ko pero nakakaraos din naman ako. Iyon nga lang ay hindi talaga maiiwasan ang magipit, lalo na at may pinag-iipunan ako. Matapos kong ipusod ang buhok ko ay bahagya ko pang pinagmasdan ang ayos ko sa harap ng salamin. Napangiti ako at dinampot na ang mga gamit ko. "Fighting Nel!" cheer ko pa sa sarili ko. Ini-lock ko na ang bahay bago ako tuluyang sumakay ng taxi. Mahal man ang magiging pamasahe ko pero kaya pa rin naman, huwag lang mahuli sa trabaho. "Manong sa– " Nalaglag ang panga ko nang lumingon ito sa akin. Ang guwapo! Nakasuot pa ito ng sunglass at talagang angat na angat ang perpektong tangos ng ilong nito. Napalunok pa ako at napakapit sa upuan ko. "Mali... Oo! Mali yata ang nasakyan ko!" nagkandautal ko pang sambit at natutop ang aking bibig. Ngumiti naman ito ng malapad at mapipigtasan yata ako ng straps! Napatakip ako sa mukha ko at napapadyak. Nako naman Nel! Mumultuhin ka talaga ni Enzo niyan. "Tama naman ang sinakyan mo and please don't call me like that. Hindi pa naman siguro ako ganoon katanda, 'di ba?" anito. Napapailing at napapatango ako. Ewan! Ang guwapo niya talaga kasi, iyong tipong kanin na nga may kasama pang ulam. Para akong napahiya sa sinabi ko kanina. "So, where are we?" anito ulit. Napalunok na naman ako. "Sa... Ahurm..." May nabarang ipis! Pilyo pa itong ngumiti ulit. "Fairview General Hospital," mabilis kong sagot at napayuko. "Okay," tipid lamang na sagot nito at itinuon na ang atensyon sa pagmamaneho. Napangiwi ako at nakahinga ng maluwag. Aatakihin yata ako sa puso nito. ILANG oras ang lumipas pero hindi talaga ako mapalagay sa kinauupuan ko rito sa loob ng taxi. Kanina niya pa kasi ako sinusulyapan gamit ang passengers mirror. Pakiramdam ko tuloy para akong nasa hot seat. Pero grabe lang! Ang guwapo niyang driver. Mukha siyang modelo at may katangkaran din ito base sa biyas ng kanyang mga braso. "We're here," anito bigla. "Ha? Ah oo! Magkano ba?" Nagkukumahog pa ako sa pagdukot ng pera sa bulsa ko. "It's free. Go on," nakangiti pa nitong wika at nag-automatic na bumukas ang pinto. "As in free?" gulat ko pang tanong. Napatango-tango naman ito at talagang 'di mapalis ang ngiti sa labi niya. "Nako salamat," nahihiya ko pang sagot at tuluyan nang lumabas ng taxi. Sumirado ulit ang pinto at ngumiti lang ito ng kay tamis sa akin bago tuluyang umalis sa harapan ko. "Hoy Nel! Tulala ka!" "Ah! Ang guwapo niya!" tili ko pa habang sinasabunutan si Amelia. "Aray ha! Makasabunot ka naman! Anong guwapo aber?" inis nitong ani habang sinasalag ang kamay ko. "Iyong taxi driver na sinakyan ko! Amelia as in ang guwapo niya!" Para na akong baliw. For the first time ay ngayon lang ako nakakita na may guwapong nilalang na nagmamaneho ng taxi. Bigla niya naman akong hinawakan sa magkabilang braso ko. "Seryoso ka? As in! Oh my god! I think 'yan 'yong sinasabi ng isang pasyente ko," anito at bahagya pang napapaisip. Hinila ko siya papasok sa hospital. "Anong pasyente?" tanong ko pa. "Ah, 'yong pasyenteng dinala dito noong isang buwan. Hinahanap niya kasi 'yong taxi driver na nagdala sa kanya. Kawawa nga e." Napatango-tango lang ako. Ayaw kong magkumento dahil hindi ko naman alam ang buong istorya. "Tara na nga," gayak ko. Katrabaho ko si Amelia dito sa hospital. Ang pinagkaiba nga lang, certified registered nurse na siya at ako? Alalay lang ni Doc. Suarez. "Oh, dito na ako ha? Gora na girl," anito at nagdamali nang umakyat sa ika-dalawang palapag. Kumaway lang ako at dumiretso na sa elevator. Nasa ika-tatlong palapag pa kasi ang opisina ko. Huminto naman ang elevator sa ika-tatlong palapag kaya lumabas ako agad. Mabuti na lang at wala akong nakasabay kaya nakapag-ayos pa ako ng konti sa aking sarili. "Nel! Why so late!? Kanina pa kita hinihintay!" salubong ni doktora sa akin. Pinipigilan kong mapaikot ang mga mata ko. Kahit kailan talaga ang taray nito sa akin. Talagang dito pa kami nagkasulubong sa hallway. "Opo ma'am!" sagot ko at sumunod sa kanyang office. Lihim akong napaismid habang nakatalikod ito sa akin. Porke't hindi pa ako totally registered nurse ay inaapi-api niya lang ako ng ganito. Kapag ako nakapasa sa board exam, who you sa akin ang bruhildang 'to. Nang makapasok kami sa opisina nito ay agad niyang itinambak sa lamesa ko ang mga documents ng mga pasyente na kailangang ayusin ang schedule. "Prepare that! Aalis na muna ako. Call me if someone needs me," bilin nito at padabog pang isinirado ang pinto. Napailing na lang ako at sinimulan nang ayusin ang mga dokumento. Paniguradong manlalalaki na naman 'yon. Tumunog naman bigla ang alarm tone ng aking cell phone. Pahapyaw ko itong sinulyapan at nangingilid pa ang mga luha ko habang napapatitig sa screen ng cell phone ko. Humugot ako ng malalim na hininga at bahagyang pinunasan ang konting luha ko sa mata. September 21, 2014. Ang araw kung saan una kaming nagkakilala ni Enzo sa isa sa mga beach ng La Union. September 21, 2015. Ang unang anniversary namin. Hindi naging kami kaya walang monthsary na matatawag pero patuloy kong inaalala sa utak ko ang araw kung saan kami unang nagkita. "Dadalaw ako sa 'yo sa linggo, Enzo. Pangako," sambit ko sa aking sarili. Hindi mawawala rito sa puso ko ang malaking puwang na nakalaan para sa kanya ngunit kailangan ko nang isirado ito at buksan muli para sa iba, gaya ng gusto nitong mangyari para sa akin. Caldwill Enzo NEW YORK… I WAS sitting on my swivel chair while listening to my secretary. She was discussing about the house I bought in the Philippines a few months ago. "Where is it located again?" I asked as I played the pencil in my hand. "Located at South Forbes in Laguna, sir. The theme was a Bali Mansion sir and it's really fits on your taste," she answered and look down again to her memo pad. I swirled the pencil on my table. "Do I have a meeting today?" I asked again. "Yes but..." I raised my brows as I frowned. I hated to hear hanging speeches with a big hesitation that I can saw on her face. I rolled my eyes. She's starting to get pale. "What!?" I irritably asked. "Sorry for making you pissed sir but the immigration send a message to you." I frown again. "And what it says?" She swallowed hard and she look shocked with a little dismayed all over in her face. "Sir, they just wanted to clarify about your status. They're asking and confused why you are not still processing the petition of your wife to become an American citizen. They're so puzzled too why you are still claiming that you are single even if you are really a married man," she explained and I almost explode to what I've heard from her. "Are you kidding me!?" She shook her head. Oh for Christ's sake! I hysterically stood up. "For Pete's sake! How can I be a married man? I don't even have a girlfriend! That is bullshit!" Her knees are trembling as I've noticed. I grab the paper she was holding. My eyes got widened. I crumpled the paper and throw it away. "Find her! And book my flight as soon as possible Elena!" She stood up and went outside without saying any words. Who the hell framed me up to this kind of situation! How could it happened!? I am married for almost a year!? What the hell!? Is this some kind of her jokes because it's not funny! I swear she'll pay for this! How could her! PHILIPPINES… I THROW my bag on the back of my car when I reached the parking lot of the NAIA. Halos baliin ko ang manibela sa sobrang inis at galit. I am so much frustrated right now. Ikinasal ako sa isang babae, na sa tanang buhay ko ay hindi ko pa nakita. How this could be happened without my knowledge. Diretso ako agad ng Laguna, sa bahay na binili ko sa South Forbes, Santa Rosa. I bougth a house here in the Philippines just to make it as my vacation house. But who wouldn't know na magiging dream house iyon ng babeng iyon sa oras na malaman niyang mayaman ako. That gold digger! I grab my phone. "What it says now Elena?" "I am sorry to tell you, sir. According to the registral office, the marriage is valid. You are legally married to Ms. Marinel Magtalas... Ahm... Mrs. Marinel Magtalas Villaraza," Elena answered in the other line. My jaw literally dropped for the second time. Napalo ko ang manibela. And I gritted my teeth when I heard her name. "Find her or I will fired you!" I yelled as I hung up. Nang makapasok ako sa Forbes, diretso ako agad sa mansion ko. As I expected Elena prepared everything. My cars are at the garage. I have my butler, maids, my on call chef, a bodyguards and lastly a caretaker for my precious garden. I rolled my eyes and smirked as I entered in my mansion. "Are you hungry, sir Caldwill?" my butler asked. "Who are you again?" He cleared his throat before answering me. "Ivan, sir." I nodded. "I want a smoke salmon, a salad and a double espreso for my coffee. Bring it to my office." He bowed at me. "Don't bow at me Ivan. Let's just be civil," I sincerely said. "As you wish, sir." I peeked a smile and went to my office. Pasalampak akong umupo sa couch at isinandal ang ulo ko. Jetlag is killing me! My phone rang, kaya ini-set ko na lang sa loudspeaker. "Yes Elena?" "Sir, your office is ready at Fairview General Hospital." I frown. "Bakit nasa malayo pa? Nasa Quezon City 'yan at nasa Laguna ako." "They badly needed you there, sir and your wife–I mean, Ms. Magtalas is working there, sir. She's working to Doctor Suarez, a pediatrician, as a secretary." So? That b***h is a nurse. "I'll take it, just tell them about my conditions and please Elena, assign that woman as my secretary and no but's!" "As you wish, sir." Napahilot ako sa sintido ko. Knowing that I am a married man now is killing me! We will meet so soon who-ever-you-are wifey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD